"Ano?!!" Singhal ni Zach ng makatanggap ng tawag mula sa kaibigang pulis na nakadestino sa Bukidnon. Isang masamang balita ang bumungad kay Zachariah pagkatapos ng meeting niya sa mga board of directors. "Paano nangyari yun? Diba sinabi ko ipagpatuloy yung kaso? Bakit nakalaya pa rin ang tang-inang yun?" Naiinis na tanong ni Zach sa kaibigang pulis. "Malakas ang kapit niya dre. Anak ng mayor kaya nakahanap ng lusot. Pinaalam ko lang sayo baka balikan niya ang kapatid mo. Malayang nakakaliwaliw ang lalaking iyon ngayon. Pagkakaalam ko ay umalis iyon dito sa Mindanao. Hindi ko alam kung nasaan na siya ngayon." Mahabang sagot ng kaibigan ni Zachariah na nagbigay impormasyon sa kaniya na nakalaya nga si Vent. "Sige dre. Maraming Salamat sa impormasyon." Tugon naman ni Zach at pinutol ang t