Nagising si Rania sa ingay na naririnig niya. May nagtatalo sa kung saan kaya kahit masakit ang ulo niya ay pinilit niyang dumilat para tingnan kung sino ang nagtatalo. Hilong-hilo ang pakiramdam niya pero pinilit niya pa ring bumangon. "Z-Zach." Hirap niya usal ng ang kapatid ang una niyang naaninag. Tumigil ang pagtatalo at tanging mga yabag nalang ang naririnig niya palapit sa kaniya. Hindi niya pa masyadong naaninag ang paligid kaya pikit-dilat ang ginawa niya. "How are you feeling Rania? May masakit ba sayo?" Nag-aalalang tanong ni Zach kay Rania. "I feel dizzy." Tapat na sagot ni Rania na agad naman siyang dinaluhan at tinulungan ni Zach na makasandal sa headboard. "Tss." Tila bumaling ang atensyon nilang dalawa sa taong umismid sa tabi. "S-Samson." Utal na saad ni Rania na na