Hindi manhid si Rania para hindi maramdaman na iniiwasan siya ng kapatid niya. Bukas aalis na siya papuntang London at hanggang ngayon hindi pa rin siya kinakausap ulit ng kapatid. Naiinis na nga si Rania kung bakit ganun ang inaasta ng kapatid niya eh. Wala naman siyang ginagawang masama eh. Buti nalang at napapasaya siya ni Samson habang dinadalaw siya nito araw-araw. Nagkakapalagayan na sila ng loob ni Samson at sobrang saya ng puso niya dahil may malaking pag-asa pa na maging sila ni Samson. Pababa si Rania ng makasalubong niya ang kapatid na siyang paakyat naman. Nagsalubong ang mga mata nilang dalawa ngunit mabilis na umiwas ng tingin si Zach at nagpatuloy sa pagpanhik sa taas. Umasim naman ang mukha ni Rania ng lampasan siya ng kapatid. Sa sobrang inis niya ay kinumpronta niya an