Chapter 1 The unpleasant encounter

1352 Words
"Hey sweetie!" (Paaakk!) "We're over. Break na tayo!" Pagkatapos masampal ni Atalia ang napaka-gwapong lalaki na inaakala n'yang ang nobyo na may kasamang ibang babae ay biglang nawala ang kalasingan nito. "Sh*t! Wrong move. Lagot na! I'm so dead." Mabilis niyang tinalikuran at patakbong nilisan ang lugar pero narinig pa n'ya ang isang malakas din na sampal at ang boses ng babae sabay sabi "Break na rin tayo Hunter! Cheater!" Gigil na gigil na sigaw ng babae. OMGggg! Atalia ano ba naman. Nakasira ka ng relasyon ng wala sa oras. Kastigo ng dalaga sa sarili. Ba't na man kasi ngayon pa s'ya nagkalakas ng loob manampal, eh kaninang umaga kitang-kita n'ya ang nobyong si Kurt na may kahalikang babae, at least sa oras na 'yun ay hindi pa s'ya lasing at klarong-klaro ang mga pagmumukha nito. "Gosh! Blame it on the alcohol." Pagdadahilan na lang n'ya sa sarili. Ang gwapo pa naman ng lalaking nasampal n'ya, nakatalikod kasi ito nung sugurin nya. Sa tindig, pangangatawan at pustora. Parehong-pareho kasi sa bf niyang playboy. "Please naman sana hindi na magcross ang landas namin ulit ng lalaking iyon. T'yak patay ako." Laking pagsisisi na sambit ng dalaga. Samanlata, Hindi makapaniwala si Hunter sa nangyari. Isang Hunter Williams, a well-known ruthless, young and handsome billionaire. For the first time nasampal, lalo't sa hindi pa kakilalang babae. Maganda at sexy nga ang babaeng 'yon, ngunit simple lang at mukhang lasing pa ang babaeng ito. Kaya malaki ang kailangang sisingilin niya dito kasi nasira ang date niya kay Trina. His long time girlfriend na supposed to be magiging fiancee na sana sa gabing iyon. Kaso nauwi sa walang kwentang hiwalayan. Sa unang pagkakataon kasi nawala s'ya sa wisyo kung anung dapat unahin, ang pakalmahin ang girlfriend niya, o habulin ang babaeng basta-basta nalang nanampal at nangangking gf n'ya. "F*ck! You are courting death woman." Umuusok ang ilong s galit na turan ng binata. Few days after.......... Matapos ang incident tahimik na muli ang utak at buhay ni Atalia, siguro nga hindi naman ganun ka capable ang lalaking nasampal niya para mapahanap s'ya. Sinubukan niya ring makipagkita at makipag-usap sana sa boyfriend n'ya para hiwalayan na 'to ng tuluyan kaso nasa business trip pala ito. So balik trabaho na s'ya after sa tatlong araw na vacation leave. She is currently working as a fashion designer in a prestigious company 'The Dress Code' w/ wide array of clothing lines na may mga branches here and abroad. "Gurl! Gandara mo naman today ah. Nakakablooming pala ang vl? Bulalas ni Nina." Designer rin na kaibigan n'ya. "Ssssh. Ingay mo, nakapagpahinga lang 'kaw talaga." Saway ni Atalia sa bungangera n'yang kaibigan. "Alam mo ba anung chika gurl? Ang gwapong anak ng may-ari na ang new CEO natin!" Halos mabaliw na sabi ni Nina sa kanya. "Kaya mas lalo tayong ma-iinspired magpaganda. Ay, magtrabaho pala. Bungisngis pa ni Nina." "Naku gurl 'wag mo na akong madamay-damay sa mga ganyan, dami ko pang dapat tapusin. Malapit na yong kick off show natin baka nakalimutan mo." Lintanya n'ya. "Okey, okey sabi mo eh." Saka padabog na bumalik sa upuan si Nina. Few moments later... "What? OT agad-agad?" Inis na sambit na naman ni Nina. Nakatanggap kasi sila ng notice galing sa new CEO na dapat i-prepresent nila ang flow sa show at mga new designs na ibibida nila.Kaya kelangan nilang matapos ito today. "Keri lang yan gurl, di lang tayo ang OT pati ibang department!" hagikgik ni Atalia. Mukhang workaholic yata ang new CEO kaya damay-damay ang show. "Chos, konti na lang ang crush ko sa kanya ha, kung di lang s'ya ubod ng gwapo eh talagang nagwalk-out nako nito." Sagot muli ni Nina na nakanguso pa rin. Kaya nagtawanan nalang sila kasama ang iba pang designers. Kinabukasan after sa productive night ng OT nilang lahat. 7:30 am palang nasa company na si Atalia. Nakagawian na n'yang maaga pumapasok sa trabaho. "Magandang umaga kuya guard!" Bati nya. "Nakuuu maam Atalia mas maganda ka pa sa umaga." Kwelang sagot na man nito. Nginitian nalang n'ya ito at dali-daling pumasok para sumakay sa elevator. Pagkadating sa department n'ya ay kompleto na pala lahat ang kapwa designers at mga assistants nito. "Wooow! May himala ba today? Anong meron at ako pa talaga ang nahuli sa grupo natin? Hahaha." Hindi maiwasang halakhak ng dalaga. "Ang aga-aga nanggugulat kayo ha. At nakatayo pa kayong lahat? Sige na nga, lilibre ko na kayo ng lunch this coming payday." Dagdag tawa pa n'ya. Pero yumuko pa ang lahat ng kasamahan n'ya, sabay bati. "Good morning Sir Williams." Parang tuod at mukhang kamatis ang pisngi ni Atalia sa hiya gayong nasa likuran pala n'ya ang CEO nila. "Shocks, kung ipapahiya ka nga naman ng pagkakataon diba wagas!" Tanging reklamo n'ya sa sarili. Kaya humarap s'ya sa gawi ng bagong boss n'ya at inihanda ang ubod gandang ngiti para maki-good morning na rin. Ngunit ngiti niyang naging ngiwi nang mamukhaan ang gwapo at batang boss. "Noooooo! Sa isip nya, God! Kung magbiro naman oh 'wag isang bagsakan please!" Hindi naisatinig ang mga iyon ni Atalia. Ang boss lang naman niya ang lalaking nasampal at hiniwalayan pa ng gf dahil sa kanya. Dahan-dahan s'yang yumuko para di s'ya masyadong mamukhaan nito. "Good morning." Sagot sa baritonong boses nito. "I want everyone in my office before 8 so you can start the presentation early." Yun lang at tumalikod na ito. "Namaaaaannn. Jusko pwede na 'kong himatayin!" Bulalas ni Nina na halatang may pagnanasa sa bagong boss nila. "Boses palang girls laglag panty nah!" Segunda naman ni Claire isa pang may tupak din at parang nakureyente dahil sa kilig. "Ang gwapo n'ya talaga, ang macho pa! Busog na ako kahit wala pa akong almusal gurl." Sagot ni Nina sabay yugyog ky Atalia. "That's enough girls. Baka malate na tayo." Sabat ng senior designer nila na si Ms Sevilla. Feeling superior ito sa lahat. "Oo nga naman, tulo laway kayo agad dun eh isang ligo lang naman lamang sa'kin ni boss." Pang aasar pa ni Jake na kasama nila at masugid na manliligaw ni Atalia. Gwapo din naman ito at mabait. Kaso hindi nga lang n'ya bet. Meanwhile (Hunter's few mins flashback)... While on his way to his VIP access elevator, naagaw ang atensyon ni Hunter sa kakapasok rin na empleyada n'ya, Simply lang postura nito pero di maikakaila ang ganda ng hubog ng katawan nito at kinis ng legs dahil naka skirt ito ng sakto lang ang haba. Sa isip n'ya baka isa ito sa mga naririnig n'yang talikodgenic. He smirked as he find himself funny and badoy. Napasulyap pa s'ya kung saang floor papunta ang elevator na sinasakyan ng dalaga. It's 10th floor. Ewan ba't parang biglang naging interesado s'ya sa hitsura nito. His naughty mind tells him to follow her, so he did. Pagkalabas n'ya sa elevator ng 10th floor ay nakita n'yang nasa hallway na ang dalaga. So he adjusted his pace para di masyadong mahalata ng dalaga na may sumusunod sa kanya. She entered in the designers department. "Oh, I see.. she's one of our talented and high class quality designers in our clothing line." Sa isip ng binata. Anyway ka-meeting naman n'ya today ang nasa department na to, kaya't tatalikod na lang sana s'ya pabalik pero huli na kasi nagsibati na ng "good morning" ang mga emplyedong agad nakakita sa kanya. So he just reminded them to get ready for the presentation before 8. But yet the lady who caught his attention ay parang napatigil at namumula sa kahihiyan. Akala siguro kasi nito na s'ya ang babatiin ng kanyang mga kasamahan. Halata mang napahiya pero lumingon ito at nagbigay rin ng galang at bati. Kaya lang nung nagtama ang paningin nila. Parang nakakalunod ang ganda ng mata nito at tamis ng ngiti. Maling paratang pala ang talikogenic n'ya kanina. But wait, I think I saw her already. Napaisip ang binata. He massaged his temples while thinking kung bakit familiar ang magandang empleyada while going back to the elevator. Parang nakita na talaga n'ya ito. On his way back to his office. "Oh f*ck! Yeah I really met her already. Sh*t! That woman."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD