Episode 6:baby

2220 Words
Naglalakad na sya pauwi sa bahay nila sa Quiapo, ayaw naman nyang mag taxi dahil wala naman syang gagawin para magmadali pauwi.. Tinawagan nya na si Eric na huwag na syang sunduin dahil gusto muna nyang maglakad lakad muna. .. May nakita syang ice cream store kaya pumasok sya roon.. Bumili sya ng isang gallon at isang drumstick cone.. Habang binubuksan nya ang ice cream nya.. Akmang, kakainin nya na, nang may biglang may kumagat nito.. Para syang nag super sayan sa ginawa ng lalaki kaya ng pagtingin nya sa lalaki.. Agad nya itong minura. " Put***** na mo!!! Gago ka ba!! " nagulat sya, nang pagtingin nya sa lalaki, ang kuya Chrysanthemum nya ito, na nakangiti pa ito sakanya at naka peace sign.. " Grabe ka naman maka mura Magda!! " saad ng kapatid nya na kinuha ang ice cream sa kamay nya at ito na ang kumain. " Kuya!! Anong ginagawa mo rito?? " tanong nya rito " Wala, nakita kitang palabas ng hotel kanina kaya sinundan kita,, anong ginagawa mo sa ganoong hotel, my loving sister?? " nakangiting tanong nito sakanya " Wala!! " sigaw nya rito " Talaga ba,? Gusto mo Ifind out ko?? " " Go,!! I don't care at all?? " mataray na saad nya sa kapatid " Really?? Hindi ka natatakot na malaman nila na miyembro ka nang top secret society?? Na hired killer ka?? " pananakot pa ng kapatid nya " Bakit naman ako matatakot?? Ikaw hindi ka ba natatakot na malaman ni Alice na kasali ka din?? kasal nyo na next week.. Baka bigla syang magback out.." " Nope,?? Kasi napunlaan ko na si Alice, hahaha tsaka, ate ang itawag mo kay Alice ,tandaan mo kahit mas matanda ka sakanya, matuto kang gumalang dahil mas matanda ako sayo.." saad nito na hinawakan pa sya sa ulo para guluhin ang buhok nya. " Daldal!! Oo na!! Yong totoo my order na sayo?? " seryosong tanong nya sa kapatid " Yep.. It's Mr Romualdo Dominguez.. A businessman.. Dirty businessman to be exact.. Kaya kelangan ng itumba... Kaso, hindi ko mahagilap dahil medyo mailap.." saad nito " Anyare sa kapatid kong top hired killer at pinaka batang pinuno ng bansang Pilipinas?? " natatawang saad nya rito, " Magkano ba? Pano ang hatian?? " dagdag nya pa "Di palaos na.. Hahaha, ikaw?? Hindi kana ba talaga babalik?? 50-50, interesado ka?? 50 billions." " Ang mahal naman ata para sa ulo nya. kabado ka?? " " Yep, dahil isa din syang killer ng mga agents.. Halos 20 na ang napapatay nya satin, dagdagan pa ng mga known business tycoons sa buong mundo, pumapasok sya sa business world ng mga tycoons tapos kapag nakuha nya na ang gusto nya, papatay** nya na ito.. Ending, all business at pera ng nama** mapupunta sakanya nang walang kahirap hirap, at kapag nagustuhan nito ang asawang babae nang namatay, ginagawng parausan, pag magsawa, binibigyan ng lera o kaya naman pinapat*** nito .." kwento nito sakanya " Mukhang exciting, sige tulungan kita. Pero huli na ito kuya!! " pangungumbinsi nya sa kapatid " May isa pa, tulungan mo na ako!! " hirit pa nito sakanya, " Hindi na. kakatamad nang pumata** tsaka madami na akong pera, bilyon na.. Ikaw ,stop kana dahil bilyonaryo ka na rin.. Last na natin yan na Dominguez " saad nya dito "Haist, ingay.!! Oo na, last na to, alis na ako!! " " Hoy bayad mo sa ice cream ko!! Gago talaga!!! " sigaw nya sa kapatid na naglalakad na palayo Nakita nyang parang may binilog ito na papel Kaya inabangan nya na lang yun na itapon sakanya.. Pero imbis na itapon, pumorma ang kamay nitong parang baril at ang papel ang ginawang bala nito sabay asinta sakanya.. Tawang tawa sya sa pinaggagawa ng kapatid, sakanilang anim na lalaki ito ang kasundo nya dahil parehas nya ito magisip, retarded din kapag minsan.. " Tapon mo na, dami mo pang arte!," saad nya " Oh yan na, bilhan mo ang mga kasamahan mo sa bahay,!! " ani nito sakanya Pagtapon nito nang pera, agad nya itong sinalo at binuksan para tignan.. Natawa na lang sya sa kapatid nya.. " Really Kuya?? 50 pesos?? ". " Kaw na bahala sa kanila, mayaman ka naman.." sabay kaway nito sakanya, at nawalang parang bula sa harapan nya.. " Haist, kuripot talaga.. Kahit kelan.. Ingat lang palagi kuya! " sigaw nya kahit wala na sa harapan nya ang kapatid.. Pumasok ulit sya sa bilihan ng ice cream at bumili ulit.. Kung tutuusin, barya lang sakanya ang 12 million na hinihingi ng naperwisyo nya.Pero ayaw nyang pag isipan sya nito kung saan nya kinuha ang pera at kung ano ano pa, maging ang mga kasamahan nya sa bahay ayaw nyang magtaka ang mga ito.. Malapit na sya sa tindahan nila nang makita nya c Totoy, may karga itong bata paràng bagong panganak.. " Boss! " tawag nito sakanya nang makita sya nito.. Inabot nito ang bitbit nya, at ito pa ang nagdala.. " Toy, akin na ang bata, Baka mahulog mo.. San moto dadalhin at parang ang dami mong dala,? " tanong nya sa binata habang naglalakad sila pauwi " Ah boss, pwede ko po ba kayong makausap.?? " ani nito sakanya " Ay nalint*** na!! naka buntis ka??!!" sigaw nya sa binata " Hindi po boss!! Explain ko po boss mamaya pagdating natin sa bahay.." pakiusap nito sakanya " Sige, uwi na tayo sa bahay.. sabihan mo narin sina Boyong at Eric na isarado na ang tindahan at umuwi na sa bahay.." utos nya rito " Opo boss, salamat po!! " saad ni Totoy " Ang gwapong bata nito Toy hindi kana lugi.. Blue eyes pa, ang lalim nang dimple at ang pula nang labi.ang puti pa.." saad nya habang nang gigil da karga nyang bata. ******* " Ayos boss , instant?? Ginawa ka pong taga pagalaga nang nadisgrasya mo?? " natatawang tanong ni Eric. " Bilisan nyo na jan!! Hintayin ko kayo sa bahay.. Toy sumunod ka sakin.." utos nya sa tatlong lalaki Pagdating nila sa bahay, umupo sya sa gaming chair nya, at ang lima ay nasa harapan nya nakaupo, habang karga ni aling Lukring ang bata na dala nila kanina .. " Abay boss!! palitan ko muna nang diaper si pogi at nagdumi po.." paalam ni aling Lukring sakanya.. " Sige po aling Lukring " tugon nya rito Agad naman itong bumalik, sa upuan nang malinisan na nito ang bata.. Dahil alam ng mga ito na hindi sya magsisimula, hanggat hindi sila kompleto.. " Toy, Baka gusto mo magsalita?? " utos nya sa binata na biglang Yumuko nang Tawagin nya Sabay sabay naman napatingin ang apat, sa binata na parang gusto na itong batukan. " Boss!! kapatid ko po sya sa ina, iniwan po sakin ng kapatid ni mama kanina, nang makita ako na naglalakad sa kalsada.. Hindi daw kasi nila kayang buhayin ang kapatid ko, namatay daw po si mama sa panganganak kagabi.. Wala daw po silang pera para gastusan ang burol at pangangailangan ng kapatid ko.. .Hindi na daw nila ako pinaalam na buntis si mama dahil baka mas lalo daw akong lumayo rito... Ang tanging pakiusap daw ni mama bago mawala, magkasama kami ng kapatid ko, ." salaysay ng binata sakanila " Dahil?? panu ka nakakasiguro na patay na ang nanay mo at kapatid mo nga yan na bata?? " tanong nya sa binata " Boss, mukhang gutom na si pogi, hindi ko po mapatahan.." sabat ni aling Lukring na inihele ang bata. " Toy, may gamit ba jan ang kapatid mo??" tanong nya sa binata na agad tumakbo para kunin ang mga dalang gamit para tignan " Opo, kaso konti lng boss ang gatas, na nandito" tugon ng binata sakanya " Yung ama po nang bata, hindi ko po kilala kung sino... Kaya boss, makikiusap po sana ako na dito ko na rin po ang kapatid ko kung maari po sana..?? " pakiusap ng binata sakanya na hinawakan pa ang mga kamay nya. " Sinong mag aalaga sa bata?? Magpapasukan na Toy.. Panu pag aaral mo kung nandito ang bata?? " tanong nya sa binata " Kukuha po ako nang magaalaga sakanya, magaaral po ako, pag umaga tapos magtitinda po ako nang gabi...Para sa pangangailangan nang bata po boss!! Kaya sige na boss, nag mamakaawa po ako sainyo na tanggapin nyo kami ritong magkapatid.." pagmamakaawa nang binata sakanilang lahat " Sige, mas mabuti kung pagbobotohan natin. Taas ang kamay nang gusto dito ang bata sa bahay?? " tanong nya sa 5, lahat ito nagtaas nang kamay, " So lahat nyo gusto?? anong kapalit nang pagtira nyo dito Toy?? " tanong nya sa binata " Boss, gagawin ko po lahat nang gusto nyo." ani ng binata " Sige nga, maghubad ka nga?? " natatawang saad nya sa binata, " boss?? " tugon nito sakanya " Sabi mo gagawin mong lahat nang g gusto namin? " biro nya rito Naghubad na kto nang suot nitong damit. Nang akmang huhubarin na nito ang suot nitong short.tumawa sya nang malakas. " Toy wag na!! Ito tatandaan mo ha, gawin mong lahat para sainyo nang kapatid mo, pero wag na wag mong ibaba ang sarili mo sa mga walang kwentang tao, wag na wag kang magpapakita nang kahinaan dahil yan ang gagamitin nila sayo para pabagsakin ka.. Ako na ang bahala sainyong magkapatid, ang gusto ko lang na gawin nyo ay magtapos kayong dalawa ng pag aaral at maging successful sa buhay.. Yun Lang, wala nang iba..Kaya mo bang gawin para samin Yun Toy??." mahabang salaysay nya rito.. " Opo boss, maraming salamat po boss " pasasalamat nito sakanya na halos garalgal na ang boses SA pagsalita, yayakapin sya Sama ni Toy nang harangin ni Boyong ang binata. " Ate Joy kaya mo bang alagaan ang bata??;" tanong nya sa dalaga, na kinuha ang bata kay Aling Lukring para ito naman ang magkarga " Ano ang pangalan nya toy?? " tanong nya sa binata na panay parin ang punas nang luha at sipon " Opo boss, walang problema sakin.." sagot ni Joy sakanya " Wala pa po boss!! " sagot naman ni Toy " Sige magisip kayo nang pangalan, basta ang tawag natin sakanya.. Pogi!! Kapag nakaisip na kayo, iparehistro mo na Toy ang bata, tapos, pumunta kayo sa lamay ng nanay mo,,!! Bigyan mo nang maayos na lamay at libing ang nanay mo, tapos ito bumili kayo ni ate Joy ng mga gamit ng bata, habang si aling Lukring muna ang magaalaga sa bata." utos nya sa binata, ibinigay nya rito ang dalawang bugkos nang pera na ipinakuha nya kay Eric sa kwarto nya kanina " Opo boss, salamat po! Mikael James Santiago po boss ang pangalan nya.." saad nang binata sakanila " magiging anak mo sya Toy?? Hindi kapatid?? " tanong nya sa binata " Opo boss, hindi ko naman po kasi alam ang pangalan nang tunay na ama nya. Pero habang lumalaki sya boss, ipapaalam ko po sakanya ang buo nyang pagkatao." saad nito " Sige kung yan ang decision mo Toy.. Sige, Boyong ipagdrive mo na sila.. " saad nya sa dalawang binata " Eric, maiwan ka dito.. tulungan mo si aling Lukring mag alaga ng bata.. Magpractice kana dahil si ate Joy mukhang gusto nang magka baby. " natatawang saad nya kay Eric " Boss naman, ako nalang magdadrive sakanila, si Boyong nalang sa bata.. " maktol nito " Sinusuway nyo na ba ako??!! " sigaw nya " Hindi po boss," sabay sabay na sagot nang lima.. " Hala, sige !! Gumalaw na kayo! !" sigaw nya ulit sa lima " Opo boss!! "sagot ulit sakanya nang lima " Boss, ako na po bahala sa DNA test nina Totoy at nitong bata. " ani ni Boyong na kumuha nang cotton buds na ipinasok sa bibig ng bata para kuhanan ng laway at piraso nang buhok na sinilid sa magkaibang plastic.. Yong sayo Toy, don na lang mismo sa hospital, daan muna tayo don para pagbalik natin may result na." saad nito sakanya at sa binata. " Opo kuya Boyong, salamat po sainyong lahat. Lalo na sainyo boss." naiiyak na saad ni Totoy sakanilang lahat " Walang anuman Toy." tugon nila sa binata na panay ang iyak. " Pala Toy, magtatagal ka ba don sa lamay? Kung hindi, iwan na natin si Joy sa mall para makapamili na nang gamit nang bata. Okay lang ba sayo Joy? Toy? " tanong ni Boyong sa dalawa "Opo, Kuya!! " sagot nang dalawa Halos 5 oras din silang naghintay sa tatlo, at nang dumating ang mga ito. Agad syang sinalubong. " Boyong, musta lakad nyong tatlo?? " tanong nya sa binata dahil si Toy pulang pula ang mga mata. " Boss, positive!! " sagot ni Boyong sakanya " Positive?? Ang alin?? " tugon nya " Patay na po boss ang nanay ni Toy at ang batang pong yan, ay totoong kapatid ni Toy. " saad ni Boyong Pagkasabi ni Boyong nang balita sakanila, agad nyang niyakap si Totoy.. Hinarangan pa sya ni Boyong, pero hindi sya nagpapigil dito kanina. Inalis nya ang nakaharang na kamay nitosa harapan nya. " Sige Toy iyak ka lang, ilabas mo ang sakit na nararamdaman mo, andito lang kaming lahat para sayo.. Hindi ko kayo pabayaan na magkapatid.." saad nya sa binata na humagolgol na sa pagiyak at yumakap na din sakanya nang mahigpit
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD