episode 8: Chrysanthemum

1761 Words
" Tara na, anong oras na?? Alis na tayo!! Mamaya nyan tumawag nanaman si Tatay.. Magalit naman satin." saad nya sa mga kasama nya pauwi sa bahay nila sa Cavite " Opo boss... Chineck lang ni Boyong ang sasakyan.. " sagot ni Eric " Sabihan mo si Boyong bilisan na! " ani nya " Toy si pogi, okay na ba ang mga dadalhing mga gamit?? " baling nya sa binata " Ah boss, pwede po bang wag na po muna Kaming sumama?? dito nalang po muna kmi ni baby sa Quiapo.." sagot ni Totoy " Ah sige ikaw bahala, walang problema.. May mga kulang pa ba sa mga gamit nya?? nadala mo na ba pala yanma bata sa center o sa pedia man lang?? " " Gatas at diaper lang po boss ang kulang.. Bukas po bibili po ako.. Hindi ko pa po nadadala boss.. Baka po bukas din po .Isama ko na si baby para isang lakaran lang po.." " Oh, heto!! Pambili mo nang mga gamit nang bata.. Tapos ang tira para sa pedia.. Isama mo na si ate Joy at aling Lukring bukas para may katulong ka sa bata, sa labas na kayo kumain na tatlo.. Tapos ito, iopen mo nang account nyong magkapatid, para may ipon kayong magkapatid.. Lahat nang kita nyo.. Ilagay mo sa account nyo." saad nya, habang inaabot ang pera sa binata " Salamat po boss.." ani ni Toy na halos maiyak na dahil sa inaabot nyang tulong dito SA magkapatid " Wow, galante ni boss, Joy gawa na din tayo nang baby.. Sagot na ni boss ang lahat para sa bata .. " sabat ni Eric na panay ang tawa " Ano ang akala mo sakin Eric?? Kung gusto mong magkaanak.. Ikaw ang bumuhay,, Wag mong iasa sa ibang tao.." tugon nya rito " Ate Joy, aling Lukring pakisamahan at tulungan po si Toy kay pogi,.. Kayo na muna bahala rito, alis na kami !! " " Opo boss, ingat po kayo sa byahe.. " sagot nang dalawa sakanya.. ... .... ..... ....... ..... Naaa byahe na sila nang tumawag ang tatay niya.. Andon daw ang kuya Chrysanthemum nya sa bahay nila.. " Hello!! asan na kayo?? Andito ang kapatid mo may dalang alak at pulutan.." ani ng tatay nya, na ikinailing nya dahil sa narinig, basta talaga alak ang usapan, ang tatay nya ang numero unong nabubuhayan nang dugo.. " Pauwi na po jan Tay, malapit na po kami.." saad nya sa ama . " Sige,Bilisan nyo!! Daan ka sa tindahan, bili ka nang yelo naubusan kasi tayo nang stock.. ... .... " Kuya, kumusta?? Himala, umuwi ka?? anong nakain mo?? " naka kunot na tanong nya sa kapatid. " Wala, namiss ko lang kayong kainuman ni Tay.. Nga pala, bukas daw may ka meeting kayong German shepherd?? Sabi ni tatay, kaya wag magpaka lasing, baka, asawa ang makuha nyo, hindi business partner.." natatawang saad nang kapatid nya na iba nanaman ang nasa utak " Asawa?? Nino?? don't tell me, nag back out Ka sa kasal nyo?? "kunot noong tanong nya sa kapatid " Asawa mo!! Bakit naman ako magbaback out sa kasal ko?? Magkakatsugian muna bago ko iwan si Alice.." saad nito, na pini flex pa sa harapan nya ang braso nito " Ay wow, ang tweet nang kapatid ko!! Lovan kung lovan ang peg.. Gusto ko yan.. " saad nya habang pumapalakpak.. " Ewan ko sayo,!! Ikaw, kelan kana magaasawa?? Tanda mo na! " biro nito " Grabe ka naman sa maka matanda sakin, sa ganda kong ito?? Really, asawa talaga kuya?? boyfriend nga, wala ako, asawa pa kaya.." tugon nya, habang tinuturo pa ang sarili " Kaya nga, sa ganda mong yan, single kapa hanggang ngayon?? Hindi ka ba kinakabahan?? Siguro, kaya wala kang boyfriend man lang, dahil amoy balut na bulok ka?? Pati yan na keps mo?? hahaha Ayusin mo naman kasi ang itsura mo, lagi kana lang nakapantalon na wakwak at t-shirt na puti..!! Ano kaya yun?? kahit nasa bahay ka, lagi kang naka ganyan, sayang naman nang pag aalaga namin sayo jung hindi mo ibabalandra ang porselana mong kutis, diba Tay?? " ani nito na kung makatawa daig pa ang nasa ika pitong bundok sa sobrang lakas " Oo nga nak?? Ayusin mo naman itsura mo, ang ganda ganda mo, at ang katawan mo nak ang ganda nang hubog, nakakalungkot na malaman na wala ka man lang boyfriend .." malungkot na saad nang kanilang ama " Ay grabe sya oh, maka judge!!?? Ang pogi mo rin ano?? Perfect ka kuya?? Amoy balut ba talaga ako?? " wala sa loob na inamoy nya ang sarili . " Hoy Eric, Boyong!! amoyin nyo nga ako!! Amoy bulok na balut ba talaga ako?? Tay, ikaw din po!? Paki amoy po ako!!??" saad nya " Tay darating tayo jan, sa ngayon po, wala pa sa utak ko ang magkaroon nang karelasyon.." malungkot na saad nya sa ama, " Hindi naman anak. Bakit??" takang tanong nang ama na inamoy sya sa ulo " Hindi naman po boss!! Amoy lambanog ka!! Pero amoy ka parin pong baby powder!! " sambit nang dalawa " See kuya, hindi ako amoy bulok na balut..!! " sigaw nya sa kapatid na nagsimula nanamang tumawa nang malakas " Hahaha!! Pogi naman talaga ako, mana ako kay Tatay diba Tay?? " Agad naman tumango ang tatay nila sa kapatid na panay ang tawa " Perfect?? Almost?? hahaha .. Naniwala ka naman?? " dagdag nasaad ng kapatid nya, na halos gumulong at naiiyak na sa kakatawa " Sabi mo Tay, ako ang kamukha mo?? Ayaw ko nang uminom!! Bahala na kayo jan!! Masama na pakiramdam ko!! matutulog na ako... Night!! nagtatampong saad nya, sabay tayo at naglakad na papasok sa loob nang bahay nila. " Hahaha, pikon!! Sige pahinga kana!! bukas maligo ka nang maayos, para bumango ka naman!! " sigaw pa nang kapatid nya sakanya na panay parin ang tawa.. humarap naman sya rito at naglakad patalikod habang tinataas ang kamay at binigyan ang kapatid nang dalawang middle finger.. Napailing nalang ang kapatid nya, na malakas natawa sa inasta nya.. " Tay, maiba po tayo, yan po bang German shepherd na yan, malinis ang negosyo?? Matanda na po ba?? " tanong ni Chrysanthemum sA ama. " Sa tingin ko, malinis naman.. Bata pa anak, siguro kaedaran lang ni kuya Hibiscus or ni kuya Orchid mo.." sagot nang ama habang tumatagay " Gwapo po ba Tay?? Single?? " " Oo!! Pero hindi ko alam kung single pa yun, dahil magandang lalaki ang batang yun.. Hay ako Chrysanthemum.. Kanina kapa tanong nang tanong,.. Bakla ka ba?? " natatawang saad ng Tatay nila " Nagtanong lang Tay, bakla na agad?? Baka pwede natin ireto sa kapatid kong toyoin?? " " Imposibleng magustuhan yon ni Magda, masyadong pogi at mayaman.. Kilala mo naman ang kapatid mo.. Gusto nun, simpleng buhay lang.. Simpleng lalaki. " Sabagay, pero pustahan tayo Tay, yun ang magiging asawa ni Magda.. Sayang may kilala pa naman akong patay na patay kay Magda hindi rin pala pasok sa criteria.. Gwapo at mayaman din kasing doctor." saad nang binata na biglang tumawa nang sobrang lakas. " Anong akala mo sa sarili mo?? pabayaan mo na ang kapatid mo, kasal mo ang asikasuhin mo, next next week, kasal mo na. Areglo na ba ang lahat?? " " Opo Tay, dito po muna ako titira 1 week bago ako ikasal ,susulitin ko muna ang buhay binata.. May wedding planner po kaming kinuha na mag aasikaso nang kasal namin kaya pupunta nalang po tayo sa simbahan at reception sa kasal namin." " Ewan ko sayo, wag ko lang malaman na nang babae ka Chrysanthemum, sinasabi ko sayo!! " " Tay, juice ko Lord,, Ayaw ko pang maputulan.. Sayang ang lahi!! " " Wag mong isama ang Panginoon sa mga pinagsasabi mo!! Umayos ka nang yama!! " galit na saad nang ama "Opo Tay, sorry po.. Eric, Boyong, maiba ako asan pala si Totoy?? Bakit hindi nyo kasama rito?? " nagdududang tanong nya sa dalawang binata. " Hindi na po pinasama ni boss, pinasamahan nalang po yung dalawang babae sa bahay, chief.. " ani ni Eric, nagkatinginan pa ang dalawa bago tumingin kay Chrysanthemum.. " Ah, ganun ba?? Bakit parang hindi ako kombinsido sa sagot nyo?? may tinatago ba kayo?? Okay lang.. Malalaman ko rin lang naman .." saad nya habang nakatingin sa dalawang binata na hindi maka tingin sakanya nang direstso " Chief, wala po!! ";mabilis na sagot nang dalawa.. " Sige, mabuti pa, kunin mo nalang Boyong yong ice cream na binili nyo, last10 rounds na to Tay, pahinga na po tayo.." " Si Eric nalang po chief, baka po, balian ako nang buto kapag pinakialaman ko ang ice cream ni boss.. " saad ni Boyong " Ako din chief!!, Pass po ako!! 5 shots nalang po kami chief kesa kunin ang ice cream ni boss!!" saad ni Eric Okay!! , Sige, sabi nyo yan ha, 5 shots,, ako nalang ang kukuha, wait lang.. babalik ako,ang duduwag nyo naman!! Pakakuha nang ice cream ng binata,, agad itong kumuha at diretsong kumain. " Pat** tayo nito chief kay boss!!" sabay na tugon nanh dalawang binata " Akong bahala, kuha na kayo,!! " " Kayo pong bahala, kami ang kawawa chief!! sagot ulit nang dalawa " Hahaha, bukas bibili ako sa bayan.. Papalitan ko na lang.. Baka magkalimutan Tayo.. 5 shots.. go!! bottoms up!!," natatawang saad nya " Opo Chief!! " Isa ..... Dalawa .,.... Tatlo ...... Apat ...... " Chief, hindi ko na po kaya!! Suko na po ako.." saad ni Eric na tinamaan na nang alak dahil sumuka na Ito, samantalang si Boyong, balewala Yong 5 shots " Ano ba yan, last shot na lang.. Panget nyo naman ka jamming.." " Okey, kung hindi nyo na kaya, pahinga na kayo.. Ubusin ko lang to.. Ako na bahalang maglinis rito.. Sama nyo na si Tay pagpasok sa loob para makapagpahinga na rin." " Salamat po, chief.. Mauna na po kami.. Goodnight po, Tay tara na po.." saad ni Eric habang inaalalayan nila ni Boyong ang matanda " Okey!! Goodnight!!" Pakaligpit nya nang mga ginamit nila.. nagmessage na lang sya kay Alice na tapos na ang session nila.. Magiging masaya bukas, kaya kelangan na din nya magpahinga.. Kakatapos nya lang maghilamos at kakahiga nya palang, nang tumunog ang message alert tone sa private phone nya, natawa sya sa nagtext sakanya nang " gago mo!!,". Kaya rineplyan nalang nya ito nang " Wag kang masyadong magpapahalata... Wala kanang pagasa, hanap kana nang iba," natatawa nyang reply sa nagtext sakanya saka sya pumikit para magpahinga na

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD