Capítulo Treinta y Cuatro punto dos (34.2)

1782 Words
Napabuntong-hininga ulit ako matapos kong ayusan ang mukha ko. Laban, Stella, dapat matalo mo si Ma'am Victoria ngayon. Taas-noo kong tiningnan ang sarili ko sa salamin at bigla na lang may kumatok sa pinto. "Stella, tapos kana?" Boses ni Natalia ang narinig ko mula sa labas ng pinto. "Oo, teka, palabas na!" Tugon ko pabalik at saka ay kinuha ang manipis at puting tela at isinuot ko ito para magsilbing temporaryong panakip sa katawan ko. Manipis ang telang ito kaya makikita pa rin ang katawan ko pero ayos lang. Pinagmasdan ko pa sa huling pagkakataon ang katawan at mukha ko sa salamin at saka ay naglakad na papunta sa pinto ng room namin ni Natalia at binuksan na ito. Pagbukas na pagbukas ko ng pinto ay mukha agad ni Natalia ang bumungad sa akin. In-obserbahan ko ang mukha niya na ngayon ay manghang-mangha habang nakatingin sa akin mula ulo hanggang paa. Nakita ko ang kaunting pagpula ng pisngi niya. Nagba-blush siya? Nakasuot din siya ng two-piece na swimsuit at kulay red ito, may suot din siyang manipis na tela sa katawan niya. "Oh... My... God... Jesus! Stella!" Tili niya at napatingin ulit sa akin. "Nakakahiya, Nat," nahihiyang saad ko. Oo, nahihiya na ako kasi may ibang tao na ang nakakita sa katawan ko. "Kyah!! Ang ganda-ganda ng katawan mong bruha ka! Bwesit ka! Bakit ba gan'yan kaganda ang katawan mo?" Naluluhang saad ni Natalia kaya hinampas ko siya sa braso. "Itigil mo nga 'yang kadramahan mo, nahihiya na nga ako rito," saad ko sa kan'ya. "Ikaw pa may ganang mahiya? Te, kung ako lang siguro ang nagmamay-ari sa katawan mo, siguro araw-araw ko na itong binabandera sa buong mundo. Ang ganda-ganda mo nga, ang ganda pa ng katawan mo, tapos 'yung height mo pangmodel, pati ako nababading sa 'yong babae ka, crush na crush talaga kita simula noong una kitang nakita!" Confess niya kaya napakunot ang noo ko sa sinabi niya. "Bruha ka, kahit gusto mo pa akong jowain, 'di ako papatol ng babae, 'no, kadiri!" Nandidiring saad ko. "Hindi ka naman siguro homophobic, 'no?" Tanong niya sa akin. "Homophobic?" Naguguluhang tanong ko. "Homophobic ba, 'yung mga galit sa bakla," paliwanag niya. "Hindi naman, pero hindi talaga ako papatol ng babae, bahala ka riyan. Tara na nga, baka nilalandi na ni Madam V 'yung boyfriend ko," anyaya ko sa kan'ya at nauna ng maglakad. Agad naman siyang nakasunod sa akin. "Te, p'wede pahingi ng favor?" Nakangiting saad ni Natalia at nag-puppy eyes pa. "Ano namang favor ang hihingiin mo?" Kunot-noong tanong ko at tiningnan ko siya habang naglalakad. "Pwedeng pasampal sa pwet mo kahit isang beses lang? Sarap kasing sampalin, eh, tumatalbog kasi kapag naglalakad ka," nakangiting saad niya kaya napatigil ako sa paglalakad at masama ko siyang tiningnan. "Suntok, gusto mo?" Pagbabanta ko. "Ih..." Pabebeng tugon niya. "Ang manyak nito, babaeng-babae pero babae rin ang minamanyak," kunot-noong saad ko sa kan'ya at napa-iling na lang at naglakad ulit pero mas binilisan ko pa kasi baka masuntok ko talaga itong si Natalia. Nakarating na rin kami sa likurang parte ng hotel kung saan nandoon ang swimming pool. Sa hindi kalayuan ay ang dagat na. Nakita kong nagrarampahan na ang mga kababaihan sa gilid ng pool, medyo distansya kami ni Natalia mula sa kanila kaya hindi pa kami nakikita ng mga tao. Napatingin ako kay Wild na ngayon ay nakasuot ng sunglass at nakahiga lang siya sa mahabang upuan at parang walang pake-alam sa mga tao sa paligid niya. Mukhang hindi talaga siya interesadong tignan ang katawan ng mga babae. Pumapalakpak naman ang ibang nandoon habang ang iba ay busy sa pagkain pero nanonood pa rin sila. Si Sir Gideon naman ay nanonood din pero halata sa mukha niyang nabobored na siya sa ganap. Tiningnan ko ulit ang mga rumampa at nakita ko si Ma'am Victoria na ngayon ay siya na ang susunod na rarampa, nakasuot siya ng blue na two-piece swimsuit at may suot din siyang manipis at kulay itim na tela. Rinig na rinig mula rito ang malalakas na hiyawan at palakpakan ng mga tao nang rumampa na si Ma'am Victoria sa runaway at saka ay hinubad ang suot niyang manipis na tela at confident na confident siyang rumampa sa harapan ng maraming tao. Tiningnan ko si Wild na ganoon pa rin ang pwesto niya at parang hindi gumagalaw, mukhang natutulog yata. Maganda ang katawan ni Ma'am Victoria pero napansin ko ang tattoo niya sa likod niya. Malaki ang tattoo niya sa likod at parang sinakop na nito ang likod niya. Kaya napansin ko kaagad ang tattoo dahil kahit malayo ay nakikita ko pa rin ito. "May tattoo pala sa likod si Ma'am V? Ngayon ko lang 'yan napansin, ah," tanong ko kay Natalia. "Ngayon ko nga lang din napansin ang tattoo sa likod niya, wala naman 'yan dati. Kaya siguro hindi na masyadong nagsusuot ng backless na dress si Ma'am V dahil sa tattoo sa likod niya," tugon naman ni Natalia. "Ang sakit siguro sa feeling n'yan, 'no? Kasi 'di ba kapag nagpapatattoo ka ay parang tutusukin ang balat mo ng karayom na may tinta," curious na saad ko. "Oo, nagpatattoo nga ako sa tagiliran ko dati, kahit maliit lang 'to pero masakit kaya, bakit gusto mo magpatattoo?" Tanong niya sa akin pero agad-agad akong umiling. "Hindi, ang ganda-ganda kaya ng balat ko tapos dudumihan ko lang? At saka baka magalit si Mama sa akin kaya h'wag na lang, at saka for future purposes na rin ito, just in case of emergency, may gusto ng blood donation ay ma-donate ko ang dugo ko," paliwanag ko kaya napatango na lang si Natalia. "Okay, your body your rule naman kasi ngayon, kaya nasa sa 'yo lang 'yan kung ano ang gusto mo para sa katawan mo basta wala kang inaapakang tao," saad naman ni Natalia kaya bahagya akong natawa sa huling sinabi niya. "Ako na ang huling rarampa, Nat, gusto kong itaob ang mga nauna," nakangising saad ko sa kan'ya. "Wow, grabeng spirit 'yan, ah, ang init ng confidence ni Madam!" Napa-palakpak na saad ni Natalia. "Mauna na ako kung gusto mong ikaw ang pinakahuli," paalam ni Natalia kaya tumango lang ako at saka ay nauna na siyang maglakad. Ilang saglit pa ay sumunod na rin ako sa kan'ya pero hindi pa ako nagpapakita sa mga tao. Hinanda ko na ang sarili ko nang rumampa na si Natalia, siya ang second to the last. Napangiti naman ako nang makita ko kung paano rumampa si Natalia sa gilid ng pool, ang galing! What if kung masapid ako? What if kung madulas ako? Bwesit, nakakahiya! Basta hindi lang talaga ako lalapit masyado sa gilid ng pool, baka kasi basa at madulas ako at mahulog! Humugot ako ng maraming buntong-hininga bago nagsimulang maglakad at lumabas sa pinagtataguan ko. Kaya mo 'to, Stella, basta ang goal mo ngayon ay hindi ka lang talaga masapid at madulas, bahala na 'yang rampa mo basta ang importante ay hindi ka mapahiya. Tiningnan ko ang mga tao na ngayon ay namimilog ang mga mata nilang nakatitig sa akin. Titig na titig sila habang ang iba naman ay nakanganga habang nakatingin sa akin. May iba ring nag-hang ang kutsara sa bungad ng bibig nila. Ang iba naman ay parang hindi na kumukurap dahil sa titig na titig nila sa akin. Parang natahimik ang lahat ng tao nang maglakad ako sa harapan nila. Itinuon ng tingin ko si Wild na ngayon ay napababa ang sunglass niya, ngayon lang siya bumangon! Sa tabing upuan naman niya ay nandoon si Sir Gideon na ngayon ay titig na titig sa bawat galaw ko. Napatingin din ako kay Ma'am Victoria na ngayon ay parang nagbago ang timpla ng mukha niya, naging kagaya rin siya sa mga audience na ngayon ay natahimik at titig na titig din sa akin. Ang ibang mga kalalakihan naman ay parang napalunok ng laway habang nakatingin sa akin. Hindi talaga nila kayang ihiwalay ang tingin nila sa akin. Pati ang mga babae ay hindi rin maalis ang tingin nila sa akin at natahimik din sila. Sa bawat lakad ko ay sabay-sabay na tumatalbog sa hangin ang dibdib ko pati na rin ang matambok kong pwet. Tinanggal ko ang aking suot na manipis na tela at saka ay itinapon ito sa sahig at lumakad ako na punong-puno ng kompyansa at kasabay nu'n ay ang pag-ikot ko. Mabuti na lang din at nabalanse ko ang katawan ko at hindi ako nahilo. Lumilipad din sa hangin ang buhok kong naka-high ponytail dahil sa subrang lambot at subrang gaan nito. Huminto ako sa harapan ni Sir Wild at saka ay kinindatan ko siya sabay ngiti kaya naghiyawan ang lahat ng tao. Ngayon lang sila nakapag-ingay. Agad-agad tumayo si Sir Wild mula sa inuupuan niya at saka ay lumapit sa akin. Hinawakan niya ang magkabilang gilid ko at napahawak din ako sa kan'yang matigas at matipunong balikat. "You are very beautiful, stunning, hot, and sexy, pinanigasan ulit ako ngayon," pabulong na saad ni Wild kaya hinampas ko ang balikat niya. "Iyang bibig mo, ah, ang laswa, maraming tao rito," pabulong na saway ko sa kan'ya. "Girlfriend ko 'to! Ang sexy, 'di ba? Pero akin lang siya, okay? Baka agawin niyo siya sa akin, magkakamatayan talaga tayo," pasigaw na saad ni Wild sa maraming tao. "Yes, Boss! Sa 'yong sa 'yo lang 'yang si Stella, pero god! Ang sexy ng girlfriend mo! Sarap sanang ikama pero baka ikamatay ko pa," asar naman ng isang lalaki na kasamahan namin kaya napa-igting ang panga ni Wild sa sinabi ng lalaki pero tinapik ko lang ng mahina ang balikat niya. "Shh, kalma, nagjo-joke lang siya, siya na mismo ang nagsabing baka ikamatay niya pa," pagpapakalma ko sa kan'ya kaya napatingin si Wild sa akin na mayroong seryosong mga mata. "Sa 'yo lang ako, okay? Ikaw lang ang puwedeng kumama sa akin," nakangiting saad ko sa kan'ya sa mahinang boses at saka ay hinalikan ko na siya sa labi pero sandali lang iyon pero grabe ang hiyawan ng mga tao sa paligid. Pagkatapos ng sandaling halik na 'yun ay tumingin na ako sa mga tao sa paligid at napadako ang tingin ko kay Ma'am Victoria na ngayon ay tumayo mula sa inuupuan niya at nagmartsa paalis. Napatingin din ako sa kaibigan ko na ngayon ay malalakas ang hiyaw at palakpak niya at subrang lapad ng ngiti niya sa akin. Hinatak na rin ako ni Wild papunta sa inuupuan niya kanina at saka ay nauna siyang umupo at pina-upo niya ako sa kandungan niya. Naramdaman ko talaga ang naninigas niyang kahabaan nang ma-upo na ako sa kandungan niya, naninigas nga talaga siya. Napansin ko rin ang magaspang na palad ni Wild na ngayon ay namamahinga sa aking tagiliran at marahan niya itong hinahaplos.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD