Capítulo Siete punto dos (7.2)

1534 Words
"Hush, Stella, hush now, hm? Hush," pagpapatahan niya sa akin. Natuon ang atensyon ko sa kung sino man ang nagbukas ng pinto at may lalaking pumasok doon. Ito 'yung lalaking nagtambak sa akin ng maraming trabaho ngayong araw at ngayon pa lang siya bumalik pagkatapos niya akong bigyan ng nagbubundok na mga gawain?! Ang kapal! Nakasimangot ang mukha niyang tiningnan ako. Kaunti na lang talaga, Sir, at matanggal ko na talaga 'yang mukha mo mula sa ulo mo. "I still don't have an update about today's murder," saad ni Sir sa malalim niyang boses at naghiwalay agad kami ni Natalia ng yakapan. "Sa CCTV Room po, Sir, wala ba?" Takang tanong ni Natalia. "Wala, walang record, burado lahat ang record ng CCTV sa araw na ito," tugon naman ni Sir Wild. "Bakit kapag ganitong ganap, Sir, buong araw walang record ang CCTV? May nag-hack ba sa system ng Cyrene kapag ika 1st, 5th, 6th, 10th, 18th, at 25th ng buwan?!" Naguguluhang saad ni Natalia. "Ano'ng mayroon sa mga araw na 'yan, Natalia?" Takang tanong ko sa kaibigan ko. "Sa mga araw na 'yan ay schedule 'yan ni Hurricane at sa mga araw na 'yan ay pumupunta siya sa Cyrene para pumatay, sa mismong mga araw ding iyan ay walang record buong araw ang CCTV," paliwanag ni Natalia sa akin. "Nangyayari ito sa loob na ng dalawang buwan?" Hindi makapaniwalang saad ko. "Oo, at magdadalawang buwan na ito ngayong March 1," sagot ni Natalia sa akin. "Teka, teka, paano mo nasabing papatay si Hurricane ngayong 25?" Nagtatakang tanong ko. "Napapansin ko kasi na same date siya pumapatay, kung anong date siya pumapatay noong nakaraang buwan ay ganoong date din siya pumapatay ngayong buwan, kaya expected ng papatay din siya ngayong 25," paliwanag ni Natalia at nag-isip siya. "Hindi ba kaya, Sir, ay mayroong ibig sabihin ang bawat date na sinasabi ni Natalia?" Suhestyon ko at napa-isip naman si Sir sa sinabi ko. "Parang ganoon nga, pero hindi ako sigurado, teka, kukuha ako ng ballpen at papel," saad niya at naghalughog sa drawer ng bedside table ko at may nakuha siyang maliit na piraso ng papel at isang ballpen doon at nagsulat na siya. "1, 5, 6, 10, 18, 25," saad ni Sir Wild. "Anong pinapahiwatig ng mga numerong ito?" "Code?" Takang tanong ni Natalia. "Code! Tama, para siyang code, pero ang mahirap lang ay hindi natin alam kung saan natin ikukumpara ang mga numerong ito sa dinami-raming code sa mundo," bigong saad ni Sir Wild. "156101825," banggit ko sa bawat numero pero wala pa ring pumapasok na ideya sa utak ko. "156,101,825? (One-hundred Fifty-six Million one-hundred one thousand eight-hundred twenty-five)" Patanong na saad ni Natalia. "Ba't ang laking numero naman n'yan, Natalia?" Natatawang saad ko. "I'll find out soon, pag-iisipan ko na muna kung anong pinapahiwatig ng mga numerong ito," saad ni Sir sabay suksok niya sa papel sa bulsa ng pantalon niya. Agad na umalis si Sir Wild at kaming dalawa na lang ni Natalia ang naiwan dito sa loob ng ward ko. "Wala bang nakaka-alam kung saan galing si Hurricane? I mean kung saan siya pumapasok at lumalabas sa building?" Tanong ko sa kan'ya at napa-iling lang si Natalia bilang sagot. "Mahirap alamin dahil sa dinami-raming silid ng Cyrene, dahil sa laki ng building na ito, dahil sa subrang lapad nito, mahirap alamin kung saan lumalabas at pumapasok si Hurricane, at ang mas mahirap pa ay sa mismong araw ng pagpatay niya ay palaging walang record ang CCTV sa buong araw kaya hindi talaga namin alam kung anong exact time siya pumapatay, anong exact time siya pumupunta at umaalis sa Cyrene, kaya everytime na maririnig natin ang kanta niya bandang alas 7 ng gabi, mag expect na tayong may napatay na siyang tao at ang tanging gagawin na lang ay hanapin kung saan niya ibinitin ang biktima niya," paliwanag ni Natalia. "Nakakakilabot naman 'yan, so ibig sabihin ay wala siyang pinipiling patayin?" Takang tanong ko. "Sa mga past victims niya rito sa loob ng Cyrene ay mga babae pa lang, pero sa mga report ni Sir Wild ay inu-ubos naman lahat ni Hurricane ang buong pamilya ng biktima kapag tina-track ni Sir kung kaninong pamilya ang biktima," paliwanag niya. "m******e nga kung tutuusin, kagaya sa nangyari sa Cyrene Family. Kung ganoon, kung same day ang pagpatay ni Hurricane sa biktima niya rito sa loob ng Cyrene at same day rin ang pagpatay niya sa pamilya ng biktima sa labas, ibig sabihin ay hindi lang siya nag-iisa at marami siyang kasabwat sa labas at loob ng Cyrene, kasi nakapagtataka lang talaga kanina, eh, noong mag-cr ako, lahat ng pinto ng cr sa floor natin at doon sa floor kung saan natagpuan ang biktima ay may nakalagay na out of order maliban lang sa pinto ng cr kung saan nakabitin ang babae kanina. Ibig sabihin ay sinadyang lagyan ng out of order ang mga pinto para dalhin ni Hurricane ang mga tao roon sa isang cr na walang out of order na nakalagay, pero bakit sa dinami-raming tao sa Cyrene ay ako pa ang naka-abot at nakakita sa biktima roon?" Nagtatakang saad ko. "Sinadya? Or na timing lang talaga na ikaw ang nakakita?" Naguguluhang saad naman ni Natalia at nag-isip pa ako. |༺☬༻| Kinabukasan. Kasalukuyan kami ngayong nasa isang mamahaling restaurant at nag-dinner. May dinner meeting kasi si Sir Wild kasama ang mga ibang negosyanteng nag-kansela ng appointment nila kahapon sa Boss ko. Nandito kami sa isa sa mga restaurant ng Cyrene, at bilang secretary niya ay nakabuntot lang ako palagi sa kan'ya. May mga pinag-uusapan naman sila pero hindi ako interesadong makinig, isa pa ay hindi ko rin sila naiintindihan kaya ang inambag ko lang sa dinner meeting na ito ay ang kumain ng kumain. Ang sasarap kaya ng mga Japanese Cuisine na in-order namin dito sa restaurant. Agad akong nabilaukan dahil sa ramen na kinain ko at napatigil na lang ang lahat mula sa discussion nila nang lumabas ang isang hibla ng noodle sa kanang butas ng ilong ko. Agad akong napatayo mula sa inuupuan ko at napatakip sa ilong at bibig ko na punong-puno naman ng kinakain ko at nginunguya ko pa ito. "Excuse yourself, Stella, you're disgusting," nandidiring saad ni Sir Wild at hindi na ako sumagot pa dahil punong-puno ng ramen ang bibig ko at umalis na ako agad sa table at patakbong tinungo ang cr. Pagdating ko roon sa loob ay naabutan ko pa ang ilang kababaihan na nag-aayos ng sarili habang ako nito ay nakatingin sa salamin habang nahihirapang tanggalin mula sa butas ng ilong ko ang isang hibla ng ramen. Napapansin ko rin ang pandidiri ng mga babae sa akin. Agad nila akong iniwan mag-isa roon sa loob at pilit tinatanggal ang noodle sa ilong ko. Kalahating minuto ang nakalipas. "This is your punishment dahil nilabag mo ang rule number 3 ko at pinahiya mo ako sa harap ng maraming tao. Drive me home at umuwi ka mag-isa sa apartment mo at h'wag na h'wag kanang magpapakita sa akin bukas na bukas, nagkakaintindihan ba tayo?" Galit na saad ni Sir sa akin sabay abot niya ng susi ng kotse niya. "Pero, Sir, h'wag niyo naman po ako tanggalan ng trabaho, maawa naman po kayo sa akin," naiiyak na saad ko at lumuhod sa harap niya. Nagkatinginan kami ng mga mata namin sa isa't-isa at walang bahid ng awa ang madilim niyang mga mata, punong-puno ito ng galit at mesteryo sa loob nito na parang nahihirapan akong alamin at parang kapag sisisirin ko pa ng husto ang lalim ng karagatang mga mata niya ay ramdam kong mayroong halimaw na nag-aabang sa akin sa ilalim nito at handa akong lunurin at patayin ng tuluyan kapag nakaharap ko na ito. Everytime na tinitigan ko ang dalawang pares ng mesteryosong mga mata niya ay nagpapahiwatig ito sa akin na dapat ako ay matakot at manatili na lang na nakalutang sa karagatang mga mata niya at hindi isiping sumisid pa ng husto. "Stand up, Stella, maraming tao ang nakakakita sa atin dito, h'wag mo na dagdagan ang kahihiyang ginawa mo sa akin sa gabing ito," asik ni Sir sa akin at pilit niya akong pinapatayo. "Sir, maawa po kayo sa akin," naiiyak na saad ko. "I don't care, now drive me home at umuwi ka mag-isa mo!" Galit na saad ni Sir Wild sa akin at naunang pumasok sa kotse at umupo sa passenger's seat. Pero hindi ako marunong mag-drive, eh. Pumasok na ako sa kotse at doon umupo sa driver's seat. Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa susi na ibinigay niya sa akin, wala naman itong bakal na itutusok sa butas na kagaya sa susi ng motor o doorknob, basta 'yun. "Pero..." "No buts, Stella, now drive me home!" Galit na saad ni Sir Wild sa akin at natataranta akong pinindot ang kung ano man ang mapindot ko sa susi niya. Agad kong inapakan ang kung ano man ang maapak ng paa ko sa ilalim at ginalaw 'yung parang lever sa gilid ko at bigla na lang umatras ang kotse imbes na pasulong na ikinagulat naman ni Sir Wild. "Papatayin mo ba ako sa nerbyos, Stella?!" Kinakabahang saad ni Sir Wild habang himas-himas ang dibdib niya dahil sa gulat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD