Capítulo Quince punto uno (15.1)

1249 Words
Nagsimula na rin kaming bumyahe at sabay-sabay kaming umalis. Kasama namin ay ang mga sekretarya ng mga board members at ang kasama naming officials ngayon ay ang CEO, President, Vice-President, at ang Head ng Board of Directors. 30 minutes to 1 hour ang byahe galing QC papuntang Tanay, Rizal. Hindi pa ako nakapunta sa mga lugar dito sa Manila kasi noon wala akong perang pang-travel travel, halos manlimos na nga ako ng pera para makakain noon, mabuti na lang talaga at mabait 'yung landlady namin kahit minsan ay inaaway ako nu'n. Puro tawanan lang ang buong byahe namin ni Natalia. Mas masaya pa rin talaga kasama si Natalia kahit gusto ko kasama ang boss ko, para kasing nasa A Quiet Place kaming dalawa ng boss ko kapag nakasakay ako sa kan'ya. Kaya mas pinili ko pa rin ang kaibigan ko kaysa sa boss kong masungit. Nakarating na kaming lahat sa The Sierra Madre Mountain Resort-Hotel and Conference Room kung saan kami mag-check in. Para tipid ng room ay kaming dalawa ni Natalia ang nag-check in sa iisang room at ang ibang kasamahan namin ay doon sa ibang mga room dito sa resort. Si Boss? Hindi ko alam kung saan 'yun nagsusuot, bahala siya sa buhay niya. Inayos na rin namin ni Natalia ang mga dala naming gamit at doon namin nilagay sa closet ang mga damit na dala namin. Agad naman kaming napahiga ni Natalia sa higaan nang matapos kaming mag-ayos. "Nakakapagod, pero gorabels pa rin tayo," nakangiting saad ko habang nakatingin sa kisame ng silid. "Mag-agahan na raw tayo, nag-chat si Sir Gideon sa akin," saad naman ni Natalia kaya napatingin ako sa phone niya na bahagya niyang itinaas kaya nabasa ko ang chat ng boss niya sa kan'ya. "Tara na, gutom na rin ako," saad ko at bumangon at hinatak si Natalia. "Pagod pa ako, eh, gusto ko pang matulog," saad niya at napapadyak siya sa mga paa niya kaya hinatak ko ang braso niya kaya nahulog siya sa higaan at hinatak ko pa siya sa braso niya kahit nakahiga lang siya sa sahig. "Ang bigat mo namang bruha ka," reklamo ko habang hatak-hatak ang kaibigan ko at binabaybay namin ang corridor papunta sa ibaba ng hotel kasi nandoon na naghihintay ang mga kasamahan namin. "Sinabi ko bang hatakin mo ako? Baliw," saad ni Natalia habang nakahiga pa rin sa sahig at hatak-hatak ko pa rin hanggang ngayon. |༺☬༻| Isang oras ang nakalipas. Tapos na kaming mag-ayos sa sarili at handa na sa palaro ng magaling naming CEO. Nag-aantay na rin ang iba sa labas habang si Natalia ay nagpapatuyo pa ng buhok niyang kulay brown. "Dalian mo riyan, galit na si Sir Wild dahil wala pa tayo sa labas," saad ko sa kaibigan ko. "Hayaan mo siyang magalit, nagpapatuyo pa ako rito para matali ko 'to ng maayos, i-bun mo rin 'yang buhok mo at baka mahablot 'yan ng mapanglait na kamay mamaya," habilin niya sa akin kaya sinuklayan ko ulit ang wavy na buhok ko at saka ay ginawa ko itong bun. "Ayan, mas lalong umaliwalas ang pagmumukha mong bruha ka, bagay sa 'yo ang bun," puri niya sa akin habang siya ay busy sa pagtali sa buhok niya. Sabay-sabay na rin kaming lumabas ni Natalia sa silid namin at sumabay na rin sa amin ang ibang kasamahan namin na kakalabas lang din sa room nila. Lumabas na kaming dalawa ng kaibigan ko. Pagdating namin doon ay hindi namin mahagilap ang magaling naming event organizer na si Ma'am Victoria. Nasaan kaya ang babaeng 'yun? Nilibot ko ang paningin ko sa buong paligid para mahanap si Ma'am Victoria pero may isang bagay na naka-agaw sa atensyon ko. Siningkit ko ng husto ang mga mata ko dahil sa isang building na nakita ko sa hindi kalayuan. "Ano 'yun?" Takang tanong ko sabay turo sa isang gusali na nakatayo sa ibabaw ng isang talampas. Napatingin din si Natalia sa tinuro ko. "Bahay ba 'yan?" Patanong na tugon ni Natalia. "Kung bahay 'yan, bakit kulay itim?" Takang tanong ko naman. "Ewan ko, pinagkaitan yata ng maliwanag na buhay ang may-ari ng bahay na 'yan," saad naman ni Natalia. "Tinutukoy niyo po ba ang mansion na 'yan?" Saad ng isang babae kaya natuon ang atensyon namin sa babaeng lumapit sa amin. "Oo, eh, mansion pala 'yan?" Hindi makapaniwalang tanong ko at tumango naman ang babae, base sa suot niya ay parang nagta-trabaho siya rito sa hotel na ito. "Oo, mansion 'yan, pinagmamay-ari 'yan ng isang private na tao, binili rin ng may-ari ng bahay na 'yan ang buong bundok na tinatayuan ng bahay na 'yan kaya private property na 'yan ng isang private person, hindi nga namin alam kung paano napapayag ng nagmamay-ari sa bahay na 'yan ang gobyerno sa Pilipinas na bilhin ang buong bundok na tinatayuan ng bahay niya," paliwanag ng babae sa amin ni Natalia. "Magkano ba ang bili niya sa bundok?" Takang tanong ni Natalia. "Hmm, sa pagka-alala ko nasa around 20 Billion Euro o isang trilyong pesos ang bili ng may-ari ng bahay na 'yan sa buong bundok, hindi siya in-offeran ng gobyerno ng halaga sa buong bundok at siya na mismo ang nag-offer ng ibabayad niya," tugon ng babae na ikinalaglag ng panga naming dalawa ni Natalia dahil sa sagot ng babae sa amin. "Isang trilyon?!" Hindi makapaniwalang saad ni Natalia at tumango naman ang babae sa kan'ya. "Oh My God! Unbelievable! Siguro ang may-ari ng bahay na 'yan ang pinakamayamang tao sa buong mundo, huhulaan ko talaga 'yan! Pero ang weird lang kasi, bakit naman itim ang bahay niya? Ano bang nakain ng taong 'yan?" Hindi makapaniwalang saad ni Natalia. "Pusit siguro nakain niya kaya itim ang bahay niya," tugon ko naman habang tinatanaw ang itim na malaking bahay na nasa kabila pang bundok. Mayroon pang isang bundok na namamagitan mula sa bundok na tinatayuan ng hotel at sa talampas na tinatayuan ng malaking bahay na kukay itim. Subrang laki ng bahay na ito dahil hindi na masyadong maaninag ang maliliit na detalye na nasa palagid ng bahay kagaya ng mga puno at mga sasakyan na nakaparada sa harapan ng bahay. Itinuon ko na rin ang atensyon ko sa ibang bagay dahil naramdaman ko na ang presensya ni Ma'am Victoria. Napatingin ako sa kan'ya na ngayon ay nakatingin din sa itim na bahay at saka ay binaling niya ang atensyon niya sa amin. "Okay, so let's get started, so this time, hahatiin ko kayong lahat sa apat na pangkat, so counting starts from you, Ms. Levesque," saad ni Ma'am Victoria sabay turo sa akin. "1!" Paninimula ko at sumunod naman ang ibang mga empleyado sa pagbilang. Ilang sandali pa ay tapos ng magbilang ang lahat at iisang team lang kami ni Natalia, sumali rin sa laro si Ma'am Victoria, Sir Wild, Sir Gideon, at Sir Clyde Saavedra, ang Head ng Board of Directors. Ka-team din namin si Sir Wild dahil pinili niya ang Team 1, si Ma'am Victoria naman ay nasa Team 3 kung nasaan si Ava, si Sir Gideon ay nasa Team 4, ang Head naman ng Board ay nasa Team 2. Nagsimula na rin ang laro namin at ang unang laro namin ay Tug of War, 'yung maghihilaan kami ng lubid. Ang kaharap naming team ay ang Team nila Sir Gideon. Si Sir Wild ay nasa pinakalikuran namin habang ako ay nasa harap niya at nasa harap ko rin si Natalia at patuloy kami sa paghihilaan. Nanonood naman ang naiwan na dalawang team at masaya naman sila sa sitwasyon namin ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD