Capítulo Treinta y Seis punto uno (36.1)

1706 Words
Kinabukasan. Maaga kaming nagising at nagtungo sa may dalampasigan kasi maliligo kami ng dagat. Last day na namin ito dahil bukas ng umaga ay babalik na rin kami sa Quezon City. Suot ko ang isa ko pang two-piece na swimsuit na kulay red. Ang p-nty nito ay hindi na gaya kahapon na T-Back. Nasasakop na nito ang kalahating parte ng dalawang pisngi ng pwet ko. 'Yung bra ko naman ay saktong-sakto lang hindi rin kagaya kahapon na parang malalaglag na dahil hindi kayang lamunin ang dibdib ko. Nandito kami ngayon ni Natalia sa buhanginan at sumisilong sa ilalim ng malaking payong at naka-higa kami sa mat na dala namin. May suot din kaming beach hat at sunglasses. "Kuhanan nga kita ng picture, Stella, sayang naman ang OOTD mo ngayon kung walang picture, pang-post lang sa Ixtagram," saad niya at saka ay kinuha ang DSLR niyang camera mula sa basket niya. "H'wag na, enough na 'yung isang daang kuha mo ng picture sa akin kahapon sa showdown," paghindi ko pero matigas kasi ang ulo ni Natalia at imbes na makinig sa akin ay ayun pumwesto na siya at kinuhanan na ako ng picture. Hindi na lang ako kumontra kasi ganoon pa rin ang mangyayari. "Ayan! Pak! Grabe! Ang ganda ng katawan!" Masayang saad ni Natalia habang kinukuhanan niya ako ng picture pero hindi ko na inintindi ang posisyon ko dahil nakahiga lang ako sa mat. "Galing!" Masayang saad niya pa at saka ay bumalik sa pwesto niya. "Tingnan mo 'yung picture mo, Stella, ang gaganda, ipost mo 'to sa social media mamaya, ha?" Nakangiting saad niya kaya bumangon ako at saka ay tiningnan ang mga kuha niya. Ang ganda! Oo na, nagandahan ako, syempre ako na 'to, eh! "Sige, kagabi nga after kong i-post 'yung mga litrato ko kahapon dinumog nga ako agad ng maraming reactors at commenters," tugon ko at saka napalakpak siya sa tuwa. Kung hindi lang siguro nangyari 'yung proposal ni Wild sa yacht sa gabing 'yun hindi ako ganito kasikat sa social media. Sikat kasi si Wild, eh. Noong mga nakaraan ay nagsaliksik ako tungkol sa kan'ya at doon ko lang din nalaman na subrang yaman niya tapos sikat din siya kasi isa pala siyang model! Kaya pala ganoon na lang kaganda ang ukit ng katawan niya! "Sir Wild, dito nga po kayo ni Stella! Kuhanan ko kayo ng picture ulit kagaya kahapon!" Tawag ni Natalia kay Wild na ngayon ay kakarating lang din sa dalampasigan. Agad napalingon sa gawi namin si Wild at saka ay kunot-noong naglakad papunta sa amin. Umupo siya sa tabi ko at umakbay sa akin sabay halik sa labi ko. "Good morning," tipid na bati niya sa akin pagkatapos niya akong halikan kaya ngumiti ako ng malapad sa kan'ya. "Sige na, ayusin niyo na ang pwesto ninyo riyan," saad ni Natalia kaya inayos namin ang pwesto namin ni Wild at saka ay sabay kaming tumingin sa camera. Naka-ilang shots din kami at pa iba-iba ang posisyon namin kada shot, pauso kasi 'tong si Natalia. Nagpost din ako sa social media ko sa picture namin ni Wild kahapon habang nakakandong ako sa kan'ya at ganoon pa rin ang nangyari at dinumog din ako ng maraming netizens. Hindi naman kasi talaga ako mahilig sa mga social media, nagkaroon lang ako ng social media noong nakilala ko si Natalia. Siya ang gumawa ng mga accounts ko, so ibig sabihin ay bago pa lang ako nagkaroon ng mga social media accounts. Hindi ako naggaganyan dati kasi 'yung phone ko hindi kayang buhatin ang mga social media applications. Ilang saglit pa ay bumalik na rin si Natalia at umupo siya sa tabi ko, gitna nila ako ni Wild. Tiningnan naming tatlo ang mga kuha namin at ganoon na lang ako napangiti nang makita ko kung gaano kaganda ang kuha at saka kung gaano kami kabagay ni Wild. Ilang minuto ang nakalipas at kasalukuyan na kami ngayong nagtatampisaw sa tubig. Hindi pa naman ganoon ka init kasi alas siyete pa naman ng umaga. 'Yung ibang mga kasamahan namin ay nag Island hoping, 'yung iba ay nagmo-motorboat, 'yung iba naman ay nandoon lang sa dalampasigan at nakahiga lang sa kani-kanilang mga mat, 'yung iba naman ay naliligo kasabay namin, at habang 'yung iba naman ay hindi pa pumunta rito sa beach at nandoon pa sa hotel. Hindi ko pa nakita si Ma'am Victoria simula pa kagabi, huling kita ko sa kan'ya ay 'yung hindi pa ako nagtatampisaw sa pool kagabi at nakaligtaan ko lang ng ilang sandali pero pagbalik ko ng tingin ay hindi ko na siya nakita. Bahala na nga 'yun, buhay naman niya 'yun. "Mag Island Hoping din tayo mamayang hapon, Stella!" Anyaya ng kaibigan ko sa akin at saka ay nakangiti akong tumango. Si Wild naman ay nandito lang sa tabi ko at kanina pa talaga siya dikit ng dikit sa akin. Hanggang beywang ko lang ang tubig at hindi na ako masyadong nagpalalim pero itong katabi ko ay kanina pa dikit ng dikit sa akin at palaging nakahawak sa beywang ko. Si Natalia naman ay umaalis at pupunta sa malalim na bahagi ng dagat at saka ay babalik na naman dito sa puwesto namin ni Wild at aalis na naman ulit. Pinagmasdan ko ang mga kasamahan namin na ngayon ay masaya sa kani-kanilang ginagawa. Napalipat ang tingin ko mula sa mga tao papunta kay Wild. "Hindi ka lalangoy? Baka hindi ka mag-enjoy dahil dikit ka ng dikit sa akin?" Tanong ko sa kan'ya at umiling lang siya. "Ayos lang, nag-eenjoy naman ako sa lahat ng bagay kapag kasama ka," tugon niya kaya napatawa ako ng mahina sa sinabi niya. "Ang corny mo," asar ko sa kan'ya pero seryoso niya lang akong tiningnan. Pinagmasdan ko ang kan'yang mga mata na kakulay sa karagatang nililiguan namin ngayon at kakulay sa langit na nasa ibabaw namin. "Ang ganda," biglaang saad ko kaya napakunot ang noo ni Wild sa sinabi ko. "What?" Naguguluhang tanong niya at saka ay ngumiti ako ng malapad. "Ang ganda kasi ng mga mata mo," puri ko sa kan'ya. "But your eyes is the most beautiful eyes I've ever seen, Stella, for the first time I met your eyes, I was enchanted. Your eyes hypnotized me for so long," puri niya pabalik sa akin. "Eh, simpleng blue eyes lang naman 'to," tugon ko naman at umiling siya agad. "No, there's something in your eyes that makes me wonder, I was wondering kung papaano mo ginagawa 'yang mga tingin na 'yan sa akin, your gaze was seducing me day-by-day, that's why I'm afraid and I was wondering at the same time if gan'yan din ba ang tingin mo sa ibang tao," paliwanag niya kaya bigla akong nahimasmasan sa sinabi niya. "Huh?" Naguguluhang saad ko. "Nothing, forget about it," tugon niya kaya para akong naiwang blanko ang isip. Kaya pala kapag tumitingin ako sa mga tao ay ganoon na lang ang nakikita ko sa mukha nila, parang humihinto ang mundo nila kapag direkta ko silang tignan sa mata. |༺☬༻| Kinagabihan. Nandito kami ngayon sa baybayin at nakapalibot kami sa campfire. Kaming lahat ang nandito, ngayon ko lang din nakita ulit si Ma'am V, buong araw ko talaga siyang hindi nakita at ngayon lang siya nagpakita ulit. Ang dalawang kasamahan namin ay may dalang gitara at 'yung dalawa pang iba ay may dalang beatbox. Nagkakasiyahan kami rito at nagkakantahan. Ang iba naman ay nag-iihaw ng marshmallow sa campfire na nasa gitna namin at isa ako roon, kami ni Natalia habang si Wild naman ay nandito pa rin sa tabi ko at dikit ng dikit simula pa talaga kaninang umaga. Medyo naweweirduhan na talaga ako sa lalaking 'to pero hindi ko pa siya sinubukang tanungin kung ano ang nangyayari sa kan'ya. Para siyang magnet na ayaw talagang humiwalay sa akin, kahit kaninang hapon nga noong nag island hoping kami ay palagi lang siyang nakahawak sa kamay ko. "Gusto mo?" Anyaya ko kay Wild sa marshmallow na nakatusok sa mahabang stick. "Ayaw ko, hindi ako mahilig sa gan'yan," tugon niya kaya ngumuso ako. "Sige na kahit isa lang," pamimilit ko kaya napabuntong-hininga siya sabay kagat sa isang marshmallow na malapit ng matunaw. Pilit na pilit siyang nguyain ito pero nagawa niya pa ring lunukin ang kinakain niya. "Yey! Ang galing!" Proud na saad ko sa kan'ya. Tipid lang siyang ngumiti sa akin at saka ay ibinalik ang tingin niya sa paligid at nagmasid sa mga kasamahan namin. "Te, napapansin ko lang, may problema ba 'yang boyfriend mo?" Bulong ni Natalia sa akin. "Huh? What do you mean?" Kunot-noong tanong ko pabalik sa kan'ya. "Kanina pa talaga 'yan dikit nang dikit sa 'yo, ayaw talagang lumayo," bulong na tugon niya sa akin. "Napapansin mo rin?" "Oo naman, napapansin ko talaga kasi kanina rin ako dikit ng dikit sa 'yo, 'no," tugon naman niya. "Hayaan mo na, tatanungin ko lang siya mamaya," saad ko naman at saka ay tiningnan ko si Ma'am Victoria na ngayon ay walang emosyon ang mukha habang nakatingin sa pwesto namin. Magkaharap kaming dalawa kaya kitang-kita namin ang isa't-isa kahit na mayroong apoy na namamagitan sa amin. "Come with me," bulong sa akin ni Wild at nauna siyang tumayo sabay hatak ng kamay ko kaya napatayo na lang din ako ng wala sa oras. "Saan ka pupunta?" Tanong ni Natalia sa akin nang mapansin niya ang pagtayo ko. "Sasamahan ko lang siya," tukoy ko kay Wild na nasa tabi ko lang kaya napatango na lang si Natalia at saka ay ibinalik ang atensyon niya sa niluluto niyang marshmallow. Hinatak na ako ni Wild kaya nagpatianod lang ako sa mga hatak niya. Nagtungo kami sa isang madilim na lugar sa dalampasigan at mayroong mga matatayog na damuhan. "Anong gagawin natin dito?" Takang tanong ko sa kan'ya nang huminto na kami. "I just want to spend time with you, alone," tugon niya. "Eh, hindi ba sapat 'yung kanina?" Kunot-noong tanong ko at umiling lang siya bilang tugon kaya napabuntong-hininga ako. "Gusto kong tayo lang dalawa, I'm getting bored there," diretsahang tugon niya kaya tumango ulit ako. "Baka anong gagawin natin dito, ha, tigil-tigilan mo talaga ako, Wild, makakatikim ka talaga sa akin," pagbabanta ko. "Then tikman mo ako," walang prenong tugon niya na ikinatigil ko at naramdaman ko na lang ang pag-init ng magkabilang pisngi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD