Capítulo Treinta y Cinco punto dos (35.2)

1587 Words
Napasuklay siya sa itim at mahabang buhok niya na magaang bumagsak sa gilid ng mukha niya. Unti-unti ay inilapit niya ang kan'yang mukha kay Wild at saka ay sinakop ang labi nito. Pababa ang halik ni Victoria papunta sa leeg ng lalaki at nag-iwan siya ng maiinit na halik dito. Umayos ulit ang posisyon ni Victoria at distansya na ang mukha niya mula kay Wild. Dahan-dahan niyang itinaas ang damit ni Wild hanggang sa nahubad na niya ang pang-ibabaw na damit nito. Napahagod ang tingin ni Victoria sa katawan ni Wild na malapad, malaki, matipuno, matigas, at umiigting ang mga muscles nito sa balikat, sa braso, sa dibdib, sa tagiliran, at lalong-lalo na ang 8 packs abs ni Wild na umiigting sa tiyan niya. Napakagat sa ibabang labi si Victoria nang makita na niya ang ibabaw na parte ng katawan ni Wild. Dahan-dahan niyang inilapat ang palad niya sa matigas na katawan ni Wild at inihaplos niya ang kan'yang palad mula sa matigas na dibdib ni Wild pababa sa matigas na abs nito. Naramdaman ni Victoria ang matinding pag-init ng pisngi niya lalong-lalo na ang katawan niya nang dinaanan ng daliri niya ang pagitan ng mga abs ni Wild. Dahan-dahang ibinaba ni Victoria ang mukha niya sa abs ni Wild at dinilaan niya ang balat ng lalaki pataas papunta sa matigas na dibdib ni Wild. Ginawa niyang ice cream ang katawan ni Wild at dinilaan niya ang harapang parte nito. "You taste like a sinful dessert, Wild," mahinang saad ni Victoria nang matapos na niyang dilaan ang itaas na parte ng katawan ni Wild. "Next target, your one and only friend, little Wild down here," nakangising saad ni Victoria at saka ay niluwagan na niya ang lace na nakatali sa short ni Wild at dahan-dahan niyang ibinaba ito. Nang maibaba na niya ang short ng lalaki ay napatingin agad siya sa umbok na umbok na kahabaan ni Wild at umiigting ito laban sa boxer na suot niya, ang huling saplot ni Wild sa katawan. Hahawakan na niya sana ang garter ng boxer nang biglang may magaspang na dalawang kamay ang humawak sa pulsuhan niya. Agad napa-angat ang tingin ni Victoria at nanlaki na lang ang mga mata niya nang makita si Wild na nakatingin sa kan'ya at naka-ismid pa ang labi nito. Agad bumuntong-hininga si Wild at saka ay pasimple niyang ipinalit ang posisyon nilang dalawa at ngayon ay si Victoria na ang nasa ilalim at puma-ibabaw agad si Wild sa babae. Puno ng gulat ang mukha ni Victoria nang tingnan niya ang namumungay na mga mata ni Wild. Dahan-dahang inilapit ni Wild ang mukha niya sa gilid ng mukha ni Victoria at nagbuga ng mainit na hininga sa leeg ni Victoria. "Do you think you can own me, Villafuentes? Unless if you're my baby Stella Levesque, but you're not my baby, so you can't own me," bulong ni Wild kay Victoria at saka ay inilayo niya ang mukha niya sa tainga ng babae at saka ay hinarap ulit si Victoria at ilang dangkal lang ang pagitan ng mga mukha nilang dalawa. "Do you think you can fool and deceive me, Victoria? Poor, Victoria, you can't," naka-ismid na saad ni Wild at saka ay marahan niyang sinakal si Victoria sa leeg. Agad napa-inat sa leeg si Victoria sabay lunok ng laway dahil parang hindi magkasya ang palad ni Wild sa leeg niya. "This is how I choke Stella in bed, but you're not Stella, you're not her," matigas na saad ni Wild at saka ay mahigpit niyang hinawakan ang leeg ng babae. "This is how I choke other people to death, Victoria, and you are one of them," gigil na saad ni Wild kaya napahawak na lang si Victoria sa matigas na braso ni Wild. "W-Wi...ld, Wild, s-sto...p," namimilipit na saad ni Victoria at patuloy na tinatapik ang braso ni Wild. "Sa susunod na akitin mo ako, make sure na hindi ka palpak dahil baka huling araw mo na 'yun. Akala mo ba sa akin ay hindi ko alam ang plano mo, Victoria? I'm not stupid like you," gigil na saad ni Wild at mas lalo pang hinigpitan ang pagkakasakal niya sa babae. "Try to arrest me for doing this to you, ilalabas ko ang baho mong babae ka. Akala mo ay matatakot mo ako dahil ikaw ang CEO ng kompanya? You can't," matigas na saad ni Wild at saka ay niluwagan na niya ang pagkakasakal kay Victoria. Parang nabunutan ng tinik si Victoria nang inilayo na ni Wild ang kamay niya mula sa kan'ya. Agad umalis si Wild sa pagkakapatong niya sa babae at saka ay kinuha ang short at t-shirt niya at mabilis niya itong isinuot. Patakbong lumabas si Wild sa silid at naiwan si Victoria sa loob na habol-habol pa rin ang hininga at umuubo pa habang hipo-hipo ang leeg niya. Unti-unting bumagsak ang mga luha niya habang hinihipo ang leeg niya. "Bwesit ka, Wild," nanghihinang saad niya. |༺☬༻| "Bakit nalaman niya 'yun? Di ba sabi kong ayusin mo ang trabaho mo?!" Galit na sigaw ni Victoria sa lalaking inutusan niya kanina. "Hindi ko po alam, pero kitang-kita ko po na dalawang basong tubig mula sa pitsel na 'yun ang ininom niya, bumagsak pa nga siya—" "Shut up your nonsense defense, hindi ka kasi nag-ingat, at alam kong nakita niya 'yun! Bwesit!" Galit na sigaw ni Victoria sabay kalas sa baril niya at itinutok niya ito sa lalaking nakaluhod ngayon sa harap niya. "Ma'am, maawa po kayo, may kapatid pa po akong pinapa-aral, ibabalik ko na lang po 'yung pera ninyo, h'wag niyo lang po akong patayin," pagmamakaawa ng lalaki. "I don't care about your life! Go to h-ll, magsama kayo ng Stella na 'yun!" Sigaw ni Victoria sabay kalabit niya sa gatilyo ng baril at agad tumama ang bala nito sa noo ng lalaki. Hindi ito umalingawngaw dahil may silencer ang baril sa dulo. Agad itinapon ni Victoria ang baril sa sahig at saka ay naglakad siya papunta sa nakahandusay na lalaki. Dahan-dahan niya itong inangat at mahigpit na hinawakan ang magkabilang braso nito. Dinala niya ang lalaki sa gilid ng rooftop ng hotel kung saan silang dalawa ngayon at saka ay dumungaw siya sa ibaba at nandoon pa ang mga empleyado niya na masayang nagtatampisaw sa tubig sa pool. |༺☬༻| Stella's POV Kasalukuyan kami ngayon ni Natalia na nagtatawanan habang naliligo pa rin sa pool. Nilalamig na ako pero ayaw ko pa ring umahon. Laking gulat na lang naming lahat nang biglang sumabog ang gitna ng swimming pool at subrang tayog ang talsik ng tubig. Mukhang may nahulog mula sa ibabaw. Ilang saglit pa ay humupa na ang tubig at lumutang ang isang katawan ng lalaki sa pool at napansin ko rin ang kaunting pagpula ng tubig malapit sa ulo niya. Dali-dali naming nilapitan ang lalaki. Itinihaya namin ang lalaki sa tubig at napasinghap na lang kami sa gulat nang makita naming nakabuka ang dalawang mata nito at butas ang noo at mayroon pang dugong lumalabas mula rito. "Binaril siya!" Sigaw ng isa sa mga babaeng kasama namin. "Saan siya galing?" Nagtatakang tanong ko at napa-angat ang tingin sa langit pero wala namang p'wedeng panggalingan ng lalaking ito, maliban na lang kaya sa rooftop ng hotel... Agad-agad lumapit si Sir Gideon sa amin at saka ay binuhat ang bangkay ng lalaki at dinala niya ito sa ibabaw ng swimming pool. Tiningnan niya ang pulso ng lalaki sa leeg at napa-iling na lang siya. "He's dead," saad niya kaya napatayo na lang si Sir Gideon mula sa pagkakayuko niya. "Anong araw ngayon?" Tanong ko kay Natalia kaya napa-isip siya sandali. "March 27 pa lang tayo, hindi ngayon araw ni Hurricane sa pagpatay niya at saka hindi empleyado ng Cyrene ang biktima ngayong gabi, staff siya ng hotel," tugon naman ni Natalia kaya napa-isip ako sa sinabi niya. "E 'di, ibig sabihin ay hindi si Hurricane ang pumatay sa lalaking 'yan?" Naguguluhang tanong ko at tumango siya agad. "Oo, kasi kung si Hurricane pa 'yan, hindi lang gan'yan ka simple ang ginawa niya, alam naman nating lahat na maraming kadramahan sa buhay ang taong 'yun, may pa-sound effect at rose pa siyang nalalaman, at saka hindi niya schedule ngayong araw," paliwanag naman ni Natalia kaya napatango na lang ako. "Wild," saad ni Sir Gideon nang makalapit na si Wild sa kan'ya. "Ano'ng nangyari?" Takang tanong ni Wild at napatingin siya sa lalaking wala ng buhay na nakahandusay sa sahig. "May pinatay ngayong gabi, parang inihulog siya mula sa rooftop ng building," tugon naman ni Sir Gideon kaya napatingin si Wild sa rooftop ng building at saka ay ibinalik ulit ang tingin niya sa bangkay. "Hindi si Hurricane ang gumawa nito, someone else na kagaya niya, or should I say counterpart ni Hurricane," tugon ni Wild at saka ay lumipat ang tingin niya kay Sir Gideon mula sa bangkay ng lalaki. "What do you mean?" Naguguluhang tanong ni Sir Gideon. "I'm starting to investigate someone right now, at may hinala akong siya ang gumawa nito," seryosong tugon ni Wild sa lalaki. "Then who?" Kunot-noong tanong ni Sir Gideon. "I'll keep it to myself first, saka ko na sasabihin kung successful ang imbestigasyon ko. Fix that mess first, Gideon, may pupuntahan muna ako ngayon sandali," paalam ni Wild at saka ay umalis na siya agad sa harapan ni Sir Gideon. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa hindi ko na siya makita nang pumasok na siya sa hotel. Sinong ini-imbestigahan niya ngayon? Nagsisimula na pala siya sa sinabi niya sa akin noong nakaraang araw?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD