Capítulo Treinta y Cinco punto uno (35.1)

1617 Words
Kinagabihan ay nagtatampisaw na kami sa tubig. Malamig ang tubig ng pool kaya hindi na ako nagsuot ng swimsuit at baka kabagin ako, nakakahiya kaya kapag utot nang utot. Tanging suot ko lang ay short tapos swimwear lang na mahaba ang sleeve. Tapos na rin kaming maghapunan kaya nagtatampisaw na lang kami sa tubig. Katabi ko ngayon ay si Wild pero hindi ako masyadong dumidikit sa kan'ya dahil maraming tao, hindi naman sa nahihiya ako pero rumerespeto lang ako sa mga tao na mayroong masasamang mga mata katulad ni Ma'am Victoria. At saka, hindi lang naman kami ang nandito, may ibang mga tao rin na labas sa Cyrene. Hindi naman ako ganoon ka landi, eh, kanina lang ay hinalikan ko lang talaga si Wild para pagselosin si Ma'am V at enough na 'yung eksena kanina sa harapan ng maraming tao. Nasa gilid lang din ako ng pool dahil ayaw kong lumangoy dahil hindi ako marunong lumangoy. Mabuti na lang din at kahit hindi ko sinabi ay hindi na rin nagtanong si Wild sa akin at nanatili lang din siya sa tabi ko. Siguro nahahalata niyang hindi ako marunong lumangoy. "Gusto mo ng juice? Or something alcohol?" Tanong sa akin ni Wild at nag-isip ako kung ano ang iinumin ko. 'Yung mga kasamahan kasi namin ay nagpapalutang ng case sa pool at may laman itong beer sa loob at pinasa-pasa lang ito. Si Wild naman ay may dalang bote ng beer pero kakaunti lang ang iniinom niya. Hinayaan ko na rin siya sa gusto niya. "Uhm, cocktail lang, pangpa-init lang ng kaunti sa lalamunan at sa tiyan," nakangiting tugon ko sa kan'ya at tumango lang siya. "Stay here, I'll be right back, okay?" Paalam niya sa akin at tumango lang ako. Nanatili lang ako sa pwesto ko at pinagmasdan ang mga tao sa paligid. Nagkakasiyahan sila, nagtatawanan, nag-iinuman, tapos ang iba naman ay nandoon lang sa cottage na pinagkainan namin kaninang agahan, tanghalian, at hapunan, at nagkukwentuhan lang sila roon. Nakakatuwa rin palang pagmasdan ang mga katrabaho ko, ngayon lang kasi talaga ako naka-experience ng ganito. 'Yung outing kasi ng Cyrene sa Rizal noong nakaraan ay hindi kami nakapag-bonding sa gabi dahil sa pagod buong araw. Pero ngayon ay nakakatuwa lang din silang pagmasdan. May mahihinang music din na pinapatugtog ng mga kasamahan namin dito at kumakanta sila. Para akong nakahinga ng maluwag dahil parang natanggal lahat ng stress ko sa katawan dahil sa ganap ngayon. Kahit naka-experience kami ng matinding trauma sa Cyrene pero naging matatag pa rin kami at nanatili pa rin sa trabaho namin. Para kaming matira-matibay sa loob. Mahuhuli lang 'yang si Hurricane ay magiging tahimik na rin ang lahat. Lahat dito ay gusto ng payapang trabaho. Dahil na rin siguro ay hindi magawang iwan ng mga empleyado ang Cyrene dahil sa magandang sweldo na mayroon dito at saka parang opportunity na rin kasi kapag sa Cyrene magta-trabaho. Ang Cyrene ang pinakamayaman sa lahat ng kompanya sa buong mundo kaya hindi rin basta-basta ang mga taong nakakapasok dito, pero ewan ko ba, sampid lang naman ako rito. "Hey, here's your drink," boses ni Wild ang pumukaw sa akin mula sa malalim kong iniisip. Agad akong napayahat ng tingin sa likuran ko at nakita ko siya na ngayon ay naka-upo sa gilid ng pool at inabutan niya ako ng isang baso ng cocktail na kulay red at mayroon pa itong lemon na nakapatong sa baso. "Thank you!" Nakangiting saad ko sa kan'ya. Sumimsim na ako ng alak at ramdam kaagad sa dila ko ang lasa ng alak. Humahagod ang init nito mula sa dila papunta sa lalamunan kahit may ice pa ito. Mas gusto ko ang cocktail kaysa sa ibang alak kasi may halo kasi itong juice at hindi siya matapang. Napansin kong tumayo si Wild mula sa pagkaka-upo niya sa semento sa gilid ng pool. "Saan ka papunta?" Tanong ko sa kan'ya at napatingin din siya sa akin. "Mag-cr lang ako sa loob, babalik din ako kaagad," paalam niya at saka ay tumango ako. Sinundan ko ng tingin si Wild na ngayon ay papasok na sa hotel. Hindi ko na rin 'yun inintindi at saka ay naisipan kong umahon para lapitan si Natalia. Ako na rin kasi ang nag-iisa sa gilid ng pool kasi wala pa si Wild kaya pupuntahan ko na lang muna si Natalia na ngayon ay masayang nakipagtawanan sa mga katrabaho namin. Naglalaro sila ngayon ng spin the bottle at gusto kong sumali! "Uy, Stella, hali ka rito!" Anyaya sa akin ni Dominic Ponce, isa sa mga kasamahan namin sa work at kasama rin sa larong spin the bottle. Pumasok na ako sa cottage kung saan naglalaro sila. Dalawa kasi ang cottage dito sa tabi ng pool, 'yung cottage na kinainan namin ay malaki habang itong pinasukan ko ngayon ay hindi naman ganoon kalaki at kasya lang ito sa sampung tao. Umupo ako sa tabi ni Natalia at saka ay nilapag ko ang dala-dala kong cocktail sa lamesa sa harapan ko. "Sige, ako na ang magpapa-ikot!" Natutuwang saad ni Natalia at saka ay kinuha ang bote ng alak na walang laman at saka ay pina-ikot niya ito. Ilang saglit pa ay huminto ang ikot ng bote at nakaturo ang bibig ng bote sa akin. "Sige, si Stella, ang bagong salta sa laro, may tanong ako sa 'yo," paninimula ni Natalia at ngumiti ng nakakaloka. "Baka ano na naman 'yang itatanong mo sa akin, bruha ka, h'wag 'yung kabulastugan," kondisyon ko sa kan'ya at tumango-tango lang siya. "Don't worry, seryosong tanong 'to," nakangising saad niya. Kailan ba naging seryoso ang babaeng 'to? Parang pinanganak yata 'tong hindi seryoso sa buhay, eh. "Sige, ano ang tanong mo?" "Hm... Ilang beses na kayong nag-ano ni Sir Wild?" Tanong niya kaya napakunot ang noo ko. "Anong ano?" Naguguluhang tanong ko sa kan'ya. "Yung ano, alam mo na, 'yung s-x," paglilinaw niya kaya nahampas ko siya sa balikat niya. "Bruha ka, anong klaseng tanong 'yan? Akala ko ba seryoso?" Kunot-noong tanong ko sa kan'ya at napakamot na lang si Natalia sa likod ng ulo niya. "Seryoso nga 'yun, akala mo nagjo-joke time ako rito? Mukhang 'to nagjo-joke time? Hindi kaya ako si Joker," depensa naman niya. "Oo, hindi nga ikaw si Joker pero ikaw naman 'yung clown sa It, si pennywise ba," natatawang saad ko kaya sumimangot ang mukha ni Natalia. "Ibang tanong na lang kasi, h'wag 'yung gan'yan, hindi ko sasagutin 'yan." "Fine, fine, sige," surrender niya at napabuntong-hininga. "Ito, seryoso na 'to. May... dark secrets kana ba na wala pang kahit sinong nakaka-alam?" Agad akong napatigil sa tanong niya, dark secrets? "H-Huh? Hindi ko alam kung mayroon ba ako kasi hindi naman ako nagsesekreto kay Mama, tapos hindi rin naman ako nagsesekreto sa 'yo at kay Sir Wild, wala akong alam na dark secrets ko na walang ibang taong nakaka-alam, eh," tugon ko naman at napatango-tango naman si Natalia. "Okay, ang transparent mo naman. Sige na, pa-ikotin mo na 'yang bote," saad ni Natalia at saka ay pina-ikot ko na ang bote. |༺☬༻| General POV "Here, put this in his drink, alam kong iinom at iinom 'yan ng tubig pagkatapos niya sa loob," saad ni Victoria sa isang lalaking staff ng hotel at saka binigyan niya ito ng isang maliit na bote. "Masusunod po, Ma'am," tugon ng lalaki at saka ay naunang umalis si Victoria at nagtungo sa room niya. Samantala naman, pumunta ang lalaki sa kusina ng hotel at kinuha niya ang pitsel na may lamang tubig at saka ay nilagyan niya ito ng likido na binigay ni Victoria sa kan'ya. Hinalo niya ito sa tubig at saka ay ibinalik niya ulit sa refrigerator. Mabilis na umalis ang lalaki at saktong pag-alis niya ay siyang paglabas ni Wild sa comfort room. Nagtungo siya agad sa refrigerator at kinuha ang nag-iisang pitsel doon na may lamang tubig at saka ay nagsalin sa baso niya. Ininom niya ito agad at nagsalin pa ng panibago at inubos ito sa isang lagukan lang. Ilang hakbang lang ay naramdaman niya ang pagkahilo kaya napahawak siya sa pader at unti-unti ay bumagsak ang talukap ng mga mata niya at bigla siyang humandusay sa sahig. Agad naman siyang nilapitan ng lalaking inutusan ni Victoria at saka ay dahan-dahan niyang inalalayan si Wild papunta sa room ni Victoria. Nang makarating na ang dalawa sa harapan ng pinto ng room ni Victoria ay kumatok ang lalaki at agad naman itong binuksan ni Victoria. Napatingin si Victoria kay Wild na ngayon ay walang malay. Tinulungan ni Victoria ang lalaki sa pag-alalay kay Wild papunta sa higaan at inilapag nila roon si Wild. "Here, manahimik ka lang kung ayaw mong ako ang magpapatahimik sa 'yo, nakaka-intindihan ba tayo rito?" Kondisyon ni Victoria sa lalaking inutusan niya sabay abot niya ng sobre na may lamang pera. Agad-agad naman itong tinanggap ng lalaki at saka ay tiningnan ang laman ng sobre. "Makaka-asa po kayo, Ma'am Victoria, kakalimutan ko po ang gabing ito," saad ng lalaki at saka ay tumango lang si Victoria. Umalis na rin ang lalaki at si Victoria at Wild na lang ang naiwan sa loob. Lumapit si Victoria sa pinto at saka ay ni-lock niya ito mula sa loob. Napabaling ang tingin ni Victoria sa lalaking nakahiga sa higaan niya kaya napa-ismid siya nang masilayan niya ang payapang pagtulog ni Wild. "Tonight will be the most memorable night you have with me, Wild Fuero, at sisiguraduhin kong ako na ang hahanap-hanapin mo at hindi na ang Stella na 'yun," saad ni Victoria at saka ay umismid. Habang naglalakad siya papunta sa higaan ay tinatanggal na niya ang suot niyang nipis na tela at naiwan na lang ang lingerie niya na kulay silk brown. Gumapang siya sa higaan at saka ay puma-ibabaw kay Wild.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD