Chapter 42: Fulgur Elementis

2629 Words
*Joanna’s POV* Kinabukasan ay tanghali na ako nagising dahil late na din naman ako naka tulog kagabi sa kakabasa nung mga papel, madami dami rin naman ang nabasa ko kaso nga lang ang iba ay nakalimutan ko na dahil na rin siguro sa sobrang antok kagabi. Lumabas na ako ng kwarto ko at nag lakad na papuntang kusina habang humihikab pa. Pag pasok ko sa kusina ay wala man lang kahit na sino ang nandito kaya nilingon ko ulit sa sala kung meron bang naiwan dito sa kanila kaso wala talaga. Baka tulog pa sila. Lumapit na lang ako sa lamesa kung saan may mangkok na natatakpan ng plato at sa isang mangkok naman ay kanin ang naka lagay. Kumuha na ako ng isang plato at isang pares ng kutsara at tinidor tsaka sumandok ng kanin at ulam. Pagka tapos kumain ay hinugasan ko na din ang pinag kainan ko bago mag lakad pabalik sa kwarto ko kaso naisipan kong silipin muna ang mga kwarto ng mga kaibigan ko. Una kong binuksan ang pinto ng kwarto ni Neca na nasa may kanan ko. Pagka bukas ko ay agad bumungad sakin ang kwarto niyang napupuno ng kulay lila. Wala pala siya dito. Sinarado ko na lang ulit ang pinto ng kwarto niya bago binuksan ang pinto ng kwarto ni Eryell na nasa unang pinto sa may kaliwa ko naman. Mula dito sa pinto ay kitang kita ang maliwanag na kwarto ni Eryell dahil napapaligiran ito ng dilaw na kulay tapos may sunflower pang naka dungaw sa may labas ng bintana. Wala rin siya? Saan naman kaya sila nag punta ni Neca? Sinarado ko na lang din ang pinto ng silid niya bago lumapit sa kwarto ni Rhoda tsaka binuksan ang pinto. Ang kwarto naman ni Rhoda ay kulay berde at may iba’t ibang halaman na nasa loob ng kwarto niya. Plantita ang peg? Pero nag practice ba siya ngayon kasi wala din siya dito eh. Umiling na lang ako at sinarado na lang din ang pinto ng kwarto niya at pumunta naman sa kwarto ni Catliya na nasa tabi ng kwarto ni Neca. Pag bukas ko pa lang ng pinto ng kwarto niya ay kita ko na agad ang kulay pulang kama niya at ang iba niya pang mga gamit sa loob. At kagaya ng inaasahan ko, wala din siya dito sa loob ng kwarto niya. Sinarado ko na lang rin ang pinto ng kwarto niya at pumunta sa kwarto ni Andrea. Binuksan ko na ang pinto at wala din siya dito. Ang kama naman niya ay kulay asul pati na rin ang kanyang kurtina. Wala din siya? Saan naman kaya sila nag punta? Napapa kamot na lang ako sa ulo ko dahil hindi man lang sila nag sabi sa akin kung aalis sila o hindi. Pumunta na lamang ako sa kwarto ko at nag basa na lang ulit ng mga papel na hiniram ko kay Elizabeth. *Third Person’s POV* Habang naiwan si Joanna sa kanilang tahanan ay magkaka sama naman ang mga prinsesa habang sila ni Rhoda at Catliya ay sinasanay at tinuturuan ng kanilang mga guro. “Ahhh!!!” Sigaw ni Rhoda habang pinipilit na buhatin ang malaking bato gamit ang kanyang kapangyarihan. “Ugh! Ang hirap naman nito,” reklamo ni Rhoda habang naka tukod ang kanyang mga kamay sa kanyang mga tuhod at naka yuko kung kaya ay kitang kita niya kung pano pumatak ang mga pawis niya. “Prinsesa, unang araw pa lamang ng pag sasanay mo, susuko ka na kaagad?” Naka ngising tanong ng Terra elementis na guro ni Rhoda, si Bartlett. “Hindi no! Nag pahinga lang ako!” Sigaw ni Rhoda at muling tumayo ng maayos tsaka ipinikit ang mga mata niya at muling itinuon ang kanyang isip sa pag papalutang ng malaking bato sa kanyang harapan. “Damhin mo ang bigat ng bato sa iyong harapan,” sigaw ni Bartlett kay Rhoda, ginawa naman ito ni Rhoda at simula pa kaninang bukang liwayway ay nag sasanay na siya at hanggang sa mga oras na ito ay hindi pa rin niya nagagawang buhatin ang malaking bato gamit ang kanyang kapangyarihan. “Prinsesa! Ano ba yang ginagawa mo!? Kahit na maliit na kislap man lamang ng apoy ay hindi mo magawa!?” Sigaw naman ng Ignis elementis at guro ni Catliya. “Eh pano ba kasi?” Tanong ni Catliya sa kay Crissia. “Sinabi ko na sayo kung ano ang dapat mong gawin, ngayon, gawin mo na lamang!” Sigaw ni Crissia. Sinabi mo nga, di mo naman tinuro kung pano. Napa iling iling na lamang si Catliya at muling pumikit rin. “Damhin mo ang init na dumadaloy sa katawan mo!” Sigaw ni Crissia. Ginawa naman ito ni Catliya, dinama niya ang init ng dugo niyang dumadaloy sa katawan niya, kasama na ang init ng ulo na kanina niya pa kinikimkim sa sunod sunod na pag sigaw sa kanya ni Crissia. Patuloy pa rin sa pag sasanay sila Catliya at Rhoda habang sila ni Andrea, Neca at Eryell naman ay nanunuod lamang sa kanila. “Grabe naman si Crissia, kanina pa kamo siya sigaw ng sigaw kay Catliya,” puna ni Eryell at pabulong na sinabi kay Neca. “Oo nga eh, sure ako nanggigigil na yang si Catliya sa kanya,” natatawang bulong din pabalik ni Neca sa kanya. “Huy baka marinig kayo diyan ha,” saway ni Andrea sa dalawang kaibigan na kanina pa nag bubulungan tungkol sa pinapanuod nilang pag sasanay nila Catliya at Rhoda. “Prinsesa, sinusubukan mo ba talagang gamitin ang kapangyarihan mo!?” Narinig nilang tatlong sigaw ni Bartlett kay Rhoda “Oo kaya tumahimik ka muna!” Sigaw din ni Rhoda pabalik sa guro niya. “Ano!?” Sigaw muli ni Bartlett kay Rhoda na hindi na lamang sumagot pa ulit at baka pahirapan pa siya lalo. Habang sila ay nag sasanay, bigla na lamang sila napa hinto ng makarinig sila ng malakas na kulog, hudyat na papaulan na. “Luh, umuulan din pala dito?” Tanong ni Neca tsaka tumingin sa langit pero nag takha siya kung bakit may naririnig silang kulog pero hindi naman madilim ang kalangitan, mataas pa rin ang araw dahil malapit na mag tanghalian. “Anyare? Pati ba yung mga ulap na nag dadala ng ulan eh wala din dito sa mundo ng mga bampira?” Nag tatakha ding taong ni Eryell na sinundan naman ng isang napaka lakas na pag kulog kaya tinakpan naman nila agad ang tenga nila. “Hala grabe naman, ang lapit nun ah,” puna ni Andrea habang sinisipat ang kalangitan pero wala talaga silang makitang ulap na nag babadyang umulan. “Kaminari! Nanggugulo ka na naman eh!” Biglang sigaw ni Bartlett sa likuran nila Andrea kaya agad naman napa lingon ang mga prinsesa. Sa likod nila ay naka tayo ang isang babaeng may kulay lilang buhok na hanggang sa balikat nito, naka suot din ito ng damit na gawa sa katad at meron din siyang mga dala dalang espadang may batong kulay lila sa hawakan nito. “Wow ang ganda,” hindi napigilan ni Neca na purihin ang espadang hawak hawak ng babaeng tinawag ni Bartlett na Kaminari. “Salamat sa’yong papuwi mahal na prinsesa, pero matagal ko nang alam na maganda ako,” mayabang na pagkaka sabi ni Kaminari kaya agad naman nagka tinginan ang mga prinsesa at pinigilan ang pag tawa. “Hahahahaha hoy hindi ikaw yung sinabihang maganda!” Sigaw ni Bartlett sa kay Kaminari. “Yung espada yung tinutukoy ng prinsesa na maganda hahaha,” natatawang dagdag pa nito kaya napa nguso na lang tuloy ang babaeng si Kaminari. Natatawang lumapit naman si Bartlett sa babaeng may lilang buhok at tsaka ito inakbayan. “Mga mahal na prinsesa, ito po pala si Kaminari, isa rin po siyang elementis, Fulgur elementis ang tawag sa kanilang lahi,” pag papakilala ni Bartlett sa kanyang kaibigan na si Kaminari. “Ah hello! Nice to meet you!” Naka ngiting bati sa kanya ni Eryell na agad namang binatukan ni Neca. “Aray! Bakit!?” Nag tatakha at nanlalaki ang mga mata na tanong ni Eryell. “G*ga! Di yan nakakaintindi ng english!” Gigil na bulong ni Neca kay Eryell. “Ay oo nga pala, sorry,” bulong din ni Eryell sa kaibigan. “Ano daw?” Narinig nilang nag tatakhang tanong ni Kaminari sa kay Bartlett. “Hindi ko rin naintindihan eh,” napapakamot na lamang sa batok na sagot ni Bartlett sa kanya. “Ano nga palang ginagawa mo dito?” Tanong ni Bartlett sa kaibigan. “Wala lang, papanuorin ko lang kung paano ka mag turo kahit di ka naman ganun kagaling,” nanunuksong sabi ni Kaminari. “Aba’t!” Sambit na lamang ni Bartlett at babatukan sana ang babae pero bigla na lamang itong nawala sa tabi nito at nagulat na lamang sila dahil nasa itaas na ito ng puno. “Hahaha kahit kelan di mo ko mahahabol Bart!” Natatawang sabi ni Kaminari. “Hoy bumaba ka nga rito! Gumalang ka naman sa mga prinsesa!” Sigaw ni Bartlett. “Ay oo nga pala,” sambit rin ni Kaminari at tsaka tumayo mula sa sanga ng puno bago tumalon pababa. Ikina mangha naman ng mga prinsesa ang mga kidlat na pumalibot sa katawan ni Kaminari ng siya ay makatungtong sa lupa, na para bang isang kidlat sa isang tag ulang panahon. “Kidlat?” Tanong ni Neca habang naka tingin lamang kay Kaminari. “Ikinagagalak ko po kayong makilala mga mahal na prinsesa, ako po si Kaminari, isang Fulgur elementis, isang bampirang may kakayahang gamitin ang kidlat bilang sandata,” pag papakilala ni Kaminari sa kanyang sarili at tsaka yumuko sa mga prinsesa. “Kidlat ang kapangyarihan mo?” Tanong ni Neca at tumayo mula sa pag kakaupo niya tsaka lumapit sa kay Kaminari. “Opo, mahal na prinsesa,” naka ngiting sagot ni Kaminari sa kanya. “Oh my gosh!!!” Masayang sigaw ni Neca at agad na sinunggaban ng yakap si Kaminari na nag tatakha lamang sa ikinikilos ng prinsesa. “Oh my gosh! Oh my gosh! Guys! Meron na rin ako!” Masayang sambit ni Neca sa iba pang prinsesa na naka ngiti lamang sa kanya. “Merong alin po?” Nag tatakhang tanong nila Kaminari at Bartlett. “Isang guro! Guro na mag tuturo at mag sasanay sakin,” naka ngiting sagot ni Neca habang naka hawak pa rin sa kamay ni Kaminari. “Ikaw po ang prinsesang may hawak sa elemento ng kidlat?” Tanong ni Kaminari sa kay Neca na agad namang tumango tango bilang sagot. Ngumiti naman agad si Kaminari kay Neca at hinawakan rin ang kamay ni Neca. “Pinapangako ko po, tuturuan ko po kayo ng mga kaalaman ko ukol sa kapangyarihan ng kidlat,” naka ngiting sabi ni Kaminari. “Ayos! Salamat!” Masayang sambit ni Neca. “Kelan pala tayo mag sasanay?” Tanong ni Neca kay Kaminari. “Pwede naman pong ngayon na,” sagot ni Kaminari. “Sige, simulan na nati~” hindi na natuloy ang sinasabi ni Neca ng may isa pang lalaking dumating, meron ring kulay lila ang kanyang buhok. “Kaminari!” Sigaw ng lalaking kakarating lang. “Frater!” (Kuya) Sigaw ni Kaminari at nag lakad palapit sa kanyang nakaka tandang kapatid. “Ipinapa tawag ka ni ama,” seryosong saad ng kapatid ni Kaminari. “Ganun po ba? Sige po, susunod po ako kaagad,” sagot ni Kaminari sa kanyang kapatid at muling bumalik sa kung nasaan si Neca. “Paumanhin mahal na prinsesa, pinapatawag po ako ni ama eh,” paghingi ng paumanhin ni Kaminari. “Hindi, ayos lang yun, bukas? Pwede ba?” Tanong ni Neca at tumango naman si Kaminari sa kanya. “Sige, sige, salamat,” sabi ni Neca tsaka na nag simula mag lakad paalis si Kaminari papunta sa kanyang kapatid at maya maya lamang ay sabay silang dalawa nag laho sa harapan nila at kasunod nito ay ang tunog ng malakas na kulog. “Oh pano ba yan? Bukas start na din ng lesson ko,” naka ngising sabi ni Neca na inirapan lang ni Eryell at Andrea. “Nice one Nec!” Sigaw ni Catliya habang naka taas pa ang hinalalaki nito. “Maaga ka na rin magigising bukas!” Natatawang sabi ni Rhoda sa kaibigan nito. “Edi wow! Sana all merong guro!” Pag paparinig ni Eryell sa mga kaibigan nito. “Hayaan mo Ye, mag kasama tayo hanggang sa huli,” pagpapa gaan ng loob ni Andrea sa kay Eryell at tsaka nag yakapan ang dalawa at nag panggap na para bang umiiyak. Natatawa na lang tuloy na naka tingin sa kanila ang kanilang mga kasama, maging si Crissia ay natawa na rin sa kalokohan ng mga mag kakaibigan. “Ah! Oo nga pala!” Biglang sigaw ni Bartlett kaya napa lingon naman agad sa kanya ang mga prinsesa at si Crissia. “Ngayon ko lang naalala,” dagdag pa ni Bartlett kaya nag takha naman ang mga kasama niya sa kanya. “Ang alin?” Tanong ni Andrea sa kay Bartlett. “Naalala ko lang na meron pala akong kaibigan na Aqua elementis at Sol elementis,” sagot ni Bartlett. “Ano yun?” Tanong ni Eryell sa kanya. “Mga bampirang nakakapag kontrol ng elemento ng tubig at araw,” sagot ni Bartlett sa kay Eryell. Agad naman napatayo sila Eryell ar Andrea. “Ano!? Bakit ngayon mo lang sinabi!?” Magka sabay na tanong nila Eryell at Andrea kay Bartlett na napapakamot na lang sa ulo. “Ah eh, pasensya na po, ngayon ko lang din po kasi naaalala eh,” sabi ni Bartlett. “Pwede mo ba silang tawagin at papuntahin dito para masabihan namin sila at matanong kung ayos lang bang sila ang maging guro namin?” Tanong ni Andrea sa kay Bartlett na tumango naman agad sa kanya. “Masusunod po,” sabi ni Bartlett at agad na nawala sa kinatatayuan nito. “Hintayin na lang muna natin sila,” sabi ni Eryell. “Kayo na lamang ang mag hintay dito, may pupuntahan pa ako eh,” biglang sabi ni Crissia. “Tapos na tayong mag ensayo ngayong araw?” Tanong ni Catliya sa guro niya. “Oo, bukas na lamang ulit,” sabi ni Crissia at nag simula na mag lakad paalis. Mga sampung minuto mula ng maka alis si Crissia ay tsaka naman dumating si Bartlett habang may kasa kasamang isang babae at isang lalaki. Ang babae ay naka suot ng isang asul na damit pang itaas, kulay itim na short na hanggang sa tuhod nito at meron din siyang suot suot na tsinelas na naka tali sa kanyang mga binti. Ang kanyang buhok ay naka tirintas sa magka bilang gilid ng leeg niya at may hawak hawak din siyang isang sibat na may kulay asul ding hawakan. Ang lalaking kasama naman ni Bartlett ay isang matipunong lalaki na merong makatirintas na mahabang buhok sa likuran nito. Meron siyang suot suot na isang kulay kayumangging pantalon at makapal at mabalahibong tsaleko at naka paa lamang ito. Meron rin siyang bandang kulay dilaw na nag sisilbing sinturon nito habang ang mga kamay niya ay may hawak hawak na tig isang espada. “Mga mahal na prinsesa,” pag tawag ni Bartlett sa mga maharlika na agad namang lumingon sa kanya. “Eto na po ang mga kaibigang nabanggit ko sa inyo kani kanina lamang,” sabi ni Bartlett. “Ang Aqua elementis,” dagdag ni Bartlett at tinuro ang babaeng kasama nito na yumuko naman kaagad sa mga prinsesa. “At ang Sol elementis,” pagpapa kilala rin ni Bartlett sa lalaking kasama niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD