Dumating na ang araw na pinaka hinihintay ni Lucille, ang kanilang graduation. Kasalukuyan nang paalis sina Lucille papunta sa iskwelahan nila. “Salamat sa pag punta lolo, hindi ako aakyat sa stage kung wala” nakangiting sambit ni Lucille, ngumisi si don Ambrose at tinitigan ang apo niya. “Hindi ko pwedeng palampasin ang gan'tong okasyon apo, kahit sino pa sainyo, gagawan at gagawan ko ng paraan para maka attend.” nakangiting sambit ni don Ambrose “Thank you lolo” ngumiti ng matamis si Lucille at sabay sabay na silang sumakay sa van na dala ni don Ambrose. Pagkarating nila sa school, nakita na ni Lucille ang kaibigan niyang nag tata talon sa may harapan ng gym. “Luci! Congrats!” tili ni Summer at niyakap si Lucille. “Congrats din sa'yo Summer, our hard works finally paid off.”