Antok na antok si Lucille pero hindi siya pwedeng matulog dahil nasa klase siya ngayon, naputol ang pag pipigil niya ng antok ng pumasok sina Lincoln sa classroom nila. “So, since hindi tayo mag k-klase, nandito ang isang group from business department para makipag debate, we are doing this to find the suitable students na ilaban sa debate party na gaganapin dito sa school.” sambit prof Galvez. Yumuko si Lucille at nag tago sa isang kaklase niya para hindi siya mapansin ng ganyang propesor, pero mukhang alam na nila simula palang ang pipiliin nila. “Alderidge, Mariezi, Fiezo.” sambit ng propesor, nang hihina namang napa dukdok si Lucille sa lamesa niya bago walang ganang tumayo. Nakita niyang nakatingin sakanya si Lincoln kaya inirapan niya ang binata, tumawa naman ng mahina ang bi