Kabanata II

1405 Words
“Good afternoon everyone, we are pleased to announce the elected supreme student government members.” sambit ni Mrs. Miranda. “Good afternoon everyone, on behalf of my members, I am Lucille Alderidge the supreme student government president, we sincerely thank you for voting and trusting us. We may be tourism students, but we are also excelling on the field of knowledge and skills, hindi lang po kami puro paganda. Makikita po ang mga achievements namin through the years na hawak namin ang positions namin here sa school. I bet you all know that our school is one of the good performing school in terms of various fields? so, hindi naman siguro kami pipiliin na maging mukha ng ekswelahang ito kung hindi namin deserve iyon? at least diba, we excell on our department fair and square?” nakangiting sambit ni Lucille at hinawi ang buhok niya. “She really knows how to use her voice, so much power.” dinig ni Lucille na sinambit ng isang estudyante. Napatingin si Lucille kay Lincoln na may ngising naka balandra sa labi nito, pero hindi na ito ni pinansin ng dalaga. “Let's make this quick everyone, may meeting pa kayo, para sa magiging photoshoot bukas.” sambit ni Mrs. Miranda, tumango ang lahat at inisa isa nila ang nasa college department, halos iisa lang naman ang mensahe ni Lucille. “Kakausapin daw kayo ng dean, Miss Alderidge.” sambit ni Mrs. Miranda. “Salamat po ma'am Miranda." sambit ni Lucille at inaya na ang mga kasama pumunta sa dean's office. Nag lakad sila papunta sa dean's office, kumatok si Lucille at binuksan ang pintuan. “Good morning dean” bati ni Lucille at pumasok sa loob. “Good morning ssg pres, congrats. What a streak.” nakangiting sambit ng dean at kinamayan sila nito isa isa. “Have a seat” sambit ng dean, tumango ang lahat at isa isang umupo. “So, we’ve been thinking na bukas ang photoshoot, since puro kayo girls. I need two from you all, and kukuha ako ng dalawang lalaki from different department.” sambit ni dean, tumango si Lucille. “Kami po ba ang mamimili, or may napili na po kayo?” tanong ni Lucille. “Actually, we already chose those two girls from you all, it will be Lucille and Mirane.” sambit ni Dean, tumango si Lucille at ngumiti. “Okay po, do we need to bitbit something po ba?” tanong ni Lucille sa dean. “Nope, it's all been taken care of. Pwede na kayong umuwi, you all are excused from your subjects, rest well warriors.” sambit ni dean, ngumiti ang lahat at nag paalam na. “Oh ano pres, see you bukas?” tanong ni Mirane. “Yes, see you tomorrow Mirane. You did well today, I'm so proud of you." sambit ni Lucille. “Maraming salamat pres, ingat ka” nakangiting sagot ni Mirane at sumakay na sa kotseng pumarada sa harapan nila. Nag hintay pa sandali si Lucille at ilang sandali pa ay may dumaang jeep, pinara niya ito at umupo sa may bukana ng jeep. Kumuha ng barya ang dalaga para sa pamasahe niya. “Bayad po, pwede po paabot po ate?” sambit ni Lucille at inabot ang pamasahe niya. Pagkatapos niyang mag bayad, isinandal niya ang katawan niya sa sandalan ng jeep at pinikit ang mga mata niya. Medyo matagal ang byahe dahil sa traffic, nakababa na si Lucille sa jeep at nag lakad pa ng kaunti papunta sa bahay nila. Habang palapit siya sa bahay nila, nakita niya ang pag kukumpulan ng mga tao sa harapan nila, kumunot ang noo niya at pinag hahawi ang mga tao at tumambad sakanya ang mga gamit nilang nag kalat sa labas. Dali daling pumasok si Lucille at nadatnan niya ang kinakasama ng tatay niya, kasama ang anak nito na nag wawala sa buong bahay. “Punyeta ka!” galit na sigaw ni Lucille at hinila ang buhok ng dalawa. “Aaah! bitawan mo ang buhok ko, tangina mo!” sambit ng babae pero hindi nakinig ang dalaga, hinigpitan niya ang pagkaka hawak sa buhok ni Frances, kinakasama ng ama niya. “Sinong nag sabi sa'yo na pwede mong galawin ang mga gamit namin dito? bakit?! may inambag ka ba sa mga pang pundar ko sa mga gamit namin sa bahay? anong akala mo sa sarili mo?! Diyos?!” sigaw ni Lucille at pinag hahampas ang ulo ni Frances sa sahig. “Punyeta ka! mamatay ka!” nanggigigil na sambit ni Lucille at walang awang pinag sasampal si Frances, hindi tinigilan ng dalaga hanggang sa hindi mawala ang galit niya. “Isa ka pa, porke hindi kita pinapatulan, nat rereyna reynahan kana. Baka nakakalimutan mo? ako ang tunay na anak ng inaama ama mo? sampid kang puta ka, pero kung maka asta ka parang ikaw ang tunay na anak.” sambit ni Lucille at mahigpit na ginawa ang panga ni Cheska. “L-lucille please” nag mamakaawang sambit ng dalaga pero walang naririnig si Lucille. “Ayan, tignan mo ang ginawa ko sa mommy mo, nakaka awa ano? nag durugo ang mukha, kawawa naman siya. Ikaw din kawawa ka, kasi wala kang ginawa kung hindi umiyak.” nakasimangot na sambit ni Lucille pero bakas ang tuwa sa mga mata ng dalaga. “P-please L-lucille, hindi na kami uulit, please" nag mamakaawang ulit nito, wala ring tigil ang pag agos ng mga luha nito, pero walang naririnig si Lucille. “Alam mo Cheska, hindi ako naaawa sa mga luha mo, naiirita ako. Sana inisip niyo man lang ang mga kaya kong gawin, hindi ba sinabi ng tatay ko sa'yo na sinaksak ko siya kasi hindi niya tinitigilan ang kapatid ko?” nakangising sambit ni Lucille, at pinag sasampal si Cheska. Natigil lang si Lucille sa pag sampal sa babae nang dumating ang dalawang kapatid niya, kasama ang lolo nila. “Ate Lucille” sigaw Raiden at hinila siya palayo kay Cheska. Nanatili si Astrella, ang bunso nila Lucille sa tabi ng lolo nila. “Anong ginawa nila sa'yo, Lucille apo?” tanong ng matanda. “Sinira nila ang mga gamit lolo, naabutan ko silang pinag sisira nila ang mga gamit dito sa bahay.” galit pa ring sambit ni Lucille, nanginginig pa rin ang kamay ng dalaga habang nakatitig sa mag inang nasa sahig. “Eduardo! tawagan mo ang putanginang anak ko, at sabihin mong nandito ang babae niya at ang bastarda niya! sabihin mo rin na bilisan niya bago ko ipadala ang dalawang ito sakanya na wala nang buhay.” sigaw ni Don Ambrose, lolo nila Lucille. “Lolo upo muna po kayo, aasikasuhin ko lang po si ate Lucille” sambit ni Astrella, tumango ang matanda at umupo, tumabi si Raiden sa kanyang lolo pero alerto sa ate niyang si Lucille. “Inom ka muna ate" nakangiting sambit ni Astrella at inabot ang tubig kay Lucille, nanginginig pa rin ang kamay ng dalaga nang abutin ang baso at pinangalatian ang baso, niyakap ni Astrella ang kanyang ate, mahigpit namang yumakap pabalik si Lucille at pinipilit kumalma. Pero hindi pa tumatagal ang pagpapa kalma niya, pabalyang nabuksan ang pintuan. “Astrella, puntahan mo si Lolo, at iakyat mo sa kwarto.” utos ni Lucille, tumango si Astrella at inakyat sa second floor ang lolo, pero hindi sila pumasok sa kwarto dahil mahigpit ang pag tutol ni Don Ambrose. “Anong ginawa mo, Lucille?!” galit na sambit ni Alaric, ama nilang magkakapatid. “Can't you see their situation? ako ang may gawa niyan.” sagot ni Lucille, hindi mo man lang kakakitaan ng kahit katiting na awa sa mag inang naka handusay sa sahig, walang mga malay. “Have you gone mad?!” galit na sigaw nito. “Oh shut up, Alaric. Just mind your mistress and your bastard. We don't need your presence and opinion here, itali mo yang babae mo ha? masyadong nag kakalat.” sambit ni Lucille at ngumisi. “Ulitin mo pa ito, makakatikim kana sa'kin!” banta ni Alaric sa anak. “As if natatakot ako sa'yo? sino ka ba? huwag mo sabihing ama kita, kasi never kang naging ama sa’ming magkakapatid, Huwag na huwag mong hahayaan lumapit sa mga kapatid ko yang dalawang ’yan, baka magulat ka nalang, may pag lalamayan kana kinabukasan.” galit na sambit ni Lucille at inutusan ang mga tauhan ng lolo niya na kaladkarin palabas ang mga estranghero sa bahay nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD