“Perks of having a best friend na ssg president, nakaka tambay sa ssg office, may aircon.” sambit ni Summer, natawa si Lucille.
“As if the classrooms we have doesn't have aircon, ikaw talaga Summer.” sambit ni Lucille at inilingan ang kaibigan. Dumiretso si Lucille sa lamesa niya at may nakita itong isang kulay lilang sobre.
“Ano ’to?” sambit ni Lucille at kinuha ang sobre.
“Ano ’yan?" kuryosong tanong ni Summer at lumapit sa kaibigan.
“I don't know, nakita ko lang sa table ko.” sagot ni Lucille at binuksan ang sobre, nanuot sakanya ang bango ng makalumang papel na nasa loob ng sobre.
“Ang bango! Isn't it your favourite perfume?” humahangang sambit ni Summer, hindi sumagot si Lucille at iniladlad ang papel.
“It’s a love letter!" nakangiting bulalas ni Summer at pinakinggan ang pag babasa ni Lucille.
Isa kang Maria Clara na maituturing kung nasa panahon tayo ng mga kastila, isang babaeng mahinhin pero palaban, alam mo ang iyong ginagawa at gusto, pero nais ko munang itanong, ano ang ngalan ng Maria Clara na ito? Walang araw na hindi ka dadaan sa aking isipan, siguro kung ramdam mo lang ang pakiramdam ng ikaw na nasa aking isipan, minu minuto kang pagod sa pag takbo.
Lagi kong nais masilayan ang iyong mga ngiti na naka paskil sa iyong labi, ang iyong mga mata na kasing ningning ng mga bituwing sumisilag tuwing gabi. Hindi ko mawari ang aking nararamdaman sapagkat unang kita ko pala mang sa'yo noon ay hindi na natahimik ang puso’t isipan. Ikaw lamang ang tinitibok ng aking puso, ang babaeng nais hawakan ng aking mga kamay, ang iyong mga labi ang nais hagkan tuwing nakakaramdam ng kapaguran, yakap ang nais hanapin ng katawang nanginginig sa lamig. Iyong mga mata na nag bibigay ng lunas sa pagod na nadarama.
O, Maria Clara sa panahon natin ngayon, sana’y iyong pag bigyan ang aking pagtingin na sing dalisay ng tubig dagat, aking mga salitang sing puro ng isang perlas na sinisid pa sa ilalim ng karagatan, alam kong wala akong karapatan pero sana’y iyong bigyan ng chansa ang aking nararamdaman, isang ngiti mo lamang ang sagot sa mensahe ng sulat na ito ang gusto kong kasagutan.
Nakangiti si Lucille habang binabasa ang mensahe sa papel, pagkatapos ay isinilid niya ito sa sobre.
“Ano ba yan! dumugo ang ilong ko sa mga salita niya.” sambit ni Summer.
“It’s sweet, I love it” bulong ni Lucille at isinilid ang sobre sa libro niya.
Pagkatapos ng klase nila sa umaga dumiretso si Lucille at Summerbelle sa cafeteria para kumain.
“One rice meal ate, and water po.” sambit ni Lucille sa tindera sa cafeteria ng school nila.
“Rice meal din po ate and two milktea, cookies and cream, dark chocolate overload flavor po ate.” sambit ni Summer at sabay na silang nag bayad.
“Ihahatid nalang namin sa lamesa niyo, Lucille, Summer.” sambit ni Lea, isang waitress sa cafeteria.
“Thank you ate Lea.” sambit ng dalawa at tumalikod na para humanap ng mauupuan at makakainan.
“Why do you tipid yourself?” nakangiwing tanong ni Summer.
“Napaka arte mo talaga mag salita Summer.” naiiling na sambit ni Lucille, natawa si Summer sa sinabi ng kaibigan.
“Ano nga? diba your lolo told you to spend your money? let's go shopping sometimes.” nakangiting sambit ni Summer.
“Sige, pero hindi lagi ah? baka araw arawin mo maawa ka sa mga perang gagastahin mo.” sambit ni Lucille, nakangising tumango si Summer.
“I heard on Astrella na pumunta raw sainyo ang mistress ng daddy mo? did they hurt you?” nag aalalang tanong ng dalaga.
“Yes, sinira nila mga gamit sa apartment, akala mo naman sila ang bumili kung maka sira, ni hindi nga galing sa tatay kong magaling mga perang ginastos ko sa bahay namin mag kakapatid.” naiiritang sambit ni Lucille.
“When will you shop for your house?” tanong ni Summer.
“Hindi ko pa alam girl, baka next week? not sure pa. Baka busy pa ako this week.” sagot ni Lucille, tumango si Summer at tinitigan siya nito.
“Nakaganti ka ba sakanila?” seryosong tanong nito, akmang sasagot na si Lucille nang dumating na ang pagkain nila.
“Paki lapag nalang po, salamat.” sambit ni Lucille, tumango ang nag hatid ng pagkain at mabilisang nilapag ang pagkain nila.
“Of course, no one can harm me or my siblings, nor ruin the things I bought from my own hard earned money, and get away with it. Hindi ko sila tinigilan hanggat sa hindi sila dumudugo.” sambit ni Lucille, tumango si Summer.
“Did you try going to a psychiatrist? your anger is not really normal,” sambit ni Summer, umiling si Lucille.
“Kung comfortable ka, sasamahan kita. Hindi kita iiwan Luci, sasamahan kita kahit sa impyerno ka pa mapunta.” sambit ni Summer, natawa si Lucille sa sinabi ng dalaga.
“I’ll get a schedule first, we have a family psychiatrist. Baka sakanya nalang, and I'll inform you kapag haharap na ako sakanya about my condition, I'm aware of it Summer. So don't be guilty kasi inopen mo ’yon, I'm actually grateful kasi you're not afraid of pointing what's wrong or what is needed to be improve.” sambit ni Lucille at ngumiti sa kaibigan.
“Silly me, I was worried for nothing.” nakangising sambit ni Summer, ngumiti si Lucille at kinuha na ang pagkain na inorder niya.
“Any way, did you ano na. Heard the news? pinatapon daw si ano sa probinsya nila, yung nag cheat.” pag kkwento ni Summer.
“Kasi nag cheat siya” sambit ni Lucille at sinimulan nang kumain .
“Para raw mag tanda, feeling ko sa ugali niyang iyon, wala nang mababago.” naiiling na sambit ni Lucille, tumawa si Summer da sinabi ng kaibigan.
“Ewan ko ba sakanya, matalino naman siya pero ayaw niya talaga na may ahead sakanya kasi naiinis siya. Siguro dahil na rin sa kinalakihan niyang environment, still. It's not a free pass to cheat on every exams.” sambit ni Summer at ininuman ang g bubble tea.
“That’s true, she's still a cheater and she's proud that she have high grades, pity.” sambit ni Lucille, tumango si Summer.
“Mayabang siya, mapangutya ng kapwa estudyante niya na akala mo angat siya, angat lang naman siya sa grades niya kasi nag checheat siya.” naiiling na sambit ni Summer.
“I envy her thicked face though, the fact na mayabang siya.” sambit ni Lucille, tumawa si Summer sa sinabi ng kaibigan.
“Masalas ko siyang makitang may binubully, hindi ko lang masumbong sa'yo kasi pinag bantaan ako. Pero ayon nga, she's superior daw kasi nasa top three siya ng department namin.” sambit ni Summer habang tumatawa.
“Nakakahiya namang sa'yo na rank one talaga sa department niyo.” nang aasar na sambit ni Lucille, sumimangot si Summer.
“Ano ka ba? tsamba lang ’yan” sambit ni Summer, natawa ng malakas si Lucille dahil hindi totoong naka tsamba lang siya, dahil sa apat na taon nilang nag aaral sa school na ’to, hindi na naalis sa top one ng business department si Summer.
“Tsamba my ass” sambit ni Lucille, natawa si Summer.
“Hey it's true na tsamba lang” natatawang sambit ni Summer, ngumisi si Lucille sa kaibigan.
“Sa mag aapat na taon natin sa school na ’to Summer, hindi ako naniniwala sa salitang tsamba pagdating sa'yo. Hindi inutil ang mga nasa business department, halos lahat ng magagaling nandyan, tapos you managed to maintain three top one? come on, you're kidding me.” nang aasar na sambit ni Lucille.
“Girl, as if you're not the top one of your department” natatawang sambit ni Summer, lalong natawa si Lucille.
“Iyan ang hindi tsamba.” mayabang na sambit ni Lucille, pabiro namang hinila ni Summer ang buhok niya kaya sinamaan niya ng tingin ang dalaga na tumawa lang.