Louise Rey Alberto Isang araw na ang lumipas ng magising at makaalala ako nandito parin ako sa hospital kasi kelangan ko pa daw magpahinga para mas mabilis akong makarecover at ang ulo ko. Mula ng maalala ko ang nangyare ay bukambibig ko lagi ang pangalan ni Nate kahit pa nasa harap ko ang boyfriend ko na si Cristoff. Alam kong nasasaktan na siya dahil siya ang nasa tabi ko pero iba ang hinahanap ko. Our situation right now is complicated nakaalala nga ako pero may nasasaktan naman kahit naman na ganon ay mahalaga naman sa akin si Cristoff dahil kong hindi sa kanya ay wala na ako dito. Wala si Cristoff ngayon dahil may inaasikaso sa kompanya nila ito ang isa sa mga dahilan kong bakit kami umuwi dito sa Pilipinas. Kasalukuyan akong nag iisip isip ng magbukas ang pintuan