TUB Chapter 1 JOB Hunting

1494 Words
Irish POV  PAALIS na ako ng makita ko ang nakababatang kapatid ko. "Si mama Butchoy?" tanong ko sa nakababata kong kapatid na lalaki. "Andun po sa kusina, nagluluto po." sabi nito. "Sige, bantayan mo muna si Yolly ha!" turo ko naman sa bunso naming kapatid. "Sige Te, pero penge po muna akong baon." lahad ng kamay nito. "Ngek, Sige, teka." Kinapa ko naman yung bulsa ng pantalon ko para maghanap ng pera. "Ito, 25 pesos, mag-aral mabuti ha! Maghahanap lang si Ate ng trabaho para maibili ko kayo ni Yolly ng maraming Jawabii tsaka ice cream. Okay!" sabay gulo ko sa buhok nito. Tumango naman ito ng nakangiti. "Ahko din ahteh, pene perah, pleat." habol naman ni Yolly. Ningitian ko naman ito bago tumingin kay butchoy. "butchoy, bigyan mo muna si Yolly ng 5 piso para makabili siya ng gusto niya sa labas. Okay ba yun?" tanong ko dito. "Opo Ate." muling ngiti nito bago ibigay ang 5 piso kay Yolly. Maya-maya pa ay lumabas si Mama dala-dala ang pagkain na niluto nito para sa tanghalian. "Oh, Anak, aalis ka na agad? Mag-almusal ka muna oh." alok ni Mama. "Naku Ma, hindi na po. Magtanghali na rin at mahaba pa po ang byahe ko. Buti nalang at dumating na po kayo, kasi magpapaaalam na po akong umalis." paliwanag ko. "Anak, isang linggo ka nang ganyan kakahanap ng trabaho. Kumain ka muna bago umalis." lapit nito sa aakin. "Ma, para sa atin naman itong ginagawa ko kaya yakang-yaka lang ito." hawak ko sa balikat nito para mabawasan ang pag-aalala at lungkot na rumehistro sa mukha nito. "Haysss," buntong hininga nito. "Oh siya di naman kita mapipilit kung iyan ang gusto mo. Basta anak, mag-iingat ka ha, tumawag ka or magtext ka lang para masundo ka ng Papa mo sa kanto." pisil nito sa mga kamay ko. "Opo, Ma. Mag-iingat po ako." sabay yakap ko dito. "Oh butchoy, mag-aral mabuti ha. Ma, si Yolly bantayan yan, baka makalabas ng eskinita. Mahirap na at maraming sasakyan pag nakalabas yan." bilin ko dito bago lumabas sa pinto. Ningitian lang ako ni Mama at Um-oo naman ito. Dali-dali akong naglakad palabas ng eskinita para makapunta sa kanto at maghantay ng trycycle. Nang malapit na ako sa labasan ay biglang dumaan ang kaibigan kong si Bianca. "Woww akla, San ang punta? Bihis na bihis ah.!" ikot nito sa akin. "Naku Bes, Sa Ortigas lang ang punta ko, maghahanap ng trabaho." sabi ko dito. "Sus, madami naman trabaho dito sa Manila, Sabi ko naman sayo, sumama ka na lang sa trabaho ko eh. Malaki pa ang kita, tyak niyan ay pagpipilahan ka pa." ngitong titig nito sa akin.. "Bianca, alam mo naman na ayaw ko maging bayaran para lang sa pamilya ko. Tsaka mas magandang makahanap ng maayos na trabaho kaysa sa inaalok mo noh." seryosong titig ko dito. "Woah, Easy, sensya naman Bes, sayang lang kasi, Lam mo yun, Maganda ka tas matangkad pa. Sobrang sayang talaga. Promise." panghihinayang na sabi nito. "Kasi naman Bes, napakaganda naman ng suggestion mo. Doon tayo sa totoo Bes, tsaka parang di mo naman ako kilala, mas gugustuhin ko pa kumayod sa marangal na trabaho kaysa sa inaalok mo. Alam kong nakakahinayang pero NO." muling titig ko dito pero ningitian lang niya ako. "Yah, Yah, I know naman, di bale ganto na lang, samahan mo nalang ako mamaya pag-uwi mo ng marefresh naman yang mind mo. Puro finding job kasi lagi nasa utak mo kaya ka nagkakaganyan eh. Pati yung masayang araw ko naakalimutan mo na. Hmpp." hawak nito sa braso ko habang nilalagay ang relo sa kamay ko. "Sige, tutal Birthday mo naman eh, Ohh, Akala mo nakalimutan ko ha. Sige pagbibigyan kita. Tsaka Please lang Bianca, wala ng uulit pa." sabay tingin ko sa relo na hiniram ko sa kanya. "Naman, ikaw pa ba Bes, Oh siya, mag-ingat ka sa pupuntahan mo at ingatan mo yang relo, bigay pa naman ng sugar daddy ko yan." turo nito sa relo. "Oo, wag kang mag-alala, ikaw lang naman ang burara. Haha" tapik ko dito. "Whuyy, Pst, parang tanga toh. Hahahaa, wag kang maingay. Haha, Oh siya lumayas ka na nga baka kung ano pa masabi mo. Ingat ka nalang Bes. Babye." tulak nito sabay kaway. "Bye." kaway ko dito pabalik. Nakakaloka naman itong si Bianca wrong timing talaga lagi Hayss. Hindi naman kasi makakaila na may kagandahang tinatago si Bianca, yun nga lang nagtatrabaho sa club. Hayss. Agad na akong lumabas sa eskinita para mag-abang ng trycycle. Maya-maya ay biglang dumaan si Papa. "Oh nak, sumabay ka na pra hindi ka malate." alok nito sa akin na agad ko naman sinang-ayunan. Pagsakay ko sa likod ay nagsalita ito. "Maghahanap ka ba ulit ng trabaho?" tanong nito. "Opo, Pa, kailangan po eh, lumalaki na si butchoy tsaka next year grade 6 na siya kaya kailangan ko nang maghanap ulit ng trabaho." malungkot kong sabi. "Di bale nak, tutulungan naman kita. Papasada ako ng doble para makatulong sa lahat ng bayarin sa bahay at sa pagpapaaral kay butchoy." sabi nito. "Di bale din Pa, pagnakahanap ako ng stable na trabaho, iaalis ko na kayo nila Mama sa bahay. Titira tayo sa subdivision at di ka na magtatrabaho pa. Pangako yan." pangungumbinsi ko sa sarili habang nakatingin sa ulap. "Tama yan Nak, mangarap ka hanggang kaya mo, Alam ko naman na matutupad mo lahat ng pangarap mo. Ipagpatuloy mo lang para sa pamilya natin." sabi ni Papa sabay punas ng noo at mata nito. Di man alintana ay alam ko na naluluha na naman si Papa. Di lang niya pinapahalata na napapagod din ito. Binaybay namin ang Capulong St. sa Tondo para makapunta sa main road. Kaya pa naman para makahabol sa interview. Buti nalang 2pm pa ang sched ko for interview at 10:30 palang naman ng umaga. Agad narin naman akong nagpaalam kay papa dahil may dumaan naman na uv para makapunta sa taft avenue pero bahala na si batman basta ang mahalaga makapunta ako ng interview ng mas maaga. Saglit lang naman ang byahe kaya nakarating din ako sa taft avenue ng wala pang kumukuha sa relo ni Bianca. Haha Pagkatapos icheck ni Manong Guard yung gamit ko ay bumili na ako ng ticket para makapunta sa Ortigas. Pagbaba ko, doon ko nakita ang nagtataasang building. "OMG, here I am, again. Whoo. Goodluck self. For future!" Inuna ko muna ang interview sa isang kilalang call center sa buong Pilipinas. "Hi, Ma'am, We will call you after 6 months. Thank you." Nang marinig ko ito, Agad na tumamlay ang katawan ko but my face still smiling in front of them. Matapos kong makalabas sa building ay agad bumagsak ang mga balikat ko pero laban lang makakahanap din ako ng trabaho. Pangalawang attempt ko, ganun pa din. Tatlo, apat, lima hanggang sa maka walo ata akong call center ganun parin ang mga sinasabi. Inayos ko naman ang mga sagot ko. Haysss. Pagtingin ko sa relo ko. Mag-alas nuebe na ng gabi. Wala pa akong kain kaya napagdesisyunan ko na lang din na umuwi pero naalala ko birthday nga pala ni Bianca. Tsk muntik ko pang makalimutan ulit. Dadaan na lang siguro ako sa trabaho nito para ibigay ang cake. Kaya dumaan na muna ako sa bilihan ng cake para bilhan ito ng maliit na cake. Kilala ko naman si Bianca, kahit maliit ay naapreciate naman nito. Pagkatapos kong bumili ay umuwi narin naman ako dahil alam ko naman na gagabihin na din ako sa daan. Papunta narin ako sa trabaho ni Bianca. "Hi, Kuya Jeric, si Bianca po?" tanong ko sa Guard si Kuya Jeric. Guard ba o Bouncer, Ahh Bouncer ata siya dito hehehe. "Nasa Show room siya pero pwede ka ng pumasok." Kuya Jeric. "Sige po. Salamat po." tsaka ako pumasok sa loob. Agad na bumungad sa aking ang napakalakas na tunog at mga makukulay na ilaw. Namili na agad ako ng upuan sa gilid dahil di naman talaga ako sanay sa mga gantong lugar. Minsan na kasi akong nadala ni Bianca dito, nang makita ako ng Boss nila ay sinabihan agad ang mga Guard na papasukin ako if ever na may kailangan daw ako kaya simula nun. Ngayon palang ata ako nakakabalik. "Hi, Miss, You wanna drink?" Ani ng kumalabit sa akin at inaabot ang isang shot glass, pagtingin ko lalaki pala. "No, thanks." ngiti ko dito. "Dali na Miss ganda, One shot lang. It's free." kulit nito. "Hindi talaga pwede eh, thanks na lang." muling sabi ko dito. "Hey, Sir. Can I drink that?" sabay kuha ng babae sa likod ko sabay lagok sa alak. Pagtingin ko si Bianca pala. Napayakap naman ako bigla dito. "Thank you Bes.," tila pahikbi kong sabi. "Shhh, your safe now." hagod nito sa likod ko. "Hey, Ms. B, Madaya ka, para sa kanya yun, hindi sayo." maang nung lalaki habang tinuturo si Bianca. "Hala, sabi mo free naman, since ayaw niyang inumin. Ako na sasalo. Bye" sabay halik nito. Hinila naman niya ako palayo dun sa lalaki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD