Napahilamos nalang ako ng mukha at napabuntong hininga. I think I should accept the fact that it probably is effective. I look at the kitchen and stand preparing myself to walk in there... “Sett…” “Binubulong-bulong mo riyan?” Napalingon naman ako kay Revi na nakakunot ang noo habang nakatingin sa akin. “Wala” sagot ko saka nagpatuloy sa paglalakad papunta ng kusina. Nakita ko naman nakatalikod parin siya kaya nagdahan-dahan ako sa paglalakad palapit sa kaniya. Nang makalapit ako ay ipinuwesto ko iyong dalawa kong hintuturo sa may tagiliran niya at saka mabilis na tinusok iyon dahilan para mapabalikwas siya sa gulat. “Ahh!” gulat na sigaw ni Sett saka ako nilingon at tinignan ako nang masama. “Bakit?! Okay ka lang?!” kunyaring nagpapanic na tanong ko sa ka