Where are you? Napakunot naman ang ulo ko sa natanggap na text. Mabuti nalang at naka-vibrate ang phone ko dahil may klase pa kami ngayon. Subject pa naman ito ni Sir Pandak. Muli ko nang ibinalik iyong phone ko at hindi na ako nag-abala pang mag-reply kay Hater. Nangalumbaba ko nalang ibinalik ang atensyon ko sa batang panot na nagtuturo sa harap. "Okay, what do you think is matter? The matter is anything that occupies space and has a mass..." Naramdaman kong muli ang pag-vibrate ng phone sa pocket ko sa uniform skirt ko. Napatingin naman ang tingin ko sa katabi kong panay ang kain ng potato chips na nakatago sa bag niya at mabagal ang pagnguya para hindi marinig iyong maingay na tunog ng potato chips kapag nginuguya. Napangiti naman ako at marahang napa-iling.