Chapter 4

1861 Words
Nakatitig lamang si Akiko sa repleksyon niya sa salamin habang hinihintay ang mga oras. Suot niya ang dress na binili nila sa mall ni Heaven. Yesterday nang kunin nila ito sa patahian matapos niyang ipaayos at gawing cocktail dress. At natuwa siya sa kinalabasan. Hindi nagbago ang disenyo ng dress. Nagdagdag lang sa palda para mas maging balloon at hindi na maging hapit sa katawan. Nandoon parin ang slit na kita ang pusod niya. Labas din ang makinis niyang balikat dahil off-shoulder ito ngunit long sleeves at may ruffles sa dulo. Kulay gold ito katerno ng gold four inches stilleto na suot niya. Hindi na siya nagsuot pa ng stockings dahil ayon kay Heaven ay makinis naman daw ang balat niya. Habang ang buhok niya ay nakalugay lamang at kinulot ang laylayan. She wears also a pair of diamond earings and an infinity bracelet. She really looks so perfect! 'Yun nga lang ay wala siyang suot na kwintas. Hindi niya alam kung bakit hirap na hirap siyang humanap ng kwintas na babagay sakanya. Hindi niya hilig ang mga jewelries pero tila may hinahanap siya at hindi nga niya iyon natagpuan sa buong duration ng paghahanda nila sa prom. "Aki?" Dinig niyang tawag sakanya ng Nanay niya. Agad naman siyang tumalima at binuksan ang pinto ng kwarto niya. "Ang ganda-ganda mo, anak!" Bungad nito sakanya saka marahang hinaplos ang braso niya. "Syempre Nay, mana sa iyo!" Nakangiti niyang sambit na lalong i-kinangiti ng Nanay niya. Sabay silang naglakad palabas ng kwarto niya. Nakasalubong pa nila si Heaven na saktong kalalabas din ng kwarto nito at natuwa ng makita siya. "Ang ganda mo, Akiko!" "Mas maganda ka, Heaven!" Aniya na malakas nitong ikinatawa. Sabay-sabay silang tatlo na bumaba ng grand staircase at ganoon na lamang ang paglaho ng ngiti ni Akiko nang makita ang lima na naghihintay sa living room. Agad sinalubong ni Hunter si Heaven at masuyo pa itong hinalikan sa pisngi. Nakita niya rin doon sa single sofa ang Daddy ni Heaven na nakatingin lamang sakanila. Hindi naman lingid dito ang relasyon ni Heaven at Hunter dahil kilala naman ang pamilya ng huli ng Daddy ni Heaven. "Hi Aki!" Bati sakanya ni Homer. Agad naman siyang ngumiti. Sunod ay bumati din sakanya si RJ at Vin na nginitian naman niya. Nang dumako ang tingin niya kay Ivo ay hindi niya malaman kung bakit tila napatigil siya. Ang Ivo na kilala niya simula bata ay parang iba sa Ivo na kaharap niya ngayon. Maayos na nakasuklay ang buhok nito. Wala itong suot na salamin at guwapong-guwapo ito sa suot na black coat at black slacks pati narin ang black leather shoes. "Hi Aki..." Mahinang wika nito na umabot sa pandinig niya. Parang nahihiya pa itong tumingin sakanya dahil kung saan-saan naglalakbay ang paningin nito. "Tara na, Aki?" Kalabit sakanya ni Heaven na bahagya niyang ikinaigtad. Hindi niya napansin na kanina pa siya nakatitig kay Ivo at nauna na pala sila RJ sa van kung saan silang pito sasakay. Magkakasabay sila Hunter, Heaven, at Akiko na naglalakad patungo sa garage nang biglang kalabitin ng kaibigan si Aki saka ito bumulong. "Ang gwapo ni Ivo, diba?" Gulat na napatingin siya dito saka pasimpleng sinulyapan si Hunter kung narinig niya ba ang sinabi ng nobya. At nakahinga siya ng maluwag nang makitang seryoso itong nakatingin sa harapan. "Admit it, Aki! Nakita ko ang way ng pagtitig mo." Nang-aasar na wika pa nito. Hindi na lamang siya nagkomento at tahimik na sumunod sa dalawa, ngunit sa kaloob-looban niya ay nahihiya siya sa inakto kanina. Hindi niya alam kung anong nangyari at tila na-magnet siya sa istura ng binata, para bang nang-aakit ito lalo na nang nahihiya itong ngumiti sa kanya. Hanggang sa makarating sila sa school nila ay hindi na umimik si Akiko. Tanging ang limang binata lang ang ma-i-ingay sa loob ng duration ng biyahe nila. Bago pumasok sa entrada ng eskwelahan ay wala sa sariling napasulyap si Aki sa likod niya, at ganoon na lamang ang kanyang pagka-gulat nang makasalubong ang mga mata ni Ivo at matamis na ngumiti sakanya. Bigla ay muli siyang napatigil kasabay nang paglakas ng kabog ng dibdib niya na ibang-iba sa normal na pagtibok niyon. Hindi niya maintindihan ang nadarama. Sa huli ay pinili niyang mag-iwas na lamang ng tingin at nagpatuloy sa paglalakad. She shook her head and sighed saka naupo nang mahanap ang table na nakalaan para sa section nila. Muling napabuntong hininga si Akiko saka nakapalumbaba na nakatuon ang paningin sa gitna kung saan may mga sumasayaw na magka-pareha. Hindi pa nag-uumpisa ang programa ngunit mamaya-maya ay tatawagin na sila ng kanilang physical education teacher para sayawin ang pi-n-ractice nilang grand cotillion. Lalong kumabog ang dibdib niya nang maalala na kapareha niya pala doon si Ivo! Napaayos siya ng upo at napatingin sa kabilang mesa kung nasaan ang binata. Napabuntong hininga siya nang makitang abala ito sa pakikipag-usap kina Homer. Nang tawagin na ng emcee na nasa stage ang section nila matapos ang ilang speech ng principal ay agad silang tumayo at pumwesto sa gitna. Bigla ay nakaramdam ng pagka-ilang si Akiko nang makatapat niya si Ivo kasabay nang pagkabog na naman ng dibdib niya. Huminga siya ng malalim, at pagkatapos nito ay magpapa-check-up talaga siya dahil baka may problema na sa puso niya. Hindi niya napagtuunan ng pansin ang nangyayari sa paligid kaya nagulat siya nang hawakan ni Ivo ang kaliwang kamay niya gamit ang kanan nitong kamay. Dahan-dahan lumapit ito sakanya at nang bitawan nito ang kanyang kamay saka niya naramdaman ang malamig na bagay sa leeg niya. Napatingin siya dito saka wala sa sariling napahawak sa leeg niya. Hindi niya makita kung ano iyon ngunit nakaka-siguro siya na isa iyong kwintas! Akmang tatanungin niya sana ito nang kunin nito ang magkabila niyang kamay kasabay nang tunog ng musika. Napayuko na lamang siya at sumabay sa bawat galaw nito. Mabilis siyang nagtungo sa comfort room matapos ang kanilang pag-sasayaw. Agad siyang tumayo sa harapan ng malapad na salamin saka muling hinawakan ang kwintas na nasa leeg niya. Isa itong gold necklace na may love word na pendant. Hindi niya alam kung anong klaseng font iyon, ngunit pansin niyang kakaiba iyon. Mas lumapit pa siya sa salamin at pinaka-titigan ang kwintas, wala sa sariling napangiti siya. Unang beses na may nagbigay sakanya ng kwintas and knowing, Ivo na anak ng sikat na pharmaceutical company sa bansa ay masasabi niyang mahal iyon. Lahat naman kasi ng mga kaibigan niya ay mayayaman, kahit ang mga kaklase niya. Siya lang naman ang mahirap na napadpad sa magandang eskwelahan na ito at maswerte sa biyayang natatanggap mula sa Daddy ni Heaven. She sighed again saka lumabas na sa comfort room. Mabilis siyang naglakad pabalik sa mesa nila at nakita ang mga kaklase na kasalukuyang kumakain. "Saan ka galing, Aki? Kanina pa kita hinahanap." Biglang wika naman ni Heaven na mula sa gilid niya. Nilingon niya ito at nakitang may dala itong dalawang pinggan sa magkabila nitong kamay. "Kinuhaan na kita ng food. Okay lang ba?" Tanong pa nito. Nang tumango siya ay ngumiti ito saka iniabot sakanya ang pinggan. Sabay silang naupo ni Heaven at tahimik na kumain. Matapos kumain ay nawala na ang mga kasama niya sa mesa matapos yayain ito ng mga lalaking gusto silang makasayaw. Nakapalumbaba siyang pinanuod ang mga iyon at napabuntong hininga. Nagpalinga-linga siya sa paligid at nakitang tanging siya lamang ang nag-iisang babae na nakaupo. Ngunit, hindi niya iyon ininda at pabor pa iyon sakanya. Ayaw niya ring tumayo at makisayaw sa mga ito, lalo na sa mga kaklase niyang lalaki na mga bully at baka masapak pa niya sa gitna kapag inasar siya. Hindi din naman siyang umaasa na i-sasayaw siya nang kahit sino man kina Homer, alam naman niya kasing hindi siya ganoon kalapit sa mga ito at kinakausap lang siya dahil kay Heaven. Si Heaven. Hinanap niya ang kaibigan at nakita itong masayang-masaya na kasayaw ang boyfriend nitong si Hunter. Kanina pa sila nandoon. Nakita na niya ang ilan na nagpalit ng kapareha ngunit nanatili parin ang dalawa doon sa gitna. Hindi ba sila napapagod? Tanong niya sa sarili. Umayos siya ng upo at sumandal sa upuan. Kinuha niya ang cellphone sa pouch saka inilabas ang earphones. Matapos ikabit iyon sa phone niya ay namimili siya ng kanta nang bigla niyang maramdaman ang pag-upo ng kung sino sa harapan niya. Automatiko siyang napa-angat ng tingin at ganoon na lamang ang pagkabog ng dibdib niya nang mapagsino ito. "Ivo?" Gulat na sambit niya. "Pwede ka bang makasayaw, Akiko?" Tila nahihiyang tanong nito. Napakunot-noo siya at napatitig dito. Hindi maproseso ng isipan niya ang sinabi nito. "Ano?" Tanong niya. Nakita niyang huminga ng malalim si Ivo sa diretso siyang tinignan. "Pwede ko bang makasayaw ang magandang babae na nasa harapan ko ngayon?" Sabi nito saka lahad ng kamay sa harapan niya. Wala sa sariling na-i-lapag niya ang cellphone sa mesa. At parang may sariling utak ang kamay niya nang gumalaw iyon at ipatong sa kamay ni Ivo. Napangiti naman ang binata dahil doon saka siya hinila patayo. Hindi malaman ni Akiko kung bakit ganito ang nararamdaman niya sa tuwing malapit si Ivo sakanya. Nag-umpisa lamang ito kanina nang makita niya ang ayos nito. Dati-rati naman ay parang normal lang sakanya ang lahat. Kaya bakit siya naiilang sa lapit nilang dalawa sa isa't-isa? At bakit parang kinakabahan siya at ramdam na ramdam niya ang mga kamay nitong nakadantay sa bewang niya, ang mga kamay niyang nakapatong sa balikat nito, habang dahan-dahan silang sumasayaw. "Ang ganda mo, Akiko..." Dinig niyang wika nito. Mula sa pagkakayuko ay nag-angat siya ng tingin dito, at muli ay hindi na naman niya maalis ang paningin dito. Bahagya itong nag-iwas ng tingin sakanya at nang sundan niya ang tingin nito ay nakita niyang sumulyap ito sa mesa kung nasaan sina Homer. Nakita niya ang pag-senyas ni Vin. Tumango naman dito si Ivo saka i-binalik ang tingin sakanya. Huminga ito ng malalim saka marahang pinisil ang bewang niya. Bahagya din itong lumunok bago magsalita, "Liligawan sana kita, Akiko..." Ang kaninang pagkabog ng puso niya ay tila dumoble. Hindi niya alam ang dapat i-react pero pinilit niya ang sarili na hindi kumibo at nanatiling nakatitig dito. "Alam ko ang mga priorities mo sa buhay, Aki. Alam kong marami ka pang pangarap para sa inyo ng parents mo. At alam ko din na wala pa sa isip mo ang mag-boyfriend..." "...pero handa akong maghintay. Para sa iyo, Akiko. Naniniwala kasi akong mahalaga at espesyal ka kaya hihintayin kita. Kahit gaano pa katagal. Kahit umabot pa ng pagtanda natin..." Napigil niya ang pag-hinga sa narinig. Kumurap-kurap pa siya saka muli itong tinignan. Kitang-kita niya ang kaseryosohan sa mukha ng binata. ...at hindi niya alam ang dapat sabihin dito. "Wala pa akong masyadong kaalaman sa pagmamahal pero alam ko na gusto kita. Noon pa...at handa akong gawin ang lahat, magustuhan mo lang."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD