Two months had passed at hindi na niya muling nakita ang binata. Pinilit niyang magpokus sa mga importanteng bagay gaya ng trabaho at pag-aaral niya kesa isipin ang isang Primitivo Angeles na walang ginawa kundi paasahin siya! Dapat ay hindi na lamang ito nagpakita sakanya kung aalis din naman pala ng walang paalam! Umasa na naman tuloy siya na gusto parin siya ni Ivo gaya ng sinabi nito sakanya noong prom nila. Ginulo na naman nito ang dapat sanang tahimik na niyang buhay! Akiko heavily sighed. Nawala sa isipan niya ang hawak na baso kaya dumulas iyon sa kamay at nabasag iyon. Taranta siyang lumuhod para linisin dahil nakuha niya ang atensyon ng mga costumer nila. "Sorry po. Pasensya na po.." Aniya habang isa-isang pinupulot ang mga piraso ng nabasag. "Bitawan mo, Akiko. Baka masuga