Mali man ang gumamit ng ibang babae upang makalimot mula sa unang pag-ibig ay iyon pa rin ang piniling gawin ni Silver Lincoln. Halos tapusin na niya ang buhay niya para lamang hindi na niya maramdaman pa ang tindi ng sakit nang pagkawasak ng puso niya.
At sa pagkakataon namang ito ay bigla na lamang dumating sa buhay niya si Alleigh de Leon na pareho niyang nasawi sa pag-ibig.
Nakilala ni Silver si Alleigh sa isang bar matapos ang araw ng kasal ng babaeng minahal niya ng napakahabang panahon. Pareho silang lasing at naglabas ng sama ng loob sa isa't isa noong gabing iyon hanggang sa magkapalagayan sila ng loob.
Dahil na rin sa kalasingan at sa kagustuhang makalimot sa nawasak nilang mga puso ay nauwi sila sa mainit na pagtatalik noong gabing iyon. Hanggang sa nasundan pa ito ng maraming beses.
Naging gamot na nila ang isa't isa sa pagdaan ng mga araw, linggo at buwan. Hinahanap-hanap na ni Silver si Alleigh kahit hindi pa niya kilala ang buong pagkatao ng dalaga.
Ngunit paano kung isang sikreto ang bigla na lamang mabunyag at siyang magpagimbal sa kanya?
Magagawa ba niya itong tanggapin kung sa una pa lang, alam na niyang ginamit niya lang din ang dalaga? Magagawa ba itong talunin ng pag-ibig na tuluyan nang nabuo sa paglipas ng panahon.