Chapter 2

536 Words
ANONG ginagawa niya rito? Bakit bigla nalang siyang sumulpot? Saan siya nanggaling? Nasa fiesta lang siya kanina ah. Sunod-sunod na tanong ng isip ko habang namimilog ang mga mata kong nakatitig sa guwapong estranghero. Hindi ko namamalayang napatutop ako sa aking bibig. Parang nag-short circuit ang utak ko habang nakatingin sa tagapagligtas ko. Saglit lang na natulala si Sid sa biglang pagsulpot ng estranghero. Mabilis siyang tumayo at hinarap ang lalaki. “Gago ka ah! Bakit mo ginawa ‘yun?!” makikipag-away nang singhal ni Sid dito. Bakas na bakas sa mukha niya ang matinding galit. Walang katakot-takot na hinarap ng estranghero ang ex-boyfriend ko. Nang magtapat ang dalawa ay nagmukhang kawawa si Sid. Matangkad na siya sa taas na limang talampakan at walong pulgada subalit di hamak na mas matangkad ang tigapagligtas ko at aura palang nito ay talagang matatakot ka na. Malayong-malayo ang aura nito kaninang pinagmamasdan ko siya sa plaza. Guwapo pa rin ito at apektado pa rin ako sa karismang taglay nito. Pero wala itong kangiti-ngiti nang mga sandaling iyon. Para pa itong mananakit kung makatingin kay Sid. Sa tingin ko nga ay mas lalo pa itong gumuwapo kahit na nakakaintimidate ang itsura nito. “Hindi mo ba narinig ang sinabi ko kanina? Umalis ka na dito kung ayaw mong mabangasan ko ‘yang pagmumukha mo!” bagamat malumanay ay may diing wika nito kay Sid. Sa halip na matakot ay lalong nagalit si Sid. “Tang’na mo! Wala kang pakialam sa amin! Huwag kang pakialamero!” kasabay niyon ay sumugod si Sid sa lalaki. Pero bago pa siya makasuntok ay tila wala lang na umiwas ang estranghero. Dahilan upang muntikan nanaman siyang sumubsob. “Ang kapal ng mukha mong manakit ng babae. Lampa ka naman pala.” Nakakalokong pahayag ng lalaki. Kumawala ang malulutong na mura mula kay Sid. Habang ako ay parang tuod na nanonood nalang sa nangyayari sa kanilang dalawa. Ilang beses na sinubukang saktan ng ex-boyfriend ko ang lalaki pero parang nilalaro lang iyon ng huli. Kaya mas lalong nainis ang una. “Nagsasawa na akong makipaglaro sa iyo. Kailangan mo ng umuwi.” anang estranghero. Pagkatapos niyon ay mabilis nitong pinigilan ang kamao ni Sid na dapat ay tatama dito. Saka ito nagpakawala ng isang malakas na suntok sa sikmura nito. Hindi yata inaasahan ni Sid ang malakas na puwersa, bumagsak ito sa lupa tutop ang tiyan. Dinig naming dalawa ng estranghero ang malakas nitong atungal. Muling nagpakawala si Sid ng malulutong na mura hanggang sa makatayo siya. Pero hindi na siya nagtangkang lumapit sa amin. Sa halip ay nanlilisik ang mga matang tiningnan niya ako. “Hindi pa ako tapos sa iyo Lucy. Babalikan kita. Tandaan mo ‘yan. Akin ka lang.” pagbabanta pa niya sa akin. Pagkatapos ay umalis na. Hahabol pa sana ang estranghero pero naging awtomatiko ang pagpigil ko sa kanya. “Sandali!” humawak ako sa isang braso niya kaya napatigil siya. HELLO PO! ANG KABUUAN NG CHAPTER AY MAPAPANOOD PO SA AKING YOUTUBE CHANNEL - D' ODYSSEY STORIES. BASA NA PO. PLEASE SUBSCRIBE NA RIN PO SILA AT PINDUTIN ANG BELL BUTTON PARA UPDATED SA MGA NEW POST AND UPDATES. HUWAG PO NILANG KALIMUTANG MAG-LIKE AT COMMENT. MARAMING SALAMAT PO!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD