Drew Hindi ko alam kung paano ako nakauwi ng bahay. Pero kasabay ng pagbukas ko ng pinto sa kuwarto ko ay nakatanggap ako ng tawag mula sa Guidance Office ng school. Nakapasa ako sa huling screening. Pinagpapasa na kami ng requirements within the week. By the end of the month, makakaalis na papuntang London ang mga may passport na dahil Student Visa na lang ang kailangan. At within this month na rin darating ang limang Student Visa para sa limang estudyanteng masuwerteng nakapasa sa screening. Wow. Parang hindi ako makapaniwala. Kinurot-kurot ko ang sarili para masigurong hindi ako nananaginip. Aba masakit, hindi nga panaginip! But first, kailangan kong makausap ang mga magulang ko tungkol dito. Wala silang kaalam-alam sa application ko. Hindi ko naman kasi inasahan na makakapasa ako.