Drew Sa wakas ay natapos ko na rin ang kailangan kong gawin sa library, thanks to Troy's help. Siya ang nagproof read ng mga natatapos kong parts ng paper ko which is due two days from now. Encode na lang sa computer and then print and it's good to go. Nagsimula na akong magligpit ng mga gamit. Pinapanood lang ako ni Troy, nasa kanya na uli ang ipod na ipinahiram niya sa akin kanina. Pagkatapos ko tinapunan ko sya ng isang tipid na ngiti, a little bit uncertain how to proceed next. "May klase ka pa?" tanong niya sa akin. Umiling lang ako. "Uwi na ako. Kailangan kong ma-encode ito at maprint nang makapagpahinga na rin. Masakit na batok ko." "I see. Tara." Sabay kaming lumabas pagkatapos makuha mula sa baggage counter ang mga bag namin. Napatigil kaming pareho sa labas ng library. I ad