Drew "About damned time for what?" litong tanong ko sa kanya. Bumalik siya sa kinauupuan niya, hindi pa rin nawawala ang tila nakakalokong ngiti nito. "About time for you to be real." "Bakit, plastic ba ako sa paningin mo?" "I am not referring to that. Nagtapat ka na sa akin, nililigawan mo na ako at lahat-lahat pero in denial ka pa rin dyan sa kaloob-looban mo. And that's what makes you uncomfortable dahil naglalaban ang isang bahagi ng utak mo tungkol sa gusto mong gawin, that's what makes me pissed. I mean, I never knew you to be a hypocrite." Napaisip naman ako sa sinabi ni Troy. In denial daw ako? I tried back tracking. Then I realized oo nga, tama ito. In denial nga ako. Denial pala tawag doon. Hindi ko mapangalanan noong una, kung hindi pa sinabi ni Troy ay hindi ko marerecogni