"Kuya..."
"Kuya.."
Someone tugged the hem of Alfonso's shirt. Hindi niya iyon pinansin at nag-focus lang sa mukha ni Heaven. 'Almost, konti nalang.'
He almost kissed her when she suddenly kneeled down on the side.
"Hi," bati ni Heaven sa batang nasa harapan niya. Madungis ito at butas butas na ang damit. Nakalahad ang kamay nito sa kanya.
"Ate, palimos po," nagmamakaawang sambit nito. Ngumiti dito si Heaven bago abutin ang purse at kumuha ng pera nang pinigilan siya ni Alfonso.
"Let me," saad nito. He discovered another side of her. Mabait naman pala ang babaeng ito lalo na sa mga bata.
Heaven shakes her head pero naunahan na siya ni Alfonso na mag-abot ng pera sa bata. It was a one thousand pesos. Ngumiti ang bata kay Alfonso. "Salamat po!"
Tumango dito si Alfonso, "Sige na, sinira mo diskarte ko, eh," bored niyang sagot sa bata. Heaven slapped his arms kaya tumingin siya dito at ngumiti ng parang bata.
"Yes, baby?" He asked innocently. Heaven rolled her eyes saka naunang pumasok sa sasakyan.
Alfonso chuckles bago sumunod dito. He went inside the car and started the engine.
-----
Maaga pa lang ay nasa kompanya na si Heaven. Marami na kaagad ang mga trabaho na gagawin niya. Lahat ng empleyado ay busy maging ang kanilang pagkain o kape ay hindi na nagagalaw. Si Alfonso naman ay busy sa papeles na naka-stock sa mesa nito. She diverted her eyes nang maalala ang nangyari kahapon. Muntik na magdikit ang mga labi nila.
"Heaven?"
"Heaven?" Heaven immediately look towards her boss na nakakunot ang noo sa kanya.
"Bakit?"
"Kanina pa kita tinatawag. Are you okay?"
"Ah, okay lang," she said, then laughed awkwardly. Naman! Bakit niya ba kasi naalala 'yon?
"Your face is red. Sigurado ka bang okay ka lang?"
Hinawakan ni Heaven ang mukha niya 'tsaka kinuha ang salamin sa bag. Gosh! Namumula nga siya!
Agad siyang bumaling kay Alfonso, ngunit hindi siya makatingin dito. "Uhm, naiinitan kasi ako," palusot niya. Sana nga maniwala ang lalaking 'to.
Alfonso grabs a remote at itinutok ito sa aircon. He decreases the temperature bago ulit tumingin kay Heaven, "Hindi ka na naiinitan?"
Heaven gaped at him. Naniwala nga. Tumango siya ng mabilis dito, "Oo. Salamat."
She went back to her desk and sighed in relief. Okay, Heaven 'wag mo ng isipin 'yon. You need to focus on your work. Tama don't mind it. Mabuti nga at hindi ka nahalikan.
At exactly three o'clock in the afternoon. Heaven decided to take a break. She is hungry dahil sa maraming tinapos na trabaho. Uh! Feeling niya nakamagnet na ang pwet niya sa upuan nito. She massage her neck and grab her things to went down the dining hall.
"Where are you going?" Alfonso asked when he saw her standing up and walked.
"I'm gonna take a break?" Heaven answered unsure of what she said. Bawal ba?
"No. Dito ka lang magpapadala na lang ako ng pagkain dito sa taas. You don't need to go down. Marami pa tayong tinatapos," sagot ni Alfonso and pointed his finger on the sofa, telling Heaven to just sit down and wait for the food to arrive. Heaven groans pero sinunod din naman si Alfonso. Okay na din 'yon, at least hindi na siya mahihirapan pabalik sa taas. Ilang minuto pa ay dumating na ang pagkain nila. Dali-dali niyang kinuha ang mga ito at inilapag sa mesa. Alfonso shook his head with a smirk on his face. Gutom na gutom ang baby niya.
"Hindi mo ako sasaluhan sa pagkain?" Heaven asked when she turned to Alfonso. Hindi ba ito nagugutom? Masama ang sobrang sobsob sa trabaho. Work is life, but food is lifer.
Tumayo si Alfonso at tumabi sa dalaga. She made a face when Alfonso sat beside her. Pwede naman sa harap niya. Bahala na nga ito.
Pagkatapos kumain ay nagsalita si Alfonso.
"Prepare later. May pupuntahan tayong engagement party."
"Hah? I don't have a dress. You should've told me earlier para nakahanda ako," Heaven grumble.
"Don't worry. I already prepared your dress. Wala ka ng problema doon. You will be my date tonight."
She already have a dress? Paano? Nasaan? Binalewala niya nalang ito dahil mukhang ready naman si Alfonso para mamayang event.
Pagkauwi niya sa condo ay nakita niya ang isang evening gown na nakalapag sa higaan niya. Teka! Paanong may nakapasok sa loob ng unit niya? She should contact the security personnel regarding this matter. Maya maya ay tumunog ang cellphone niya. She fetched it inside her bag at nakitang galing kay Alfonso ang text message. She opened it and read the text.
From: Alfonso
Sorry for breaking into your room. Anyway, did you like the gown?
She scowled. Ito pala ang taong pumasok sa unit niya, porket ito ang may-ari ng condominium. She replied.
To: Alfonso
Yep. Thanks! Don't do this again or I will make a report.
Heaven went to the bathroom para maglinis ng katawan, she wore the robe then went back to her bedroom.
She examines her gown. It was a trumpet long gown in a color of midnight blue. Isinuot niya ito at hindi inaasahan na nagkasya ito sa kanya. It really fits her body. Napangiti siya. Sunod ay inayos niya ang buhok. She tied it into a simple side updo hairstyle. She looked at herself in the mirror. Okay, kaunting make up na lang ang kulang.
A sudden knock startles her. Nangunot ang noo niya at lumabas sa kwarto para tingnan kung sino ito. She rolled her eyes, it was her best friend. Ang lapit ng mukha nito sa camera.
She opened the door and was surprised to see her in an evening gown dress.
"Good evening, Langit!" nakangiting bati ni Luxuria kay Heaven.
"Sa'n ang punta mo?" Heaven asked her and looked at Luxuria from head to toe.
"Hindi lang naman ikaw ang invited. I'm going, too!" Napangiti na lang si Heaven dahil sa itsura ng best friend. She was about to speak when she noticed a man on the wall leaning, on the other side.
Luxuria teasingly smile. Maiwan niya na muna ang dalawa.
"Okay, Heaven I'll leave na baka dumating na ang date ko," paalam nito at lumakad na parang nasa runaway.
Alfonso went to Heaven's side then dipping down his head, he said huskily, "You're gorgeous, baby."