Yurielainne’s P.O.V ANG lapad ng pagkakangiti ko habang pinagmamasdan ko si Teo na mahimbing na natutulog sa lapag. Hindi ko talaga siya napilit na matulog sa tabi ko. Hindi naisip na ang isang Bad boy na katulad ni Teo ay mataas ang respeto sa babae. Kaya niyang magkontrol kahit na nga may Diyosa kagaya ko ang nasa harapan niya. Pinagmasdan ko siyang maiigi parang gusto ko siyang pugpugin ng halik napadako kasi ang mga mata ko sa mapula niyang labi. Bigla tuloy akong nakaramdam ng pagka-uhaw. “Mas guwapo ka at mukhang mabait ka pala kapag natutulog.” Hindi ko napigilan ang sarili kong tumabi sa kanya at niyakap ko siya habang nakatitig ako sa mukha niya. “Ano kayang magiging reaksyon niya kapag nagising siyang katabi niya ako. Siguradong mapapamura ‘yon sa asar sa ‘kin. Napangiti ako