Carmen POV Kahit labag sa akin ang pagpayag sa condo niya ako tumira, wala naman akong magagawa para tumanggi. Delikado raw sa akin na mag-isa at bumibiyahe pa. Sabi niya wala naman daw tumitira sa condo na niya. Malapit lang ito sa opisina ni Sir Henry puwedeng lakarin. Napatingin ako sa paligid ng makapasok na kami sa loob ng condo. Very spacious ang lugar. Simple lang ang design parang ang linis tingnan. " Here's your room." iginiya niya ako sa isang kuwarto. May isang malaking kama at puti ang pintura ng wall. Umupo ako sa kama. Dinama ng palad ko ang lambot ng kutson. Napahawak ako sa tiyan ko. " Are you alright honey?" napatingin ako kay Sir Henry nang tumabi siya sa akin. Hinawakan niya ang tiyan ko. Nakakapanibago ang tawag niya sa akin. Hindi naman niya ako nobya pero honey an