Kabuwanan ko na. Nasa ika -iyam na buwan na ang tiyan ko. Baka one of these days lumabas na ang kambal ko. Nahihirapan na akong maglakad dahil sa bigat ng mga babies ko. Sobrang alaga sa akin ni Daddy. Palagi kaming nagkakausap ni Mama through skype kaya hindi na ako nalulungkot. Si Daddy ay mayroong business na itinayo dito sa Greece. Hindi ko akalaing ganoon pala kayaman ang aking tunay na ama. Nasa opisina siya ngayon at si Dylan ay nasa school. Kaya naiwan akong mag-isa sa bahay. Inopen ko ang laptop para manood ng mga news about sa nangyayari sa Pilipinas. Miss ko na ang mga pagkaing Pinoy. May nakapukaw ng atensyon ko sa isang news. Parang familiar sa akin ang nasa picture. Inopen ko iyon para malaman kung siya nga iyon. Nanlaki ang mata ko nang mabasa ang pangalan. " Zoe Herna