4

1643 Words
“Okay, so ito ang next event mo, bukas ng tanghali yan, don’t worry, I recommended you, and kahit wala ako sa event, nandon naman si Liza, you knew her, right?” tumango lang ako sa sinasabi ni Ana. “Then, I’ll see you later?” ngumiti sya at tumango bago humalik sa pisngi ko, “I’ll call you when I got to the venue tomorrow,” Hindi nakaligtas sa mga mata ko ang pagtaas ng kilay nya, “Why would you call me tomorrow? Call me when you got to the hospital, bitch.” Tumawa lang ako at marahan siyang itinulak, ngumisi lang sya at nag wave bago tuluyan sumakay sa sasakyan niya. Naiwan ako sa restaurant kung saan kami nagkita, I sip on my glass of wine before grabbing the envelope. “Now, what do we have here,” binuksan ko ang envelope na binigay ni Ana, nandito ang list ng songs, kung saan part ko sya dapat kantahin, at kung gaano katagal ko ito dapat kantahin, sa nexrt page nakalagay ang mismong event, para siguro masabayan ko rin, nine am ang call time para sa amin, kahit one o’clock pa ang mismong wedding. What caught my attention is that, I can choose one song for their first dance as married couple, hindi ko napigilan na mapangiti, ito ang gusto ko sa pagiging event singer, binibigyan ako ng freedom na pumili ng gusto ko kantahin para sa oras na yon. “Eli?” agad na nag angat ako ng tingin nang marinig ang isang pamilyar na boses na di kalayuan, “I knew it was you! Buhok mo pa lang alam ko nang ikaw yan!” I was too stunned to speak, “How are you, after the, you know,” my ex-boyfriend, Gabriel, I’m too stunned to speak for the reason that, my body instantly whisper to me that I should punch him right straight to his face, “The break up, I see, you cut your long hair short, I heard that’s every other girls way to move on from their heartache.” Huminga ako ng malalim at pinigilan ang bibig ko na magsalita nang bagay na pwede ko pagsisihan sa dulo, baka ngumawa pa to, pag nagsalita ako. “Gab, hello,” napansin ko na nakatitig sya sakin mula ulo hanggang talampakan, ano nanaman kay problema ng isa na to? “Okay lang, well, nabibigatan na ko sa mahabang buhok, kaya ako nagpaputol,” sagot ko, pero parang hindi naman sya naniniwala, well, ano ba pakielam ko kung hindi sya maniwala? “Really?” his voice was mocking me, “Good for you then, kamusta ka na pala? Are you still you know, poor, luckily, you know what, after our break up, I found the real woman for me,” hindi naman ako tanga para hindi malaman kung ano ang ibig nya sabihin, “She’s a financial manager in Spencer company, I bet you don’t have any idea about it.” Ngumiti lang ako habang nakatingin sa kanya, the more I look at him, the more I realized na higit sa amin dalawa, ako ang pinaka swerte sa paghihiwalay namin, I never knew he can be as asshole as he is right now, he’s a simple and kind guy when I met him. “Oh, she’ll be here any minute now,” sabi niya at tumingin sa rolex niya, halata naman na itinaas lang niya ito para ipagyabang sa sakin, kulang na lang isampal niya sakin na mas nakakaangat sya sa buhay nya ng kaunti, he thought, I envy him? I actually don’t care, I’m not even bothered, “Oh, she’s here,” itinaas niya ang kamay niya at marahan na kumaway sa likod ko, naamoy ko ang matapang na amoy ng pabango na dumaan sa gilid ko, muntik pa ko masuka, “Hi babe.” Sandali ko na pinasadahan ng tingin ang babae, I know, he won’t pick any kind of girl, gusto nya lagi may pakinabang sa kanya, I’m not jealous, but his new girl is worth flaunting for, she’s a beauty. “Hey, who’s this?” she said, nakataas pa ang kilay at tinignan ako mula ulo hanggang talampakan na akala mo ikinaganda nya yon, “Crazy ex?” “Uhm,” wow, ang kapal ng mukha ng lalaki na to sumagot ng uhm na akala mo may utak talaga sya para mag isip ng malalim, “Nah, we just ran to each other, schoolmate ko sya, tinulungan ko sya sa maraming bagay dati, I almost became the reason that she graduated.” I look at him with disbelief, sorry, pero ano daw? Parang baliktad yata, parang sya yata ang naka graduate dahil sa tulong ko, ako ang gumawa ng projects, thesis at final output nya. “I know right, alam ko naman na matulungin ka babe, lalo na sa nangangailangan,” Bagay nga sila, parehas silang matapobre, sana sila na lang ang magsama habang buhay at wag na sila manggulo ng ibang tao at relasyon. “Uh, yes, nice meeting you again, Gab, I’ll go ahead,” tumango lang sila habang nakangisi, “And, I do hope, kayo na talaga hanggang sad ulo, wag na kayo mag hihiwalay.” Sabi ko aty nilayasan sila parehas, marami akong kaya ipag yabang sa mukha nila, pero hindi ko ginawa, magsasayang lang ako ng laway sa aknilang dalawa, wala naman akong mapapala, pag nakipag talo at nakipag kumpetensya ako sa kanilang dalawa. Nakakastress talaga. --------- “Thank you so much, sobrang ganda ng huling song mo, Miss Eli,” ngumiti ako at tinanggap ang nakalahad na kamay ng bride, ang groom naman niya ay nakangiti lang, kita sa mga mata nil ana masaya sila sa araw nil ana ito, tama si Ana, it’s a wedding na kahit ako, gusto ko maranasan, they are both lucky to have each other. “My pleasure, consider that as my wedding gift,” tumango sila pareho at inalok ako na kumain, which I accepted, I’m hungry as f**k, well, I’m famished. Kumuha lang ako ng sapat para sa akin, bago umupo sa isang empty table, wala si Ana, pero tinawagan nya ko kanina para kamustahin, may out of the country meeting sya, dahil may investor sya na kailangan i-meet. “Is this seat taken?” ani ng isang boses sa harapan ko, may hawak siyang wine at nakasuot ng three-piece suit, gaya ng iba. Hindi ko na sya masyadong natitigan dahil hindi naman ako interesado. “No,” maikling sagot ko at itinuloy na ang dinner ko, tahimik siyang umupo sa tabi ko, apat na upuan ang meron sa bawat table, may isang upuan ang pagitan namin, amoy na amoy ko ang pabango nya, Ocean, I bet that’s his perfume, I’m quite familiar with that scent. “These goddamn greedy businessmen’s,” narinig ko na bulong niya habang tumitingin sa paligid, hindi ko naman pinansijn yon, baka sabihin, chismosa pa ko. Matapos ko kumain ay tumayo na rin ako at nag paalam na sa mag asawa na mauuna na ko, dumiretso muna ko sa rest room para magpalit ng damit, naka dress ako, at ayoko pumunta sa ospital nan aka ganito pa, hindi naman ako ganon kasanay sa pagsusuot ng mga dress. Nang malapit na ako bumaba sa ospital ay tsaka naman pag pasok ng tawga ni Ana, walang dalawang Segundo ko itong sinagot, “Ana,” “Giiiiirl!” tili niya, kaya medyo nilayo ko ang cellphone sa tainga ko, “I have a super duper ultra mega mega good news for you!” “Ano naman yang super duper ultra mega mega good news mo?” sagot ko at hindi napigilan na matawa sa kanya. I heard her scoff, “Whatever, anyway! Remember, inaaya kita mag vacay, but you refuse, I received a call from an old friend of mine, her brother is getting married next week, and she was inviting me, the good thing is, makakasama ka!” I sighed, ang kulit talaga ng babae na to, “I know, I know, sasabihin mo nanaman na hindi pwede kasi you’re working, right? I know that, pero you must come with me, they are looking for a wedding singer, and of course, you’re pretty best friend recommended you, and nag agree sila agad!” Biglang nagliwanag ang mukha ko dahil sa sinabi niya, a new job? “Magkano daw ang fee na pwede ko makuha, baka naman lugi pa ko?” hindi ako nahihiya itanong yon, si Ana naman ang kausap ko, she’ll be the last person who would judge me based on my questions. “About seventy thousand, for three days, isn’t that enough for tita’s medicine and bills? Plus the fact that you can enjoy while working, how was that?” Tumango ako, at di napigilan na mapangiti, I can enjoy while earning, sino ang may ayaw non? “Hindi pa don natatapos ang good news ko,” tumili si Ana sa kabilang linya, kaya tuluyan na akong natawa, she’s always like that, at asahan mo na sobrang ganda ng balita na dala niya pag ganon, “The wedding wedding, guess where is it,” “I have no idea, Ana, do me a favor and tell me,” sagot ko habang naglalakad papunta sa kwarto ni mama, nasa bahay ang mga kapatid ko ngayon, nandito sila kapag may raket ako, uuwi na lang sila pag gabi na, dahil alam nil ana parating na ko, dahil may mga pasok sila sa school. “Elysian Island,” kusang huminto ang mga paa ko sa paglalakad at sandalling natulala nang marinig ko ang sinabi niya na lugar, “Your dream destination Eli, you have the chance to see it face to face.” My mind went blank, that’s the place I always wanted to go, simula bata ako. “Sooo, are you coming?” “b***h, who wouldn’t?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD