IYA POV
Kinabukasan maaga ako gumising dahil pupunta ako sa bahay ng kaibigan ko upang kamustahin sya.
"Mahal, tapos ka na ba? Dyan?" tanong ko sa asawa ko.
Kanina pa kasi sya sa loob ng kwarto nauna pa ata ako sa kanya nagbihis.
"Sorry mahal tumawag kasi si boss na kailangan ko na raw pumunta ngayon.
Hindi kita mahahatid sa bahay ng kaibigan mo, pero susunduin kiya mamaya okay," pahayag nya sa akin sabay halik sa halik sa labi ko.
"Rico," tawag ko sa' asawa ko. Ngunit hindi man lang lumingon sa akin.
"Bakit ganun sya, sa akin mukha may nagbago sa' asawa ko," saad ng isip ko.
Isiniwalang bahala ko na lang baka kailangan na sya ng amo nya. Mahirap pa naman walang traho ngayon.
Sumakay ako ng Jeep hindi na ako nag taxi dahil ang mahal.
Habang tumatagal wala na kaming oras sa isa't- isa ng asawa ko.
Hindi ko namalayan nandito na pala ako.
"Kuya, ito po, ang bayad ko?" magalang na sabi ko sa lalaki.
Binalik nya sa akin ang sukli ko.
Naglakad pa, ako papasok sa loob.
Maya-maya nakarating ako sa harap ng bahay ni Rita.
Tumatok muna ako tanda ng pagrespeto ko.
Kahit sa opisina bawal pumasok na hindi muna kumatakot.
Tok! Tok! Tok!.
"Sino yan?" rinig kong boses ng nanay ni Rita.
"Tita ako po, ito si Iya," sagod ko sa ginang.
" Oh Iya, ikaw pala pasok ka? " saad nya sa akin.
" Tita, saan po, si Rita, nga pala ito po, may dala ako," muling sabi ko sa ginang.
" Nasa kwarto nya, Iya. Naku? Nag-abala ka pa. Pero salamat ha ang bait mo talaga," anya nito sa akin.
Ngumiti ako sa ginang.
" Maupo ka muna ipagtimpla kita ng kape, " saad nya sa akin.
Medyo malaki naman ang bahay ni Rita dahil kahit paano nakapag-ipon naman sya.
Proud ako sa' kanya dahil kinaya nya kung ako lang siguro baka suko na ako.Dahil minsan pinapagalitan pa sta ng kanyang ina.
"Iya magkape ka muna," alok ng ina ni Rita sa akin.
"Salamat po, nag-abala pa kayo."
"Dito ka lang tawagin ko lang si Rita sa loob," untag ni Tita sa akin.
"Tita ako na po, ang pupunta kay Rita! "
" Sige, mabuti pa nga ayaw nya kasi lumabas ng kwarto. "
Iniwan ko ang nanay ni Rita dahil may ginagawa pa ito.
Kumatok ako sa labas ng pinto nang kwarto ni Rita.
"Mama, ang kulit mo?" rinig ko sigaw ni Rita sa loob.
Ngunit panay pa rin ang pagkatok ko sa pinto.
Maya-maya bumukas ang pinto.
Natawa ako sa itsura ng kaibigan ko .
Daig pa dinaanan ng ipo-ipo ang buhok nito.
"OMG? Bakit hindi ka nagsabi kung anong oras ka pumunta dito. Yan tuloy na' abutan ko ganito ang itsura ko?" sigaw nito sabay takip ng kanyang mukha.
"Loka, may txt kaya ako sa' yo, hindi ka man lang nagreply sa txt ko. Tapos ako pa ang sisihin mo, " mahabang salaysay ko.
" Ganun ba? Tulog kasi ako," mahina nyang sabi.
Pumasok ako sa loob ng kwarto ni Rita.
Napailing na lang ako dahil sobrang guli ng kwarto nito.
" Babae ka ba? Bakit ang gulo naman ng kwarto mo. Hindi ka man lang naglinis, " pagmamaktol ko sa kaibigan ko.
" Pasensya ka na nadatnan mo tuloy ganito ang kwarto ko. Maupo ka dyan sa kama liligpitin ko lang saglit itong kalat, " pahayag nya sa akin.
" Teka, bakit pala ikaw lang mag-isa akala ko ba, kasama ang asawa mo? " tanong ni Rita sa akin.
" Busy sya, tinawagan sya ng amo nya, na kailangan nya raw pumunta sa bahay ng amo nya? " paliwanag ko naman sa kaibigan ko.
" Wow? Ha, mukhang iba na yan Best.
Sabod ngayon may pasok pa sya. Diba wala silangpagod sabado at linggo, " takang sabi ni Rita sa akin.
" Hayaan mo, na atlis nandito ako. Nga pala si Janice natanggal sa trabaho, " muling saad ko sa kausap ko.
" Ano? Bakit at ano ang dahilan bakit sya natanggal, " sunod-sunod na tanong ni Rita sa akin.
" Isa-isa lang ang bilis mo magsalita.
Ganito kasi yun pinakialaman nya ang laptop ko. Binura nya ang mahalagang email nakalagay roon. Ayun tinanggal ni boss, " mahabang salaysay ko.
" Buti nga sa kanya matagal narin ako nagtitimpi sa babaeng iyon.
Nga pala kamusta sa opisina, " wika ni Rita sa akin.
" Ayos lang naman sabi pala ni sir magpagaling ka raw, " ngiting sabi ko.
Pumayat ng konti ang kaibigan ko.
Sa edad na 24 wala pa sya naging jowa dahil inuna pa nya ang pangangailangan ng kanyang pamilya.
Marami naman nagkagusto sa babaeng ito. Ngunit tinanggihan lang nya.
Maganda ang kaibigan ko para syang Espanol.
Hindi namin namalayan ang oras tanghali na pala.
Mamayang hapon ako uuwi sa bahay dahil wala naman ako kasama sa bahay kung ganitong oras dahil ang sabi ni Rico sa akin mamayang hapon rin sya makakauwi.
Masarap ang kwentuhan namin ni Rita. Kung saan - saan kasi napunta ang topic namin.
Maya-maya may kumatok sa labas ng pinto.
"Ako na ang magbubukas," saad ko sa kaibigan ko.
Tumayo ako at binuksan ang pinto.
Nanay ni Rita ang nasa labas may dala syang pagkain.
"Iya, kumain muna kayo," saad nya sa akin.
"Salamat po," magalang na sagot ko.
"Best, ito dinalahan tayo ng pagkain. Kumain ka nang marami para naman tumaka. Tingnan mo ang sarili mo, ang payat mo na sige ka ," pananakot ko sa kanya.
" Hindi ko alam kung bakit ang bilis ko pumayat best, " saad nito sa akin.
Pagkatapos namin kumain nagpahinga kami ni Rita. Kalaunan nakatulog kami pareho.
Nagising na lang ako sa tunog ng aking cellphone.
Tiningnan ko ang oras alas tres na pala ng hapon.
Ang bilis ng oras hindi ko agad namalayan.
Hinayaan ko muna matulog si Rita.
Napangiti ako dahil kahit tulog ang kaibigan ko ang ganda nya pa rin. Minsan pinagkamalan kami dalawa magkapatid.
Inayos ko ang sarili ko hihintayin ko na lang si Rico dito.
Lumipas kalahating oras tumawag ang asawa ko. Nasa labas na raw sya ng bahay ng kaibigan ko. Pagkatapos ko nagpaalam kay Rita lumabas na ako ng bahay. Naroon na si Rico maka tayo sa harap.
"Mahal, bago tayo umuwi bumili muna tayo ng ulam natin.
Nga pala kamusta ang trabaho mo?" tanong ko sa asawa ko.
"Okay lang naman mahal ito pala sahod ko binigay ng ako ko?" wika nya sa akin.
" Mahal wag mo ibigay lahat sa akin magtira ka para sa' yo, may sahod rin naman ako, " anya ko kay Rico.
" Ang bait talaga ng asawa ko. Kaya mahal na mahal kita.
Nga pala bukas may lakad ka gusto ko bumawi sa' yo? " pahayag nya sa akin.
" Ito isuot mo, " sabay bigay ng helmet sa akin.
Kinuha ko ang helmet sabay suot.
Habang nasa daan kami may nakita ako naglalako ng mangga kaya sinabi ko kay Rico na ihinto muna ang motor.
"Kuya, magkano, po ang mangga?" tanong ko sa lalaki.
"20 pesos po, ma'am," sagot nya sa akin.
Ibinigay ko ang bayad sa lalaki.
Mahilig talaga ako sa mangga mula bata pa ako. Ito ang paborito kong kainin lagyan ng bagoong.
"Mahal ang dami naman nyan maubos mo ba yan?" pagmamaktol ni Rico sa akin.
"Hindi ko naman ubusin isang kain lang. At tsaka masarap rin gawin sawsawan," saad ko sa asawa ko.
" Concerned lang ako baka sumakit ang tiyan mo. "
Minsan na kasi sumakit ang tiyan ko dahil kumain ako ng mangga.
Hindi nagtagal dumating na kami sa bahay.
Nauna ako bumaba upang buksan ang maliit namin tarangkahan. Sakto lang isang motor ang papasok dito.
Hinintay ko ang asawa ko sa harap ng pinto.
"Mahal mauna ka na, pumasok sa loob," pahayag nya, sa akin.
Sasagot sana ako bigla naman tumunog ang cellphone ko.
Tiningnan ko kung sino ang tumawag si boss pala.
Kaya iniwan ko si Rico sa labas.
" Hello sir? " bungad ko sa kabilang linya.
" Iya, may ipapasa ako sa' yo, paumanhin kung naabala kita. Kailangan ko bukas, " saad nito sa kabilang linya.
" Sige sir, " sagot ko.
Binuksan ko ang laptop ko.
Naroon na ang email pinasa ni sir sa akin.
Mamaya ko na lang ito tapusin.
Magluluto muna ako ng pagkain namin. Baka gutom na ang asawa ko.
"Mahal tapos ka na ba dyan?" tawag ko sa' asawa ko.
" Oo mahal pa akyat narin ako," balik na sagot nito.
Nagsaing na ako habang hinihintay ko maluto ang kanin. Binuksan ko ulit ang laptop ko.
"Mahal anong ginagawa mo?" tanong ng asawa ko sa akin.
"May tinapos pang ako mahal. Maupo ka muna dyan," sagot ko sa asawa ko.
Medyo mahirap ito ngunit kailangan matapos ko ito.
Konting tsaga lang para matapos na ito.
"Mahal bakit may trabaho ka pa eh pahinga mo naman ngayon," anas ng asawa ko.
" Mahal ayos lang para naman ito sa trabaho ko.
At tsaka gawain ko naman ito," pahayag ko kay Rico.