"Good morning, ma'am Iya?" ngiting bati nya sa akin. "Tulungan na kita dyan. Si Liam di pa, ba? Gising?" tanong ko sa kanya. "Hindi ko pa po, nakita ma'am. Baka tulog pa sya," sagot nya sa akin. "Ganun ba?" wika ko. "Opo," tipid na sagot ni Ann sa akin. Tinulungan ko, magluto ng almusal si Anna. Hindi nagtagal lumabas na rin si Liam mula sa kwarto nya. "Oh, Liam. Gising ka na pala?" wika ko sa kanya. "Good morning " Iya?" ngiting bati nya sa akin. Bigla ako nahiya sa kanyang tinuran. "Maupo ka," tipid na sabi ko. Bukas na ang alis namin ni Liam papunta sa America. Medyo kinabahan ako dahil hindi ko alam kung ano ang kinahihinatnan ko roon. Lalo na wala akong ibang pamilya doon. Ngunit sabi ni Liam hindi nya daw ako pababayaan. Kaya kahit paano nawala ang takot sa puso ko.