"OMG? Ang cute nya," tili ni Rita ng makaalis ang lalaki sa mesa kung saan saan kami naka upo. "Gaga, kanina hindi mo, nga pinansin tapos ngayon ka kiligin," protesta ko sa kaibigan ko. "Best alam mo naman tayong mga babae. Hindi tayo ang dapat mauna pumansin kailangan sila. Heler no? Baka sabihin pa nya ako papansin yun ang ayaw ko?" mahabang salaysay nito sa akin. Gusto kong batukan ang kaibigan ko. Parang baliw ang babaeng ito. "Alam ko kung hindi lang kita kaibigan kanina kita sinapak dyan?" inis na saad ko. " Grabe ka naman, eh ngayon lang naman ako lumandi kaya pagbigyan mo na ako? " wika nito sa akin sabay pikit ng mata. "Ewan ko, sayo babae ka, sarili mo naman iyan hindi ako. At nasa tamang edad ka na," sagot ko. "Kaya nga love kita eh?" paglalambing nya sa akin. " Ay