Dalawang araw na ako dito sa bahay. Mabuti na lang hindi nagagalit sa akin si boss. Nagsabi naman ako na may sakit ako. Si Rita ang pumalit pasamantala sa trabaho. Namiss ko na ang asawa ko hindi ma lang sya tumawag sa' akin upang pakimustahin. Wala rin ako number ng kasamahan nito. Kaya hindi ko alam kung kamusta na ba sila. Nababagok ako sa bahay hindi ako sanay na walang ginawa. Kahit mahina pa ang katawan ko naglilinis na ako ng bahay. Maya-maya may kumatok sa labas ng bahay namin. Sino naman kaya ito wala naman ako bisita ini expect na bisita ngayon. Nilagay ko ang walis sa likod ng pinto. Pagbukas ko ng pinto si Rita ang bumungad sa akin. "Hay best , kamusta ka?" tanong nya sa akin. "Heto buhay pa rin nga pala kamusta ang trabaho?" balik na tanong ko sa kaibigan ko.