IYA POVS Hindi talaga sumuko si Liam na suyuiin ako. Alam nya naman kung anong ugali na meron ako. Kinabukasan maaga ako gumising dahil iba, talaga ang pakiramdam ko. Akala ko mawawala rin ito. Ngunit mas lalo pa ata lumalala. Hindi ako nagsabi kay Liam na may sakit ako. Dahil ayaw ko pati sya mag-alala sa akin. "Ma'am, ayos ka lang po, ba?" tanong ni Ate, Lori. Sya ang bagong tagapag-alaga ni Lian. Umuwi ang taga pag-alaga nito dahil nagkasakit ang magulang ng babae. Si Ann naman busy dito sa loob ng bahay kaya di ko na pinasa sa kanya ang tungkulin iyon. "Wala ito, Ate Lori. Baka dahil sa lamig kaya ako ganito?" saad ko sa kanya. "Eh, Ma'am, iba na po, iyan. Bakit di po, kayo magpa check -up sa doctor. Mamaya po, lumala iyan? " pag-ala-ala nyang sabi. " Salamat po, sa conce