"Mommy, let's go na?" saad ni Lian sa akin. Akmang aalis na kami ngunit bigla nagsalita ang lalaki. "Wala po, yun," anas nya sa akin. Kilala ko ang boses na iyon kung kanino. Dito pa talaga kami nagkita. Humarap ako ganun na lang ang pagkagulat ko. Ngunit hindi ako nagpahalata. "Iya?" gulat na sabi ng lalaki sa akin. "Yes, it's me, bakit? Nagulat ka?" pagtataray ko. Iba na ang itsura nito kung ikumpara sa dati.Nagtaka ako kung ano ang nangyari sa kan'ya. Humaba ang buhok ganun rin ang bigote nito. Pumayat na rin ang makisig nyang katawan. Na karma ata ang lalaking ito. "Kung wala ka lang sasabihin aalis na kami ng anak ko?" matigas na sabi ko sabay talikod. Ngunit hinawakan nya ako sa braso. "Bitawan mo, ako!" seryosong boses ko. "Pwede ba? Tayo mag-usap," wika ni Rico. "