Kinagat-kagat ko ang labi ko. Pati nga ang mga kuko ko na pulang-pula ay kinakagat ko na. Hindi na ako magtataka kung masira ang mga iyon mamaya. Nai-stress kasi talaga ako. May isang linggo na ang nakalipas mula noong ikasal kami ni Ricardo sa Wedding Booth. Ilang araw na rin nang matapos ang Sports Festival pero mula noon ay hindi ko pa nasisilayan ang mukha ng lalaking pinakasalan ko. Noong unang araw na naging coordinator ako para sa Love Letters’ event ay iyon na rin ang huling araw na nakita ko si Ric. Hindi ko na s’ya napansin pagkatapos ng araw na iyon at sa mga sumunod pang araw ng event. Natapos na nga at lahat ang Sports Fest ay hindi pa rin s’ya nagpapakita. Para s'yang nawalang parang bula at ni kahit dulo ng buhok n’ya ay hindi ko na nakita. Ilang beses ko na rin s’yang s