"Boss ba talaga kuya o boss ng puso mo. Naks kuya, luma-lovelife ka na. Congrats! Saglit lang at sasabihin ko kay Wendy," mabilis na wika nito saka binalikan ang asawa nito sa kusina. "Ti—to" tawag naman ng paslit. Mabilis niyang kinarga ito at nilaro. Maya-maya pa ay dumating na si Wendy habang nasa kamay nito ang nakatuping damit. Isang matamis na ngiti rin ang nakapaskil sa labi nito. Sapantaha niya ay nasabi na ni Carlo kung bakit siya nahiram ng damit ng babae. Matapos iabot nito iyon ay nagpaalam siya upang pumanhik sa itaas kung saan ang kaniyang silid. Agad naman tumango ang babae. Paglabas ni Summer ay agad namang nakita ang nakatuping damit sa kama. Agad na dinampot iyon at isang simpleng bestida iyon. Napakunot noo siya kung ka