Episode 30 The Picture ISABELLE’S POINT OF VIEW. Hindi pa rin ako makapaniwala na nakatanggap ako nang isang invitation galing sa paborito kong skwelahan sa Paris at hindi ko talaga mapigilang ma excite. “Nakakuha ka rin ng Invitation? Ako rin!” pag ku-kwento ni Jackson nang sabihin ko iyon sa kanya. Nandito siya ngayon sa aking opisina dahil matagal na rin kaming hindi nagkikita kaya pinuntahan niya ako ngayon para dalawin. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Jackson sa akin ngayon. “N-Nakakuha ka rin ng invitation?” hindi makapaniwala kong sabi. Ngumisi siya at tumango. Agad akong napatili sa tuwa at napatayo. Lumapit ako kay Jackson at niyakap siy habang napapatalon pa rin ngayon sa tuwa. Natawa naman siya sa aking ginawa ngayon. “Tuwang-tuwa ka, ah?” nakangisi niyang sabi ha