Episode 12 The accident ISABELLE’S POINT OF VIEW. Nagkasundo na kaming dalawa ni Luke. Pagkatapos kong masulat lahat ng agreement namin ay agad ko na rin itong na print at pina pirmahan sa kanya. “Okay, it settled. Sana masunod natin ang lahat ng nandito,” nakangiti kong sabi at tinignan ang pirma namin ni Luke sa papel. “Sana nga masunod mo lahat,” sabi nito. Naningkit ang aking mga mata at tinignan siya ng masama. Bago pa nga lang, nang-iinis na! “Ma’am Isabelle, Sir Luke, nasa labas po si Ma’am Isabela kasama si Ma’am Lara,” rinig kong sabi ni Manang Rhoda nang kumatok siya sa aming pintuan. Napatayo ako at binuksan ang pintuan. Nakita ko na rin na tumayo si Luke at sabay na kaming bumaba sa hagdan at pumunta sa may living room namin kung saan naghihintay sila Mommy at Ate Lar