Episode 7 - Drunk

2602 Words
Episode 7 Drunk   ISABELLE’S POINT OF VIEW.   Pagkatapos sabihin iyon ni Tita Rachel na next week na ang kasal namin ni Luke ay para na akong nanghina at hindi ko na alam ang gagawin ko. Nang matapos na kami sa may dining area kumain ay muli akong dinala ulit ni Tita Rachel sa living room nila at muli niya akong kinausap. Nagpaalam na muna si Luke sa mommy niya dahil may importante pa siyang gagawin sa kanyang kwarto.   Habang nagsasalita ngayon si Tita Rachel sa aking tabi ay wala akong ibang ginawa kundi sumang-ayon. Hindi ko nga naintindihan ang sinasabi niya, eh. Hindi naman nahahalata ni Tita Rachel kaya gora pa rin ako ngayon.   Makalipas ang ilang oras na pag-uusap namin ni Tita Rachel ay napatingin ako sa aking relo. Nakita kong 10 P.M na pala at kailangan ko nang umuwi dahil ay trabaho pa ako bukas.   “Nako, Tita! Kailangan ko na po palang umuwi ngayon. May trabaho pa kasi ako bukas kaya kailangan ko na pong umuwi,” sabi ko kay Tita Rachel.   Tumayo si Tita Rachel at tumango.   “Oh my! May trabaho ka pa pala bukas, dear. Tawagin muna natin si Luke at siya na ang maghatid sa’yo,” sabi ni Tita.   Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na napailing.   “N-Nako! H’wag na po, Tita. Dala ko po ang kotse ko ngayon,” sabi ko.   Umiling siya.   “No. Si Luke na ang maghatid sa iyo dahil delikado na ang daan ngayon dahil gabi na! ipapabalik ko nalang ang kotse mo bukas nang umaga para magamit mo pagpunta sa trabaho mo. Sa ngayon, si Luke muna ang maghahatid sa iyo,” seryosong sabi ni Tita.   Wala akong nagawa kundi umuo nalang. Pinatawag na ni Tita si Luke at makalipas ang ilang minuto ay bumaba na si Luke sa hagdan habang nakasuot ng black na leather jacket.   “Let’s go,” sabi niya habang nakatingin sa akin.   Agad akong napatayo at nagpaalam na kay Tita Rachel.   “Alis na po ako, Tita Rachel. Maraming salamat po sa dinner ngayon,” sabi ko at ngumiti.   “You are always welcome, Isabelle dear! Mag ingat ka sa pag-uwi, ah?”   Ngumiti ako at tumango. “Yes po, Tita.”   “Luke! Ingatan mo ang future wife mo!” sabi ni Tita.   Hindi ko mapigilang mailang nang sabihin ni Tita iyon. Kailan ba ako masasanay sa ganun? Siguro never.   “Yes, Mom. No need to worry,” sabi nito at kinindatan si Tita Rachel bago lumabas sa kanilang mansion.   Sumunod na rin ako sa kanya at tahimik lang.   Nang makarating kami sa kanyang kotse ay humarap na siya sa akin. “Sumakay ka na. May kailangan pa akong tapusin na trabaho ko ngayon,” sabi niya at pumasok na sa kanyang kotse.   Napairap ako at padabog na pumasok sa kanyang kotse.   “Sana hindi ka nalang pumayag na itahid mo ako, busy ka naman pala,” masungit kong sabi.   Nakit ko ang pagsulyap niya sa akin.   “Kawawa ka naman kasi kaya pumayag nalang ako,” asar niya sa akin at pinaandar na ang kanyang kotse.   Habang seryosong nag da-drive ngayon si Luke ay hindi ko maiwasang mapatanong sa kanya ngayon.   “Alam mo ba na next week na ang kasal… kasal natin?” tanong ko.   Napasulyap siya sa akin at muling nag focus sa pag da-drive.   “Yes,” simple niyang sabi.   Napapikit ako sa aking mga mata sa inis.   “Ngayon mo lang ba nalaman?” tanong niya.   Inis ko siyang tinignan. “Hindi ba obvious?! Kaya nga ako nagulat kanina, eh!” sigaw ko.   Nakita ko ang pagngisi niya.   “Malay ko bang acting mo lang iyon kanina,” sabi niya.   Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya na parang hindi makapaniwala. Acting?! At bakit naman ako mag a-acting?! Eh hindi naman ako artista! Sumandal nalang ako sa inuupuan ko ngayon at napapikit. Kailangan kong makausap si Daddy, bahala na kung magalit siya sa akin. Kaya niya ba hindi sinabi sa akin na next week na ang kasal para hindi na ako makatakas? Nakakainis!   Hindi nalang ako nagsalita ulit at hinayaan siya. Nang makarating na kami sa bahay ay lumabas na kaagad ako sa kanyang kotse.   “Wala man lang thank you, diyan?” rinig kong sabi niya.   Napatigil ako sa aking paglalakad at napaharap sa kanya.   “Thanks,” simple kong sabi at pumasok na sa loob ng bahay namin.   Hindi ko na ulit siya tinignan ulit kung nakaalis na siya siya, bahala siya sa buhay niya.   Agad akong dumiretso sa aking kwarto at humiga sa aking kama at napatulala sa may kisame. Bukas ko nalang siguro tatanungin si Daddy dahil sigurado akong natutulog na siya ngayon kasama si Mommy.   Napapikit nalang ako sa aking mga mata at pinilit ang aking sarili na makatulog, hanggang sa dinalaw na talaga ako nang antok.   Maaga akong nagising sa umaga at agad kong hinanap si Daddy nang matapos na akong makapag-ayos sa aking sarili. Nakita ko siya sa may dining area kasama si Mommy na nagkakape.   “Good morning, Mom and Dad,” bati ko sa kanila.   Nginitian ako ni Mommy habang si Daddy naman ay parang wala lang.   Umupo ako sa aking pwesto at muling tinignan si Daddy.   “Dad, can I ask a question?” tanong ko.   Napatigil siya sa kanyang ginagawa at napatingin sa akin.   “What?” malamig nitong sabi.   Napalunok muna ako sa aking laway bago magsalita.   “T-Totoo po ba na next week na ang kasal ko?” tanong ko.   Nakita ko ang pagtaas ng kilay ni Daddy.   “Saan mo nalaman iyan?” tanong niya.   “Nasabi ni Tita Rachel kagabi noong nasa Coleman's Mansiok ako. Dad, bakit hindi niyo sinabi sa akin? Seriously? Kasal ko po iyon tapos magugulat nalang ako na next week na pala ikakasal kasi hindi niyo man lang sinabi sa akin!” sabi ko. Hindi ko na mapigilan ang aking sarili.   “Anong kinagagalit mo riyan? Alam mo na rin naman,” sabi ni Daddy.   Napakagat ako sa aking labi at napatayo. Nakita ko ang pagtingin ng mga magulang ko sa akin.   “Isabelle, umupo ka ulit. Hindi ka pa nakasimula sa pag kain mo,” sabi ni Mommy.   Malamig ko silang tinignan. “Busog po ako. Aalis na po ako dahil kailangan ko nang magtrabaho,” walang gana kong sabi at nagsimula nang maglakad.   “Isabelle!” rinig kong sigaw ni Daddy sa aking pangalan nang makaalis pero hindi ko na ito pinansin pa.   Nang marating ako sa kompaya ay dumiretso kaagad ako sa opisina ni Ate Lara upang makausap siya. Nang makapasok ko sa loob ay agad ko siyang nakita na busy sa kanyang computer. Napatigil lang siya sa kanyang ginagawa nang makita niya ako.   “Isabelle, ikaw pala. May kailangan ka ba?” tanong ni Ate.   “May alam ka ba tungkol sa kasal ko next week?” agad kong tanong.   Nakita ko ang gulat sa mukha ni Ate. “N-Next week ka na ikakasal?" tanong niya.   Napakunot ang noo ko. “You didn’t know o baka naman tinatago mo lang sa akin, Ate?!”   Napatayo si Ate Lara. “What are you talking about, Isabelle?! Bakit hindi ko naman sasabihin sa iyo? You are my sister,  kapag maaga kong nalaman ang tungkol jan ay ipapaalam ko kaagad sa iyo,” sabi ni Ate.   Napahawak ako sa aking noo at hinang napaupo sa may couch at napayuko. Naramdaman ko ang paglalakad ni Ate paglapit sa akin. Hinawakan niya ang aking balikat kaya muli akong napatingin sa kanya. Agad kong pinunasan ang luha na pumatak sa aking mga mata at huminga nang malalim.   “Wala na ba talaga akong kalayaan, Ate? Simula bata pa ako ay si Daddy na ang komo-kontrol sa buhay ko, pati pa naman sa kasal ko wala pa rin akong kalayaan?” mahina kong sabi.   Niyakap ako ni Ate at hinimas ang aking likuran. Napasiksik ako sa kanya at napapikit.   “I don’t know what to say, Isabelle. Pero nandito lang ako para sa iyo,” malambing na sabi ni Ate.   Alam kong ganun din si Ate. Makapareha lang naman kaming dalawa, walang kalayaan sa aming mga buhay. Pero ang kaibahan lang sa amin ay sawang-sawa na ako sa ganito, samantalang si Ate naman ay hinahayaan niya lang na kontrolin siya ng mga magulang namin.   Nang matapos kong kausapin si Ate Lara ay bumalik nalang ako sa aking trabaho at doon nalang nag focus. Tinawagan din ako ni Naime at muli na naman siyang nag drama sa akin dahil hindi niya na raw nakikita si Alec at miss na miss niya na raw ito. Ang babaeng iyon talaga! Ano bang meron sa mga Coleman at baliw na baliw sila sa mga ito? Wala namang kakaiba sa mga lalaking iyon lalo na kay Luke, ang lalaking ‘yun! Hindi naman siya kaagano ka pogi… well, pogi siya pero hindi sobrang pogi!   Sabay kami ni Ate Lara nag lunch at nandito kami ngayon sa malapit lang na restaurant sa aming kompanya. Umiinom ako ngayon sa aking juice dahil tapos na akong kumain.   “Hindi man lang ako nagka boyfriend ng matino,” sabi ko.   Napatigil sa pag kain si Ate at napatingin sa akin.   Nagpatuloy ako sa aking pagsasalita. “Hindi ko man lang naranasan na mag celebrate nang anniversary kasama ang boyfriend ko, o hindi naman ay masuyo ng boyfriend ko. Ang dami ko pang hindi nararanasan, Ate… pero hindi ko na mararanasan iyan lahat dahil ikakasal ako next week,” sabi ko.   Malungkot akong tinignan ni Ate Lara.   “I’m sorry, Isabelle. Alam kong sinabi ko sa’yo na tutulungan kita na hindi matuloy ang kasal pero wala man lang akong nagawa… napasama ko pa lalo ang lahat,” sabi ni Ate.   “Nako! Okay lang, Ate Lara. Magiging okay rin ako at baka makasanayan ko na rin, pero hindi muna ngayon.” Nginitian ko si Ate at nag order ng wine.   Nakita ko ang pag kunot sa noo ni Ate. “Mag wa-wine ka, Isabelle? Tanghali palang,” kaniyang sabi.   Ngumisi ako kay Ate. Nang dumating na ang inorder kong wine ay agad ko na itong nilagay sa aking baso at uminom. Muli akong tumingin kay Ate at nagsalita.   “Bawal bang uminom ng wine sa tanghali? Hindi naman ito nakakalasing, Ate. You should drink too!” nakangisi kong sabi.   Bumuntong hininga si Ate Lara at nagsalin na rin ng wine sa kanyang baso at uminom. Napangisi ako habang nakangisi. Iinom din naman pala eh! Alam ko naman na hindi lang ako ang may problema rito, pati rin si Ate kasi pareho lang kami nang tadhanang dalawa, ang ikasal sa lalaking hindi naman namin mahal.   Tumawa ako.   “Damn! Virgin pa pala ako? Hindi ko man lang ito nabigay sa magiging boyfriend ko,” sabi ko na ng maisip ang bagay na iyon.   Nakita ko ang panlalaki sa mga mata ni Ate na parang nagulat sa sinabi ko. “Isabelle! Hinaan mo ang boses mo,” sabi ni Ate.   Muli akong napatawa sa reaksyon ni Ate. “Totoo naman kasi, Ate! Saan ko nalang ibibigay ito? Sa Coleman na iyon? No way! Hinding-hindi siya ang makakauna sa akin—tama!” napangisi ako nang may maisip ako.   Napailing si Ate Lara na parang alam ang iniisip ko.   “Isabelle, hindi ko gusto ‘yang naiisip mo. Itigil mo ‘yan!” sabi ni Ate.   Napatingin ako sa aking relo at muling napatingin kay Ate Lara.   “Pwede naman siguro ako umuwi nang maaga Ate, ano? Kailangan ko kasing maghanda para mamaya,” nakangisi kong sabi.   Napailing si Ate habang seryosong nakatingin sa akin.   “Isabelle!” saway ni Ate Lara sa akin.   “What?! You will stop me? Ate naman! Kahit ngayon lang na week, gusto kong magsaya at eh enjoy ang natitirang araw sa single life ko! Kahit ngayon lang ate, please,” pagmamakaawa ko.   Napahawak si Ate sa kanyang noo at muling seryosong napatingin sa akin.   Tumango siya. “Fine, but please, be responsible, Isabelle. Ayokong madawit ka na naman sa gulo.” Seryosong sabi ni Ate.   Ngumiti ako at tumayo. Lumapit ako kay Ate Lara at hinalikan ang kanyang pisngi.   “I got it, sis! Bye,” sabi ko at nagpaalam na kay Ate Lara.   Nang makalabas ako sa restaurant ay agad kong tinawagan si Naime at niyaya mag bar. Gora agad si Naime nang sabihin ko iyon kaya agad akong umuwi nang bahay para makapaghanda mamaya. Buti nalang ay hindi ko nakita sa bahay ang mga magulang ko at panigurado may pinuntahan iyon tungkol sa trabaho.   Sumapit na ang alas singko ay umalis na ako nang bahay at pumunta sa condo unit ni Naime. Doon na ako kakain at ako na ang magluluto sa aming dinner dahil marunong akong magluto at gustong-gusto talaga ng mga kaibigan ko ang luto ko. Nang makarating ako sa unit ni Naime ay dumiretso ako kaagad sa kusina niya at nagsimula nang magluto. Agad din kaming kumain nang matapos akong magluto at siya na ang nag volunteer na maghugas nang pinggan.   Pumunta ako sa kwarto ni Naime at nag retouch sa aking make-up habang siya naman ay naghuhugas nang pinggan sa labas. Hinintay ko pa si Naime na matapos sa panghuhugas at nang matapos siya ay nag-ayo na siya nang kanyang sarili.   9 P.M kami pumunta ni Naime sa isang bar sa BGC. Nang makarating kami roon ay agad naming narinig ang maingay na tugtog sa loob ng bar at sigawan ng mga tao. Napaindak na rin kami ni Naime habang papasok sa loob. Agad kaming nag order ng maiinom at iyong pinakamalakas na alak ang inorder ko para mas ma enjoy ko ang gabing ito.   “Girl, may gagawin akong moves ngayon kaya h’wag mo akong distorbohin, ah?” sabi ko kay Naime.   Tumawa siya at tumango. “Kailan ba kita dinistorbo sa pagiging wild mo, girl?” nakangisi niyang sabi.   Napangisi na rin ako at nakipag cheers kay Naime at ininom ang alak na inorder namin. Nang makailang inom na ako nang alak ay nararamdaman ko na ang pagkalasing ko pero kaya ko pa naman ang sarili ko. Nagpaalam na ako kay Naime upang makapag boys hunting at agad na rin siyang pumayag dahil pumunta na rin siya sa dance floor upang mag sayaw.   Muli akong bumalik sa may bar counter upang maka order ulit nang inumin. Muli akong uminom hanggang sa nakaramdam na ako nang pagkahilo.   “Hey, easy.”   Agad akong napangisi nang may maramdaman akong kamay sa aking beywang. Napatingin ako rito at hindi ko mapigilang mapangiti nang may makita akong napaka poging lalaki sa harapan ko. Familiar ang mukha niya sa akin pero hindi ko na ito maalala sa sobrang kalasingan ko ngayon.   Agad akong kumapit sa kanyang leeg at ngumiti sa kanya.   “Do you want to f**k me?” malambing kong sabi at nilapit ang mukha ko sa mukha niya. Dinilaan ko ang kanyang pisngi at muli siyang tinignan. Nakita ko ang pamumungay sa kanyang mga mata kaya hindi ko mapigilang mapangisi.   “I know you want me, love,” bulong ko sa kanya at kinagat ang kanyang tenga.   Narinig ko ang mahina at masarap niyang ungol kaya mas lalo akong nag init.   “I want you so bad… do you want me?” tanong ko.   Naramdaman ko ang mahigpit niyang pagkakahawak sa aking beywang.   “I want you, Isabelle,” bulong nito at mabilis akong hinalikan sa aking labi.   TO BE CONTINUED... Hmmm. Sino kaya yung guy? Comment down!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD