Episode 25 I WANT YOU WARNING: RATED SPG. READ YOUR OWN RISK. ISABELLE’S POINT OF VIEW. Nang sabihin iyon ni Luke ay wala nang nagawa si Daddy kundi manahimik. Suportado rin sa akin ang mga magulang ni Luke pati na rin ang dalawa niyang kapatid na si Trevor at Alec. Nang mag 10 P. M na ay nagpaalam na kami ni Luke na mauuna nang umuwi dahil may trabaho pa siya bukas. Pasakay na sana kami sa kotse ni Luke nang marinig ko ang boses ni Mommy. Mabilis akong napalingon at nakita ko nga ang nanay ko. “Mom?” Lumapit siya sa amin ni Luke at hinawakan ni Mommy ang aking kamay. “Anak, gusto ko lang sabihin na proud na proud ako sa’yo ngayon,” naiiyak na sabi ni Mommy. Ngumiti naman ako at napayakap sa kanya. “Thank you for believing in my, Mom.” Hinaplos niya ang aking pisngi. “Of course!