Episode 28 Patricia Aquino ISABELLE’S POINT OF VIEW. “Wow!” “Are you amaze, Isabelle?” she asked. Napatingin ako sa kanya at napangiti. “Yes. Ang laki naman dito at ang daming mga kagamitan,” sabi ko na may pagkahanga pa rin. Kasama ko ngayon si Patricia Aquino at dinala niya ako sa kanilang kompanya kung saan ko gagawin ang gown niya. Hindi ko rin mapigilang matuwa dahil kompleto lahat ng mga kagamitan para magawa ko ito. Humarap sa akin si Patricia at ngumiti. “Lahat ng mga kakailanganin mo ay nandito na sa room na ito. May mga iba’t ibang fabrics na rin for the tela sa gown na gagawin mo. I also provide assistants mo para naman hindi ka mahirapan sa gagawin mo. May kasama ka rin sa pag gawa sa gown ko para mas lalo kang ganahan,” nakagiting sabi ni