Episode 9
The Wedding Preparation
ISABELLE’S POINT OF VIEW.
Ang bango ng katabi ko ngayon. Ang sarap humiga nalang sa kama at yakapin nalang siya buong araw.
“Uhmmm…” ungol nito at mas hinigpitan pa ang pagyakap sa aking beywang.
Mahina akong napahagikhik mas sumiksik pa sa kanya lalo. Nang naramdaman ko na ang pagkagutom ko ay hinay-hinay ko nang minulat ang aking mga mata. Ngayon ko lang napagtanto na para akong nasa isang hotel room. Nasa hotel ba kami?
Hinay-hinay akong napatingala at tinignan ang mukha ni hotty guy. Nang makita ko na kung sino ang lalaking pinagbigyan ko sa aking virginity ay hindi ko mapigilang matigilan at magulat.
“OH. MY. GOD.”
Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Napatakip ako sa aking bibig at dali-daling napabangon.
“AHHH!” tili ko.
Sa lakas nang aking tili ay nagising siya bigla at nahulog sa kama.
“Aray!” rinig kong daing niya.
Dali-dali kong kinuha ang kumot at tinakpan ang hubo’t hubad kong katawan.
“B-Bakit ka nandito?” nauutal kong sabi habang hindi pa rin makapaniwala sa aking nakita.
Tumayo siya na nakahawak sa kanyang beywang pero nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang kanyang ibon na nakatayo ngayon kaya muli akong napatili at dali-daling napatalikod.
“M-Mag bihis ka nga!” sigaw ko. Nararamdaman ko na ngayon ang pag iinit sa aking mukha sa aking nakita. Ganun pala ang itsura nun kapag umaga? Malay ko ba! nagulat nga ako na siya ang nandito kasama ko sa kwarto!
“Pwede ka nang tumingin. Nakabihis na ako,” sabi nito kaya muli akong napaharap sa kanya.
Hindi ako makatingin nang diretso sa kanyang mga mata ngayon. Hanggang ngayon ay naguguluhan, gulat at hindi pa rin ako makapaniwala.
Huminga ako nang malalim at napatingin na sa kanyang mga mata. Nakita ko siyang nakaupo ngayon sa gilid ng kama habang bored na nakatingin sa akin ngayon.
“B-Bakit nandito ka sa kwartong ito? Nasaan na ‘yung lalaking kasama ko kagabi?!” tanong ko sa kanya.
Nakita ko ang pagkunot sa kanyang noo. “Kasama mo kagabi? Ako ang kasama mo kagabi, Miss Isabelle,” sabi niya.
Mabilis akong napailing at tinignan siya nang masama.
“N-No! Hindi ‘yan totoo! Hindi ikaw ang… hindi ikaw ang nakakuha sa virginity ko!” sigaw ko at naiiyak na.
Hindi pwede ito! Si Luke Archer Coleman ang lalaking kaharap ko ngayon, ang lalaking ka chukchakan ko kagabi. Hindi ito maaari!
“Wow! Mukhang kasalanan ko pa na may nangyari sa atin kagabi, ah?” sabi niya.
Tinignan ko siya nang masama.
Napatayo siya habang nakapameywang at inis akong tinignan.
“For your information, Miss Isabelle, ikaw ang unang umakit sa akin kagabi. Nilapitan lang kita kagabi dahil muntik ka nang matumba sa kinauupuan mo,” sabi nito na parang naiinis.
Napasapo ako sa aking noo at napapikit sa inis. Inalala ko ang nangyari sa akin kagabi, kung ano nga ba talaga ang totoo. Pero ang naalala ko talaga ay hindi si Luke ang kahalikan ko kagabi! Alam kong hindi siya iyon… ramdam ko… pero nararamdaman ko talaga na siya ‘yun. Nakakainis ka naman Isabelle!
“Impossible na hindi mo nakita ang mukha ko kagabi. Buong gabi kang nakatingin sa mukha ko habang ginagawa natin iyon dito sa kama,” ulit niyang sabi.
Tinignan ko siya nang masama. “Manahimik ka!” sigaw ko.
So, totoo nga talaga na si Luke ang lalaking ka chukchakan ko kagabi? Alam kong para ko siyang nakita kagabi at iniisip ko siya pero akala ko ay sa kalasingan ko lang iyon at grabeng pag-iisip tungkol sa kasal namin next week, pero hindi ako makapaniwala na si Luke nga talaga ang kachukchakan ko kagabi!
Napailing ako at napasigaw sa inis. Muli akong napatingin kay Luke at nakita ko lang siya na nakatingin sa akin na parang hinihintay ang susunod kong sasabihin o gagawin.
Inirapan ko siya at nagmadaling kinuha ang mga damit ko na nakakalat sa sahig. Hindi ko pa mapigilang pamulahan ulit nang makita ko ang panty ko na malapit lang sa kinatatayuan ni Luke. Napakagat ako sa aking labi at nang hindi ko kayang lumapit sa kanya para kunin ang panty ko. Napatingin si Luke sa tinitignan ko at nakita niya ang aking panty. Magsasalita na sana ako nang makuha niya ito at binigay sa akin. Madali ko naman itong kinuha sa kanya at patakbong pumunta sa may CR at sinirado ito.
Nag sho-shower ako ngayon dito sa loob ng CR at kasalukuyan kong sinasabunan ang aking katawan. Natigil ako sa aking pagsabon nang maalala ko ang nangyari sa amin ni Luke kagabi. Ang malalakas kong ungol, ang paghaplos niya sa aking buong katawan, ang pagpisil at paghimas niya sa aking dibdib, ang napakasarap at tempting abs niya, ang—waaah! Bakit ko ba naiisip ‘yun?! Mabilis akong napailing nang makaramdam na naman ako nang pagiinit sa aking katawan.
Bakit ko ba pinagnanasahan ang lalaking iyon eh hindi naman siya gaanong masarap! Tama, tama. Hindi naman siya masarap at hindi siya magaling. Hindi niya naman ako napaungol nang malakas kagabi at napatirik sa aking mga mata kaya wala na dapat akong ipag-aalala pa.
Muli ko nalang pinagpatuloy ang aking pagligo kahit hindi ko pa rin mapigilan na maalala ang nangyari sa amin ni Luke kagabi pero pinipilit ko pa rin na mag focus at hindi na siya isipin ulit.
Nang matapos na akong maligo ay ilang minuto muna akong napatitig sa aking mukha sa salamin at ilang ulit na huminga nang malalim. Napagdesisyonan ko nang lumabas at nang makalabas na ako ay hindi ko na nakita si Luke sa may kwarto. Naka arrange na rin ang kama at hindi na ito magulo. Siya ba ang nag ayos?
Hindi ko nalang ito pinansin at lumabas na sa kwarto. Hindi ko naman mapigilang mamangha nang makita ko kung nasaan ako, hindi lang ito simpleng hotel, nasa isa akong penthouse!
Hinay-hinay akong bumaba sa hangdan habang nakatingin pa rin sa paligid. May nakita akong malaking gold na chandelier sa gitna nang penthouse at ang ganda talaga tignan. Organisa rin ang mga gamit sa paligid at makikita mo talaga na hindi lang mayaman ang nakatira rito, kundi isang napakayamang tao! Dito ba nakatira si Luke? Sa kanya ba itong lugar na ito?
Napatigil ako sa pagtingin sa paligid nang makita ko si Luke na lumabas sa parang dining area niya rito sa penthouse. Nakadamit na siya kaya malaya na akong makatingin sa kanya pero hindi ko pa rin mapigilan na makaramdam nang awkwardness ngayon dahil sa nangyari kagabi.
“Tapos ka na pala. Pumasok ka muna rito sa dining area para mawala ‘yang hang over mo,” sabi nito at muling bumalik sa loob.
Bumuntong hininga naman ako at naglakad na papunta roon sa may dining area. Nang makapasok ako ay may nakita na kaagad akong isang bowl na may laman na sopas sa may lamesa. Tinignan ako ni Luke at sininyasan niya akong umupo kaya tahimik lang din akong umupo at kinuha ang sopas.
Umupo na rin si Luke at kumain. Tahimik kami ngayon dito sa loob ng dining area at walang gustong gumawa ng ingay o hindi naman ay magsalita. Makalipas ang ilang minutong katahimikan ay narinig namin ang pagtunog sa cellphone ni Luke kaya nabasag na rin ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Kunyari ay wala akong pakialam kay Luke pero tahimik akong nakikinig ngayon sa usapan nila kung sino man ang tumatawag sa kanya ngayon.
“Mom, yes?” rinig kong sabi ni Luke.
Si Tita Rachel pala ang tumatawag sa kanya. Nagpatuloy lang ako sa aking pag kain habang patuloy rin sa pakikinig sa usapan nila ni Tita Rachel.
“Magkasama po kami ni Isabelle ngayon dito sa penthouse kaya wala po kayong dapat ipag-alala,” rinig kong sabi ni Luke.
Nanlaki ang aking mga mata at agad na napatingin kay Luke. Nakita ko siyang seryosong nakatingin sa akin ngayon habang nasa may tenga pa rin ang cellphone niya at kausap si Tita Rachel. Pinanlakihan ko siya nang mata pero tinaasan niya lang ako nang kilay at umiwas na ng tingin sa akin. Nakakainis talaga!
“Don’t worry, Mom. Pagkatapos namin kumain dito ni Isabelle ay pupunta na kami diyan.” Sabi ni Luke at pinatay na ang tawag. Nang makita kong hindi na niya kausap si Tita Rachel at pinagalitan ko na siya.
“Bakit mo sinabi kay Tita Rachel na nandito ako?!” inis kong sabi.
Bumalik siya sa kanyang upuan at tinignan ako. “Hinahanap ka ng daddy mo at nasa mansion sila ngayon para magtanong kay Mom kung nasaan ka. Kagabi pa sila tawag nang tawag sa iyo pero hindi mo raw sinasagot ang tawag nila,” sabi ni Luke.
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at agad na kinuha ang cellphone ko sa aking bulsa. Kinuha ko itong cellphone ko na nakapatong kanina sa may table sa kwarto nang matapos akong maligo. Binuksan ko ang aking cellphone at ngayon mo lang napagtanto na naka silent mode nga pala ang cellphone ko kaya hindi ko masagot ang tawag nila at hindi ko maaalam dahil hindi naman ito tutunog.
Napasapo ako sa aking ulo nang makita ko ang sunod-sunod na mga missed calls galing sa mga magulang ko. Nakita ko rin ang mga missed calls ni Ate Lara ang mga text messages niya para sa akin.
“Don’t worry. Alam na ng mga magulang mo na magkasama tayo at kailangan na natin bumalik sa mansion dahil sa wedding preparation,” sabi niya.
Muli akong napatingin kay Luke.
“Wala na ba talagang pag-asa na umatras ka sa kasal?” mahina kong sabi na parang nanghihina. Si Luke nalang talaga ang pag-asa ko. Kapag umatras siya at sinabi sa mga magulang niya na ayaw niyang magpakasal sa akin ay wala nang magagawa si Daddy kundi respetuhin ang desisyon ng mga Coleman. Buhay rin ito ni Luke at may sarili siyang utak para mag desisyon kung anong gusto niya sa kanyang buhay.
Napatigil siya sa kanyang pag kain at napatingin sa akin.
“Pagkatapos nang nangyari sa atin kagabi? No. Hindi aatras,” sabi niya.
Napakunot ang noo ko sa kanyang sinabi at hindi mapigilang maguluhan.
“Anong konek sa nangyari sa atin kagabi, ah? Wala lang iyon sa akin!”
Nakita ko ang galit sa kanyang mukha kaya natigil ako sa pagsasalita.
“You were a virgin, Isabelle! Hindi man ikaw ang babaeng mahal ko, hindi ko hahayaan na hindi kita panagutan.”
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.
“Anong papanagutan ka jan?! hindi ako mabubuntis kasi naka suot ka ng condom kagabi!” sigaw ko.
“Hindi pa rin sigurado iyon, Isabelle! Kaya kung tatanungin mo ulit ako kung aatras ako sa kasal natin, ang sagot ko ay hindi. Kaya manahimik ka nalang jan at ipagpatuloy ang pag kain mo!” sabi nito at padabog na tumayo at lumabas sa dining area.
Nakanganga lang ako ngayon habang hindi makapaniwala sa reaksyon ni Luke sa tanong ko. Impossible naman kasi talaga na mabuntis ako kasi alam ko na hindi niya ipinutok iyon sa loob ko tapos nakasuot pa siya kagabi ng condom. Duh?! Kung nag-aalala siya kasi virgin ako at siya ang nakauna sa akin, OKAY LANG naman sa akin. Hindi naman ako maghahabol sa kanya. Gusto ko nga umatras siya, eh.
Nakakainis talaga! Bakit si Luke pa ang naka chukchakan ko kagabi?! Ang plano ko ay ibigay ang pinakaiingatan ko sa makikilala ko sa bar na pupuntahan ko kagabi, pero hindi ko sinabi na ibibigay ko ito kay Luke! Malay ko ba na siya pala ‘yung lumapit sa akin.
Pagkatapos kong kumain ay tinawag na ako ni Luke sa labas kaya lumabas na ako at pumunta sa may living room. Nasa may couch na rin ang aking pouch kaya hindi ko na kailangan na umakyat ulit papunt sa may kwarto upang kunin ito.
Napansin ko rin na iba na ang suot na damit ni Luke. Gusto ko sana mag palit din ng damit pero wala akong damit dito sa penthouse ni Luke. Buti nalang talaga at hindi niya pinunit ang suot ko na dress kasi baka wala na akong masuot ngayon.
Nakalabas na kami ni Luke sa penthouse niya. Tahimik lang ako ngayon na nakasunod sa kanya palabas hanggang sa makarating kami sa parking lot at makasakay kami sa kanyang kotse. Nakatingin lang ako ngayon sa labas ng bintana habang siya naman ay tahimik lang din na nag da-drive. Napakunot naman ang noo ko nang tumigil ang sasakyan ni Luke sa isang boutique shop.
Napatingin ako sa kanya at nakita ko siyang pinatay na ang makina sa kanyang sasakyan.
“Anong gagawin natin dito?” tanong ko.
Tinignan niya lang ako at lumabas sa kanyang kotse. Sisigawan ko na sana siya nang pagbuksan niya ako ng pintuan. Tahimik akong lumabas at muling napatingin sa kanya.
“Alam kong gusto mo nang magpalit ng damit kaya dinala na muna kita rito para makapagpalit ka ng damit bago tayo pupunta sa mansion,” seryoso niyang sabi at naglakad na papunta sa may boutique shop.
Napakurap ako sa aking mga mata. Naramdaman ko rin ang malakas na pagtibok ng aking puso ngayon sa hindi malamang dahilan.
“Isabelle! Pumasok ka na dito,” sabi ni Luke na nasa may pintuan na ng boutique na parang naiinip na.
Napabuntong hininga ako at naglakad na papalapit sa kanya.
Calm down, Isabelle. Ano bang nangyayari sa iyo?!
Nang makapasok na kami sa loob ng boutique shop ay may babae na lumapit sa amin.
“Good morning, Ma’am and Sir, how may I help you po?” sabi nito.
Napatingin ako kay Luke na seryoso lang nakatingin sa mga damit. Napaharap siya sa akin kaya bahagya akong nagulat.
“Pili ka nalang kung anong gusto mong suotin. Sa may couch nalang ako maghihintay sa’yo.” Sabi niya at hinarap ang babae na lumapit sa amin. Nang makausap na niya ito ay naglakad na si Luke papunta sa may couch sa hindi kalayuan at umupo.
“Ma’am tulungan po kita maghanap ng susuotin niyo,” sabi ng babae at sumunod na rin ako sa kanya.
Makalipas ang ilang minuto na paghahanap ng aking masusuot ay nakapili na ito. Ang napili kong suotin ay isang simpleng floral dress lang upang magmukha akong anghel mamaya pagpunta namin sa mansion.
Nang makapagbihis na ako ay lumapit na ako kay Luke kung saan siya naghihintay na matapos ako.
“Ahem,” sabi ko.
Napatigil siya sa pagtingin sa kanyang cellphone at napatingin sa akin. Tumayo siya at tinaasan ako ng kilay bago tingnan ang suot ko.
“O-okay na ba?” tanong ko at hinintay ang sasabihin niya.
Tumango siya at tinignan ako. “Mukha ka ng tao sa suot mo, okay na ‘yan. Let’s go, kanina pa sila naghihintay sa mansion,” sabi nito at umuna nang maglakad.
Hindi ko mapigilang mainis sa sinabi niya sa akin. Kapal nang mukha niya! Pasalamat siya wala ako sa mood ngayon makipag-away.
Tahimik lang akong lumabas sa boutique nang matapos nang magbayad si Luke sa aking damit. Nang makarating kami sa kanilang mansion ay hindi ko na mapigilang kabahan ulit nang makita ko ang pamilyar na sasakyan ng aking mga magulang na nasa labas.
“Let’s go,” sabi ni Luke at lumabas sa kanyang kotse.
Huminga muna ako ng malalim bago lumabas at sumabay na kay Luke sa pagpasok sa mansion. Nang makapasok kami ay kaagad naming nakita ang mga magulang ko at mga magulang ni Luke na nakaupo ngayon sa may couch sa living room nia.
“Isabelle, Luke! Buti nakarating na kayo,” sabi ni Tita Rachel at lumapit sa amin upang yakapin kaming dalawa.
Lumapit din ako kay Mom at Dad upang batiin sila. Kahit na tahimik lang ngayon si Daddy ay hindi ko pa rin mapigilan na kabahan. Kilala ko siya at alam kong galit siya sa akin ngayon dahil hindi ako nagpaalam.
Magkatabi kami ngayon ni Luke at nasa harapan namin ngayon ang mga magulang namin.
“Well, nandito na rin naman kayo, sasabihin na namin sa inyo ang napagplanuhan namin nila Isabela at Jose,” sabi ni Tita Rachel.
“Alam kong alam niyo na rin naman na next week na ang kasal niyong dalawa. Napagplanuhan namin nila Rachel na sa kanilang private resort sa Boracay kayo ikakasal dalawa,” nakangiting sabi ni Mommy.
Napayukom ako sa aking kamao nang sabihin iyon ni Mommy. Hindi ko magawang magsalita ngayon kasi baka pagalitan ako ni Daddy at muli na naman siyang atakihin sa kanyan puso. Gusto ko man umangal ay wala na akong magagawa dahil hindi naman aatras si Luke sa kasal at hindi ko ito mapapatigil kung ako lang ang aayaw sa aming dalawa.
“Isabelle, okay lang sa sa iyo na mapadali ang kasal niyo ni Luke?” tanong ni Tita Rachel habang nakatingin sa akin.
Napasulyap muna ako sa aking ama bago sagutin ang tanong ni Tita. Nakita ko itong seryosong nakatingin sa akin ngayon na parang sinasabi na h’wag akong gumawa ng gulo ngayon.
Napalunok ako sa aking laway at muling tumingin kay Tita Rachel at nginitian ito.
“O-Okay lang po ako. Excited na po ako sa kasal namin ni Luke next week,” sabi ko at sinulyapan ang lalaking papakasalan ko sa aking tabi.
Lumakas ang t***k ng aking puso nang makita ko itong seryosong nakatingin sa akin.
“Ikaw, Luke anak, excited ka na rin ba sa kasal niyo ni Isabelle?” tanong ni Tita Ravchel kay Luke na parang kinikilig.
Nakatingin pa rin si Luke sa akin kaya hindi ko magawang makaiwas nang tingin sa kanya.
“Yes, Mom. I’m excited to marry Isabelle and officially call her my wife,” seryoso niyang sabi at hinawakan ang aking kamay at hinalikan ito.
Napalunok ako sa aking laway at naistatwa sa kanyang ginawa.
TO BE CONTINUED...
HELLO PO! PA HELP NAMAN PA VOTE SA STORY NI ISABELLE AT LUKE. MAY MAKIKITA PO KAYONG GIFT BOX SA TAAS TAPOS CLICK NIYO LANG IYON, THEN CLICK REWARD. MARAMING SALAMAT.