Episode 32 Confession ISABELLE’S POINT OF VIEW. Sa apartment muna ako ni Kira tumuloy ngayon pagkatapos kong umalis sa bahay namin ni Luke at magkasagutan doon. Hindi maiwasan na mapatanong sa akin ni Kira kung anong nangyari sa akin dahil bakas pa rin sa aking mukha ngayon na galing ako sa pag iyak lalo na at mugto ang aking mga mata ngayon at namumula pa. Pero nakagawa naman ako nang sagot sa kanyang katanungan at sinabi ko nalang na may problema sa bahay namin at hindi na rin nag tanong ulit sa akin si Kira at hinayaan na ako. Alam niya kasing ayaw kong pag usapan ang tungkol sa pamilya ko, lalo na kung tungkol kay Daddy. “Hay nako, Isabelle! Gustong-gusto ko talaga kapag dito ka natutulog sa apartment ko dahil may free cook ako palagi!” sabi ni Kira habang tinitignan akong mag luto