Chapter 13 - Ang Pagkikita

1321 Words
Sylvia's POV Nagising na lang ako sa sikat ng araw na tumagos sa bintana ng kwarto namin ni Calix. "Tssssss." hawak ko sa ulo ko maging sa kumot na hawak-hawak ko ngayon. 'T-teka?' Agad akong napatingin sa sarili ko dahil may mga ala-alang rumihistro sa isip ko ngayon-ngayon lang. 'Sh*t' yuko kong sabi. "naibigay ko ba?" bulong ko sa sarili ko. Lilingat-lingat ako tumitingin sa paligid at tila lutang pa ako sa nangyayari. "Hala? naibigay ko ba talaga?" muling sapo ko sa ulo ko. "Di nga?" kagat ko sa labi ko. "Teka?" Agad akong tumayo at tinignan ang oras sa cellphone ko. Hmmm, umaga palang. Lumabas muna ako para hanapin ang taong nasa isip ko ngayon. Nakita ko naman agad si Ate Susan. "Good morning Ate Susan." bati ko dito. "Good morning din po." ngiti nito sa akin. "Ahmmm, nakita mo po ba si Calix?" tanong ko dito agad. "Naku, kakaalis lang po, pumasok po sa trabaho." "Ayy, ganun po ba. Sige po salamat po." malungkot kong sabi. Anu ba yan. Puntahan ko na lang siya sa opisina niya at sana ay hindi ko na makita yung bababe niyang nakita ko kahapon. kapag naiisip ko iyon ay naiinis lang ako. Hmmpp. Kumain muna ako at nagawa ko pang abalahan si Manang Marites para lang makapagluto ako ng pangtanghalian ni Calix dahil dadalhin ko ito sa opisina niya. Nang makatapos akong makaluto ay nakaramdaman ako ng pagod at parang ang sakit-sakit ng katawan ko. Niligo ko na lang ang sakit ng katawan ko at baka sakaling maibsan ng ligo ang sakit ng katawan ko. "Manang, nakahanda na po ba ang baon ni Calix?" tanong ko dito. "Ay, oo. Ito oh at dalhin mo na sa opisina niya habang mainit-init pa." abot nito sa akin ng baunan. " Salamat po Manang." ngiti ko dito bago umalis. "Oh, siya at mag-iingat ka ha!" sigaw nito. "Opo." sigaw ko pabalik bago makalabas sa pintuan at agad na dumiretso sa sasakyan. "Hello po, Kay Calix po." bungad ko sa driver. Agad naman itong tumango at pinaandar na ang sasakyan. kapag si Calix ang binanggit mo sa kanila ay doon lang sila sususnod. Hindi ka din pwedeng magpaibang location sa kanila dahil literal na dadalhin ka pa din nila kay Calix. Nakatulog ako sa byahe ng biglang magsalita ang driver. "Ms. Andito na po tayo." walang emosyon na sabi ng driver. "Hmmm, Ayyy, sige po. Thank you po." unat kong sabi. Nag-ayos muna ako bago ako bumaba sa sasakyan. Dumiretso naman ako sa reception area at sinabi sa front desk ang pakay ko. Medyo natagalan lang tulad ng dati dahil tinanong na naman nila kung ano pakay ko. Hindi siguro sila naniniwala na asawa ako ng boss nila. Eh kilala nga akong spoiled brat sa buong business industry. Tapos, ganto pa ang suot. Hindi na fashionista. hayssss. Di bale at hinahandaan ko lang naman ang asawa ko. Dumiretso na ako sa elevator at sumakay dito. (sa kabilang banda ay kakapasok lang ni Austin sa building ng Sylvania Corp. para sa masinsinang meeting kay Calix) Nakarating ako sa floor ni Calix at nakita ko ang secretary nito. Agad naman akong lumapit. "Hi, Good Morning. Si Mr. Sylvania?" tanong ko dito. "Hello po Ms. Sylvia, Si Mr. Sylvania ay nasa office niya po ngayon. Ask lang po ako ng permmission. " ngiti nito sa akin. "Okay. Thank you." balik ngiti ko dito. After niyang tumawag sa telepono ay tumingin ito sa akin at nagbigay ng hudyat na pwede na daw akong pumasok sa loob. Syempre nagpasalamat ulit ako. Mabait ito eh. Pumunta na ako sa office ni Calix at nakita kong nakalagay sa gilid niya ang wheelchair at nakaupo siya sa swivel chair niya. "Hi, Sylvia, bakit andito ka?" agad niyang bungad wala man lang good morning, napakabastos talaga. Hmmmp. "Ahmmm, may dala akong pagkain mo. Sana magustuhan mo." pilit ngiti ko dito. Nilagay ko naman ang pagkain sa table niya. Tinitigan niya lang ito at tsaka muling tumingin sa akin na tila sinisipat ang ginagawa ko. "What did you want?" tanong nito habang masama ang titig sa akin. "Ahmmm, wala, wala akong gusto." kaway-kaway ko pa para lang masabing wala naman akong kailangan. "Then why are you here?" masungit na tanong nito. "T-to bring you a food. What's the matter?" tanong ko dito. "Pshhh," buga nito. "Totoo naman eh." angal ko. "I can't believe you, baka may lason yan." mataas na tono nito. "Hindi ah!" pagtataas ko din ng boses ko. "Don't shout." pagsusungit nito. "Ikaw kasi eh. Pwede naman kasing magtanong ng mahinahon, hindi yung sisigaw ka. Ikaw na nga lang dinadalhan ng pagkain, ikaw pa galit." mahinahon kong paliwanag. "So? As if you have care for me?" singhal nito bago ako tinalikuran. Hindi naman ako nagsalita at padabog na umalis. Kainis, bakit ba kasi ako nandito. Mabilis akong lumabas ng kwarto hanggang sa mabangga ako. "Aray!" hawak ko sa pwet ko dahil natumba ako. "Oh, I'm sorry Miss, are yo--?" sabi nito. "Sylvia/Austin?" pareho naming sabi. "Hala, babe, I'm sorry. Why are you here?" pagpag ni Austin sa katawan ko. "Ahhmmm, sorry Austin, ako na. Kaya ko naman." pilit ngiti ko dito. "Ahm, O-okay. Anyway, what happen to you? Bakit di ka sumasagot sa mga tawag ko? tsaka bakit nandito ka? Anong ginagawa mo dito?" dire-diretso niyang tanong. "T-teka Austin, pwedeng isa-isa lang, mahina ang kalaban. Pwede ba?" awat ko dito. "Oh, I'm sorry. I miss you so much" biglang yakap nito sa akin. "Ahh, ehhh. o-okay." sabi ko dito habang tinatap ko lang ang balikat niya. Bigla akong nailang sa posisyon naming dalawa kaya agad din akong kumawala sa mga yakap niya. "Ahh, Ikaw? Anong ginagawa mo dito?" pagbabago ko ng tanong sa kanya. "Oh, I forgot, I have meeting with Mr. Sylvania, a friend of mine." ngiting sarcastic nito. Nakita ko na naman ang ngiti niyang mayabang. Hayssss. "ahhh, business deal?" tanong ko dito. "Yes, but I think, I need to resched my meeting because I saw you. I want to spend with you. Come." hila nito sa akin. Hinila niya ako papunta sa secretary ni Calix at nag-usap lang sila. Kita ko naman sa mata ng secretary ni Calix ang pagtataka dahil sinasabi ni Austin na idedate niya ako dahil nakita niya daw ang girlfriend niya which is me. Kaya napatitig na lang din ako sa secretary ni Calix. Nang matapos sila ay hinila na ako ni Austin at dinala sa isang cafe malapit sa opisina ni Calix. "Kailan ka dumating?" bungad ni Austin. "Nung nakaraan araw lang." sagod ko dito. "Bakit hindi ka tumawag? Sana nasundo kita." hawak nito sa kamay ko. "Ahmm, alam ko kasing busy ka kaya hindi na ako tumawag." palusot ko. "Babe, almost a month kang walang communication sa akin. Ano bang nangyari?" tanong nito. "Ahhh, kasi ano, w-walang signal kasi doon, tsaka liblib yung lugar." palusot ko ulit. "Sana, pumunta ka man lang ng bayan para mareach out mo ako at sabihan na nasa ganung lugar ka. Edi sana nasamahan kita." lungkot-lungkutan na naman niya. "It's okay, business matter naman." ngiti ko dito. "Kahit na, paano kung may mangyari sa iyo. Sino sasagip sa iyo? tutulong sa iyo? Ako lang diba." mayabang na sabi nito. "Edi sana ikaw na lang pumunta doon diba?" mataray kong sabi dito. "Kung pwede lang eh, kaso yung daddy mo kasi. tsk." singhal nito. "Ayun na nga eh, so syempre, obligation ko iyon dahil ako na lang ang natitira para magcare sa business namin." irap ko dito. "Sabagay." "Anyway, Kamusta pala si Ate sa inyo?" pag-iiba ko. "Ahh, Si Ate Eunice, Okay naman siya." pekeng ngiti nito. 'As if naman na okay siya.' sabi ko sa isip ko. "Ahhh, buti naman. Eh yung pamangkin ko? kamusta?" pag-iiba ako ulit. "ha? buntis siya? ah-- ehh, O-oo, okay naman." pilit ngiti nito. "Sigurado ka ba?" tingin ko dito ng malala. Hindi naman siya makapagsalita ng maayos kaya pinilit ko itong makipagkita kay Ate Eunice.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD