Chapter 8 Ang pagbabawal

1600 Words
Sylvia's POV Katulad ng dati ay hindi ko siya nakita ulit at masaya naman ako dahil may magandang mangyayari ngayon. Maaga akong nag-ayos ng sarili at agad na kinausap ang isang driver sa bahay para ipasundo ang Ate Eunice ko. Yes magkikita kami ni Ate Eunice at pinayagan naman na siya ng asawa nito. "Mukhang masaya ka ngayon Madam ah." bungad ni Manang "Opo, masayang-masaya po talaga." ngiti ko dito. "Bakit naman, Ano pong dahilan Mam Via?" tanong naman ni Ate Susan. "Magkikita kasi kami ngayon ng Ate ko." ngiti ko dito. "Nasabi mo na po ba ito sa Don?" pagpuputol ni Manang. Agad naman nawala ang ngiti ko ng marinig ko ang sinabi niya. "Ahhm, hindi pa po. Hindi pa ako nakakapagpaalam." dismayado kong sabi. "Naku, ayaw na ayaw pa naman ng Don na may nakakaalam ng lugar niya. Dapat nagpaalam ka muna sa kanya para at least hindi siya magalit." bakas sa pag-aalala nito ang mangyayari sa akin. "Pero Manang, hindi nga niya ako pinapansin. Tapos lagi siyang nakabusangot, paano naman ako magpapaalam? Explanation ko nga ayaw niyang marinig." lungkot kong sabi dito. Kainis naman kung kailan ko na makikita si Ate Eunice ko tsaka pa nagsabi si Manang. Haysss. "Tawagan mo na lang siya para magpaalam at alamin mo kung ano ang desisyon niya." bilin ni Manang. "Sige po. Itatry ko po." alanganin kong alis sa harap niya. Halos isang oras narin akong nakatunganga sa harap ng cellphone ko kung saan nakatingin sa pangalan ng magaling kong asawa. Napansin ko din na hindi pa nga umaalis ang inutusan kong driver kanina. So totoo nga ang sabi ni Manang na kailangan may paalam sa Don nila. Napakahigpit naman dito. Eh Ate ko naman iyon. Kadugo ko, hello. tsk. Lumipas pa ang 5 minutes bago ko tinawagan ang number ni Calix. Unang tawag, ring lang hanggang sa pinatay ang tawag ko. Pangalawang tawag, ganun pa din. Pinapatay niya lang tawag ko hanggang sa makalimang tawag ako bago niya sinagot. "Hell-" "No." sabay patay niya ng tawag. Teka wala pa akong sinasabi alam na niya agad. kaya tinawagan ko ulit siya. Hindi naman tumagal ang ring ng sagutin niya ulit ito pero binungaran na niya ako. "Kung may balak ka mang umalis or may papupuntahin sa sarili kong pamamahay, Huwag mo ng balakin pa at hindi ako papayag na may nakakaalam ng bahay ko. Mag-uusap tayo mamaya. May meeting ako." patay niya ulit sa tawag ko. Agad naman akong nanlumo sa sinabi niya. Hindi pa nga ako tapos ganun na agad. Nakakatampo na talaga siya. Naiinis na ako sa kanya. Bumigat yung pakiramdam ko bigla dahil gusto ko lang naman may pagsabihan ng mga problema ko tapos tututol siya. tanggap ko na nga na hindi siya sumipot sa kasal namin, tanggap ko na nga din na lagi niya akong sinusungitan , tanggap ko pa na tinanggihan niya ang luto ko pero this time nag-ipon-ipon lahat dahil hindi niya ako pinapayagang umalis or may papuntahin man lang Hindi ko napansin na namumuo na yung luha ko kaya agad kong pinunasan ito. agad kong kinontact si ate. "Ate S-sorry." basag na boses ko. "B-bakit? may nangyari ba?" pag-aalala niyang sabi. "W-wala naman pero hindi kasi tayo matutuloy ngayon." naiiyak kong sabi. "Hala, bakit naman? ngayon na lang tayo magkikita, Via?" malungkot na sabi nito. "Hindi kasi ako pinayagan na magkita tayo ng asawa ko. Ate Eunice, I need you so badly. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa bahay na ito." "Sige ako na lang gagawa ng paraan para magkita tayo. Kakausapin ko si Dad. Ako na makikipag-usap sa kanya para makausap ang asawa mo." "Sige Ate, maraming salamat talaga, kung wala ka, paano na lang ako." punas sa pisngi ko. "Sige tawagan ko muna si Dad, hindi naman niya makakausap si Austin dahil ayaw ni Dad sa Boyfriend mo." paliwanag nito. "Isa pa yan. haysss. Ate ano na talagang gagawin ko." "Huwag ka ng umiyak, ako na bahala." "Salamat Ate, Babye." patay ko sa tawag namin. Pagkatapos naming mag-usap ay lumabas muna ako at pumunta sa garden. Buong maghapon ay nandoon lang ako at naghihintay ng tawag ni Ate Eunice pero wala ni isang tawag akong narinig man lang sa cellphone ko. Kahit message nito ay wala kaya parang umaasa lang ako sa wala. Unti-unti akong nawalan ng pag-asa na makakalaya pa ako sa pamamahay na ito. Kahit makita ang pamilya ko or si Dad man lang ay hindi ko makikita. Ni kamustahin nga ako nito sa bago kong buhay ay hindi man lang akong nakamusta, ganun din si Kuya, buti pa si Ate Eunice, kahit pasaway ako sa mata niya ay kilala niya parin ako. 'Haysss' buntong hininga ko na lang. Ilang beses ng pabalik-balik si Ate Susan para pilitin akong kumain kaso tila hindi ako nakakaramdam ng gutom, mas lalo lang akong umiiyak kaya hinayaan niya lang ako. Nang mapansin ko na maggagabi ay napagpasyahan ko ng bumalik sa loob. Pagkapasok ko ay nadaanan ko ang dining area kung saan nakita ko si Calix na kumakain na. Dinaanan ko lang ito. "Kumain ka na." sabi nito pagkalampas ko sa kanya. "Hindi ako gutom." sabi ko dito bago tuluyang makalampas sa kanya. Hindi naman ito nagsalita kaya mas okay na ako na bumalik na lang ng kwarto namin at matulog na lang. Pagkahiga ko ay agad akong nagtalumbong ng kumot at doon tinuloy ang iyak ko. Pagkalipas ng ilang minuto ay narinig kong bumukas ang pinto kaya tinanggal ko ang pagkakatalukbong ko ng kumot. "Bakit hindi ka pa kumakain?" bungad nito sa akin. "Hindi pa ako gutom." naluluha kong sabi. "Wala akong paki kung gutom ka o hindi, basta ang mahalaga ay kumain ka." sabi nito. "Pabayaan mo na ako, tutal hindi naman nasusunod ang gusto ko." madiin kong sabi. "Bakit, kaya mo na ba? Kaya mo na bang mabuhay ng mag-isa?" sabi nito na hindi parin umaalis sa pwesto niya. Napakagat naman ako ng labi at walang masabi. Totally zero talaga ako kaya nga hindi ko magawang makaalis dito. Pinakasal nga ako ni Dad sa isang Bilyonaryo dahil ang company namin ay bumabagsak na. "See, so follow my rules kung gusto mong magkaroon ako ng tiwala sa iyo. Akala mo hindi ko malalaman kung sino kausap mo kahapon, kausap mo lang naman ang boyfriend mo!" galit na sabi nito. "Wala kang pakielam kung kausap ko boyfriend ko, Arranged marriage lang naman ito ah!" bangon kong sabi. "I don't care kung boyfriend mo siya. Tandaan mo kahit arranged marriage tayo, binenta ka na ng Daddy mo sa akin, pagmamay-ari na kita, NABILI NA KITA! ALWAYS REMEMBER THAT YOU ARE MINE, EVERYTHING IN YOU ARE MINE. YOUR BODY, YOUR SOUL ARE MINE. Kaya lahat ng sasabihin ko ng walang basbas sa akin. Hindi ka makakaalis sa bahay na ito! TATANDAAN MO YAN." matigas niyang sabi. "NO! I'm not yours. Gagawa ako ng paraan para makaalis sa bahay na ito." banta ko sa kanya. "Then do it. Huwag mo kong susubukan Slyvia. Siguraduhin mo lang na buhay kang makakalabas sa pamamahay na ito." He smirked. Natakot naman ako sa sinabi niya kaya nagtalukbong nalang ulit ako ng kumot at muling umiyak hanggang sa nakatulog na lang ako. Nagising na lang ako na wala siya sa tabi ko. Saan kaya natulog iyon? Naligo muna ako at pagtingin ko sa cellphone ko ay 7 palang ng umaga at sabado ngayon. Wala akong makitang tao sa bahay ngayon kaya napagdesisyon ko nalang na lumabas sa Garden at nakita ko si Calix na nagpapahangin. Napansin naman niya ako pero agad din umalis ang tingin niya sa akin kaya nilapitan ko ito. Pareho lang kaming tahimik sa isa't-isa at kapwa tinitignan ang pagsikat ng araw. Nakakarelax palang manuod ng sunrise kaya kung hindi man ako makakaalis sa bahay na ito. Dito ko na lang bubunuin ang buhay ko. Napansin ko naman na gumalaw na si Calix para umalis kaya automatic kong tinulak ito pabalik sa loob. "Sa dining." sabi nito ng makapasok kami sa loob. Dinala ko naman agad siya sa Dining dahil magbreakfast na kami. Nakita ko naman si Manang at Ate Susan na nag-aasikaso na ng pagkain. Inayos ko naman ng pwesto si Calix kaya ng maiayos ko siya ng pwesto ay umupo na rin ako. Konti lang ang kinain ko dahil ayoko rin naman mabigla ang tyan ko. Sabay kaming natapos ni Calix sa pagkain at nagrequest ito na pumunta ng library kay doon ko na siya dinala at doon lang siya buong maghapon. Hindi man lang ito nagpadala ng pagkain sa akin. Naglibot-libot lang ako sa buong baba hanggang sa may mapansin ako na isang pinto at ng buksan ko ito ay doon ako nakakita ng mini bar. "Wow, mamahaling alak. Nakakamiss. hehe." mangha kong sabi. Kumuha ako ng wine glass at naghanap ng alak na bukas. Buti na lang merong bukas. Vosne-Romanee base sa nakita ko pero bahala na, tikman ko na lang. Mukhang mamahalin eh. hehe. Unang tikim ko. "Ahhh. sherep. hihi. Isa pa." "Maglalagay pa ako pero tama na ito. Baka mahalata ni Calix na uminom ako kapag dadamihan ko." pero yung laman ng wine glass ko tila mangangalahati na. "Wahhh ang sarap talaga." isang lagok ko. "Lahh, lakas pala ng tama nito. Ayusin ko na ito baka hanapin na niya ako." hawak ko sa ulo ko. Pagkatapos kong ayusin yung pinaginuman ko ay hinugasan ko yung wine glass at pinunasan ko din ito para hindi masira. Instead na sa library ata ako pumunta ay agad akong pumunta sa kwarto para matulog. Iba pala ang tama nun. Hindi ko na namalayan na napatagal na ang tulog ko hanggang kinabukasan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD